Chapter 8

2K 114 28
                                    


Gazini's POV

Narinig ko ang huling usapan nila habang papalapit ako dala ang mga niluto ni Diana. Dito kase kami sa labas kumakain kapag tanghali, at kapag nandito si Tita Rowena.

Inilagay ko na ang nalutong lobsters, crabs, at shrimps na halos lahat paborito ng kaniyang anak. Pagkatapos kong ilagay ay bumalik ulit ako sa loob para kumuha ng kanin at tubig. Pagkapasok ko sa kusina ay nadatnan ko si Diana na nagluluto pa rin ng paksiw.

"Anong pinag-uusapan nila?" Bigla nitong tanong sa akin habang kumukuha ako ng mga plato.

Agad ko siyang nilingon at sumagot ng deretsahan. "Pinag-uusapan nila kung makakabuntis ka ba."

Nagulat naman ito kaya hindi niya napigilang magtanong ulit.
"Anoo!? Bakit?"

"Siguro gusto ng isa sa kanila magkaroon ng anak with you." Ngising sabi ko dito.

"Seriously!? I fall under a category of 46, XX intersex. Ibig sabihin hindi ako makapagpabuntis ng babae dahil babae din ako. Yep, I have genitals of a man outside but normal ang uterus at fallopian tubes ko inside. Wala akong sperm."

"Sigurado ka? Wag ako ang sabihin mo dahil alam ko na yan, yung tatlo nalang, pati na rin yung Mama mo." Matawa-tawang wika ko rito habang nagsasandok ng kanin para dalhin sa labas.

"Ikaw na lang magsabi sa kanila." Seryosong utos nito sa akin pabalik. Napailing naman ako at lumabas na. Nakita ko naman sila na patuloy pa rin sa pag-uusap hanggang ngayon. Ganun na ba talaga ka seryoso yun?? Ni hindi nga ako napansin man lang habang naglalagay ng mga pagkain sa harapan nila.

"May ipinatira nga akong babaeng patay na patay sa kaniya rito noon, so ayon, namatay nalang sa kakaasa." Kwento ni Tita sa tatlong babae na ito. Well, totoo naman yun. Hindi lang isa dahil marami na, at yan ang kinaiinisan ni Diana sa kaniyang ina. Dahil pinipilit siya nito kahit hindi niya gusto. Pero alam kong ginagawa lang naman yan ni Tita Rowena para lumabas siya sa kaniyang shell. Para umalis na sa kaniyang limitasyon.

"Anyway, dito nalang kayo magtanghalian na tatlo. Sama-sama tayo rito." Dagdag pa nito na siyang nagpatango na lamang sa tatlo. Lagot na. Lagot na talaga si Diana. Hahaha.

Bumalik ulit ako sa loob ng bahay para kunin na ang mga plato. Hindi na kami gumagamit ng kutsara at tinidor dahil nagkakamay lang kaming kumakain. That's already a kasanayan.

"So sinabi mo na?"

"Sinabi na ano?" Maang-maangan ko sa kaniya. Paano ko sasabihin yun eh hindi nga nila ako pinapansin. Sobrang bastos naman kapag bigla ako magsasalita doon noh.

"Na hindi ako makakabuntis!" Panggagalaiti na nito kaya napatawa naman ako. Ang sarap niyang inisin.

"Hindi pa. Ikaw nalang ang magsabi tutal may bunganga ka naman."

"Fiine. Si Mama nalang pagsabihan ko mamaya kapag wala na ang tatlo."

"Baka mamayang gabi mo pa siya mapagsabihan, dahil doon manananghalian ang tatlo. Inimbitahan sila ng ina mo."

"Huwaaat!?" Gulantang na tanong nito na parang nahulugan ng langit ang mukha. Tapos na kase siyang magluto, at kasalukuyang naghuhugas ng kamay. "Sige, dalhin mo na lahat yan sa labas."

"Bakit? Hindi ka lalabas?" Pagtataka ko sa kaniya kahit na sobrang halata naman. Alam kong lumalayo siya  sa tatlong iyon.

"Hindi. Dito ako sa loob kakain."

"Sige. Ikaw bahala."

At lumabas na ako pagkatapos kong sabihin yun. Hindi ko naman siya mapipilit pero sigurado akong dito siya sa labas kakain mamaya. Wala siyang magagawa dahil nandito ang ina niya. Mapipilitan na naman to eh.


Diana's POV

I don't know kung na fall nga ba talaga ako sa 46, XX. Sinabi ko lang yun para matapos na ang diskusyon nila kung makakapagpabuntis ba ako. Hindi naman ako nagpakonsulta sa doktor para malaman talaga. At wala naman akong balak na malaman pa yun. Hindi na mahalaga, because all I know na I'm not fit into this society. Kaya buong buhay ko dito lang umiikot. Do I have a choice? Wala. Kundi tanggapin ang ganitong kapalaran.

"Diana, doon ka raw sa labas kakain dahil kung hindi, papapuntahin niya dito si Franki."

Hindi na ako tumingin kay Gazini nang bumalik siya ulit dito para pagsabihan ako. Alam ko naman na kahit sa ayaw at sa gusto ko, doon pa rin ako kakain sa labas with them.

"Pwede bang wag niyo na akong pilitin? Ayokong makisalamuha sa kanila. Hindi ako katulad mo." Sabi ko dito habang nakasandal sa upuan nang nakapikit.

"Kung ako lang hindi kita pipilitin, pero hanggang kaylan ka magiging ganyan? So ano? Papuntahin ko na ba dito yung isang babae? Kase pagod na ako ng pabalik-balik dito eh." Reklamo nito kaya agad na akong napatayo. Ayokong papuntahin ang babae na yun dito. Baka maulit na naman ang ginawa niya sa akin kahapon. Nakakatrauma.

"Yun naman pala eh, only Franki can move your toes."

Hindi ko na siya pinansin at agad nang lumabas ng bahay, nakasunod naman ito sa akin habang papunta sa kinaroroonan nila. Wala naman akong choice palagi.

Umupo na ako sa tabi ni Mama pagkarating ko dito, nakatingin naman ang tatlong babae sa akin. Shit. Kakain na naman ako ng hindi komportable nito.

"Kumpleto na tayo." Saad ni Mama nang nakangiti. Nasa gitna namin siya ni Gazini.

She leads a prayer before we eat, dahil isa din yan sa kultura na kinalakihan niya. Pagkatapos nun ay agad na akong kumuha ng kanin, pero nagkasabay ang pagkuha namin ng kaharap ko, which is ang babaeng nang-akit sa akin. Urghh. I don't know na siya pala ang nasa harapan ko. Ang malas.

Hinayaan ko muna siyang mauna bago kumuha. And I was about to pick a crab, pero ang kamay na naman niya ang nahawakan ko. Nananadya talaga si tadhana.

"Ehem. Nakakahalata na kayong dalawa ah?" Biglang saad ni Mama sa amin habang kumukuha ng pagkain. Hindi siya nakatingin sa amin pero halatang nakangiti ito.

"Ehem. Baby, bitawan mo na ang kamay ko. Kakain pa tayo." 

Agad naman akong napatingin sa aking harapan, at doon ko rin nakita ang nakangising babae na to sa akin. Problema nito?

"Ang sabi ko, kumain muna tayo. I promise, I won't let go of your hand mamaya." Dagdag niya kaya nabitawan ko bigla ang kaniyang kamay na kanina ko pa pala hinahawakan. How come na hindi ako aware?

Kumuha na siya ng isang alimango pero imbes na sa kaniya, inilagay niya ito sa aking pinggan, at kasunod nito ang paglalagay niya pa ng iba pang mga ulam hanggang sa mapuno. Nagtataka naman akong nakatingin sa kaniya.

"Yan. Ubusin mo lahat yan. Gusto kong mabusog ang baby ko."

Napatigil naman ang apat sa kanilang ginagawa at tumingin sa amin. Pero ang babaeng ito hindi man lang sila pinansin. Instead, tumayo pa ito at tumabi sa akin.

Sabi ko na ngang sa loob nalang ako kakain eh! Hindi matatahimik ang buhay ko dito!

"Ba't hindi ka pa kumakain dyan? Gusto mo susubuan kita? I love pampering my baby pa naman."

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now