Chapter 15

1.9K 87 9
                                    

Diana's POV

Naalimpungatan ako ng gising nang maalala na nandito pala ang babaeng sobrang kulit. Bigla akong napaupo habang kinakapa ang buo kong katawan. Kumpleto pa naman ang saplot ko kaya napahinga ako ng maluwag. Napanaginipan ko kase na itinali ako ng babaeng iyon at hinubaran, tapos may ginawa siya sa akin na ano.. na basta the other day may anak na kami. What a sweet nightmare.
Pero kahit may gusto ako doon, hindi ko pa rin siya papatulan. I can bottled up my feelings at itapon.

Wala siya dito sa aking tabi kaya nasisigurado kong nandoon na siya sa baba or umuwi. Hindi ko alam kung paano niya nakita ang sikretong lugar na ito pero alam kong may kinalaman si Gazini rito. Hindi ako galit kung sisirain niya ang tiwala ko sa kaniya. Siguro kinulit din siya ng babaeng iyon, katulad ng pinanggagawa niya sa akin.

Bumaba na ako sa parang bahay ko na ito. Hindi nga ako nagkamali na nandito siya sa baba. Nakaupo siya habang nakapangalumbaba sa mesa. Wala siyang ganang nakatingin sa akin.

"Dianer..." Tawag nito sa akin in her sexy sleepy voice pa. Halatang bagong gising. "Baby.. gutom na ako."

Hindi ko siya pinansin at pumunta nalang sa maliit na batis na hindi kalayuan dito. May bubon dito na pwedeng liguan, pero hindi pa ako magliligo dahil maghihilamos lang ako.

Pagkatapos kong gawin yun ay bigla naman akong nagulat dahil nandito na pala sa tabi ko ang babae. May dala siyang towel na nakalimutan ko dalhin kanina. Bago ko kunin ay bigla na niya pinahiran ang basa kong mukha.

"Ginugutom na ako baby, hindi mo man lang ba ako papakainin?" Tanong nito sa akin nang matapos na niya gawin.

"Wala akong pagkain dito. Umuwi ka sa bahay." Utos ko sa kaniya at bumalik ulit sa aking rest house.

"Hindi naman pagkain ang gusto kong kainin eh! Kundi ikaw." Sabi nito habang sumusunod sa akin. Alam kong nang-iinis na naman siya kaya hindi ko na pinatulan pa. Bahala siyang magsawa dyan.

Umakyat na ako at pumasok sa loob. Napatalon naman ako sa gulat ng bigla niyang sinarado ang pinto ng padabog. Problema nito?

"I mean what I say." Seryosong wika nito habang mariin akong tinitignan. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil sobra siyang makatotohanan.

"Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya dahil nakalimutan ko eh.

"Baby."

"Okay baby, this is rape."

Bigla siyang napatawa sa sinabi ko. Napagtanto ko naman na niloloko lang niya ako sa pangalan niya. Hindi ko kaagad naisip dahil sa kaba.

"Paanong rape yun? Eh baby mo naman ako diba?" Ngising tanong nito sa akin. Wala talaga akong laban sa babaeng ito. Wala ba tong jowa? Ba't ako ang ginugulo niya?

"Hindi ko na ipagpilitan ang pag-alis niyo dito kung tantanan mo ako bilang kapalit."

Binibigyan ko siya ng isang deal na hindi ko pa ginawa sa ibang nag-uupahan dito sa bukid noon. Swerte na nga niya dahil may deal pa akong nalalaman para na rin matatahimik ang buhay kong ginugulo niya.

"I can't. Binigyan na kami ng Mama mo ng karapatan manirahan dito. At siya lang ang may karapatan mag-alis sa amin. Kaya ibang deal nalang."

"Ano ba ang gusto mong deal?"

"Sabihin mo sa akin ang totoo kung bakit mo ako hinalikan." Ngisi na naman nito. "Dahil nakakapagtaka na walang dahilan, diba?"

Napatahimik naman ako dahil hindi ko masasabi sa kaniya iyon. Simula nang ipinanganak ako with this kind of condition, parang wala na akong karapatan sa lahat. At isa na doon ang magmahal sa isang normal. Wala siyang makukuha sa akin. And as far as I know, babae pa rin ako.

"Hindi lahat ng bagay ay nangangailangan ng dahilan." Sabi ko sa kaniya at kinuha ang isang sombrero dito. Kanina pa sumisikat ang araw pero wala pa akong nauumpisahang gawain.

"Pero matik nang may dahilan ang mga yon. Takot ka lang magsabi ng totoo."
Unti-unti siyang humahakbang papunta sa akin habang malayang sumasayad ang kamay niya sa mga bagay na kaniyang nadadaanan. Parang tumitigil ang mundo ko. At parang hindi ako makagalaw.

"And yeah, may dahilan ako kung bakit hinayaan ko ang aking sarili na halikan mo." Pagpapatuloy pa rin nito hanggang sa makarating na siya dito sa aking harapan.  "Pero hindi ko sasabihin para fair."

"Okay lang, hindi ko naman hinihingi."

Kahit parang tuod na ako rito ay hindi ko mapigilan na kontrahin siya. Bakit ba nanginginig ang mga tuhod ko kapag makalapit na ang babaeng ito? Parang hindi nagfufunction ang katawan ko lalo na't lumalakbay na naman ang kaniyang kamay. Shit.

"Pero gusto mo malaman?"

Napakagat-labi ako para pigilan ang aking sarili nang dahan-dahan niyang iniangat ang aking damit. I'm aware kung ano ang ginagawa niya, pero kahit anong pilit ko na galawin ang aking katawan ay hindi ko magawa. Nang-iinit ang buo kong sistema nang dumampi na ang malamig niyang mga kamay sa aking tiyan.

"I'm just checking, may abs ka nga." Biglang pag-iba niya na pumutol sa aking tensyon. Inalis na niya ang kaniyang kamay pero sa batok ko naman niya ipinupulupot. "Pero gusto mo talagang malaman?"

Parang mabibingi ako sa sobrang lakas na tibok ng aking puso dahil sa lapit ng mukha nito sa akin. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniyang labi. Alam niya kung saan ako nakatingin kaya napangisi ito. Shit. At lalo akong napamura nang kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi. Nanunukso talaga eh.

"If your silence means yes... "

Lalo akong nakaramdam ng pag-iinit na parang nasusunog ang buong paligid nang inilaro niya ang kaniyang mga daliri sa aking batok. Sobrang pagpigil naman ang ginawa ko kahit nakatayo na ang lahat sa aking katawan. Ugh. Hindi ko na isa-isahin pa. Alam niyo na yun.

"Then halikan mo ako.." Sabi nito sa malambot na boses na medyo garalgal? Sobrang pagpigil ang ginawa ko sa temptasyon na ito, tapos uutusan niya lang ako? No. Hindi. Ayokong lalong mahulog sa kaniya.

"Kung gusto mo malaman ang dahilan, then... kiss me, again."

Sa kaniyang labi lang ako nakatingin sa buong sandali na ito. Naglalaban ang puso't isip ko sa dapat kong gawin, kung hahalikan ko ba siya o hindi. Isa lang naman to sa kaniyang mga biro. Ayokong mahulog. Ayoko siyang mahalin. She doesn't deserve an abnormal. At mas lalong hindi ko siya deserve.

Kahit sobrang hirap ay pinilit kong umalis sa sitwasyon na ito. At mabuti naman na hindi na siya nagpigil pa.

"I'm sorry." Usal ko at umatras sa kaniya. Hindi ako makatingin, at aalis na sana pero bigla ito nagsalita para tumigil ako. And I don't know kung kasama pa rin ba ito sa kanina... pero parang seryoso na siya.

"Sayang.. sasabihin ko pa naman sana sayo na.."

Tumingin na ako sa kaniya para sa kaniyang susunod na sasabihin. Siya naman ang hindi makatingin sa akin.

"Na ano?" Tanong ko dito. Pero may bigla akong napagtanto kaya nagsalita ulit ako. "I'm sorry, sobrang mangmang ko talaga. Tinanong pa kita where in fact hindi naman kita hinalikan bilang kapalit sa sag--"



"Na gusto kita, Dianer."

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now