Chapter 10

2.1K 106 22
                                    


Diana's POV

Agad akong tumayo pagkatapos kong sabihin yun sa kaniya. Tapos na kase akong kumain, at salamat naman dahil makakaalis na ako dito. Pero may problema dahil hinaharangan niya pala ang daan ko. How can I?

"Yes. Ang ganda ko, sobrang ganda na bagay sa pagiging misis mo." Ngiting sabi nito at hinila ako papaupo ulit. Napamura nalang ako sa aking tingin dahil hindi pala ako makakawala dito.
"I don't know na sweet ka pala, baby. Thanks sa compliment ah? But wag ka munang umalis, panindigan mo muna ako."

"Wag mo nga akong tawaging baby dahil kinikilabutan ako, at isa pa, wala akong paninindigan sayo. And lastly, wala akong balak mag-asawa lalo na ang isang tulad mo." Mahinang sabi ko pabalik sa kaniya para hindi marinig ng isang katabi ko pa rito. Kanina pa ako naiinis sa kakulitan niya pero wala akong magawa. And speaking about sa pagsubo ko kanina, hindi ko yun sinasadya. Pero baliktad yun sa sinabi kong ang ganda niya. Totoo yon. Ngayon ko lang natitigan ng husto ang mukha nito.

"So, ano ang gusto mong itawag ko sayo? Honey? Love? Darling? Sweetie? Mahal? Asawa ko? Mi--"

"Wala!!" Agad kong putol sa kaniya. Naririndi na ako.

"Doon nga kayo sa loob ng bahay maglandian na dalawa. Para wala kayong maiistorbong ibang tao rito." Pagsusuhestyon naman ni Mama sa amin kaya nilingon ko siya para palabasin ako sa kabilang side.

"Ma, pwede bang umalis kayo saglit? Lalabas lang ako."

"Bakit dito pa? Dalawa kami ni Gazini ang nakaharang tapos dito ka pa dadaan?"

Napabuntong hininga nalang talaga ako dahil wala na akong magagawa kundi sa side ng babaeng ito ako dadaan para lumabas. At isa lang ang alam kong paraan dito. Pero hindi ko yun kayang gawin. Kaso wala na akong choice kaya,

"Baby.." Malambing na pagtawag ko sa kaniya kaya bigla itong napaharap sa akin habang lumalamon pa. Dahan-dahan kong hinawi ang munting bangs nito papunta sa gilid ng kaniyang mukha. Base sa mga tingin niyang nakapukol lang sa akin ay alam kong naguguluhan ito. Napangisi akong hinaplos ang mukha nito pababa hanggang sa kaniyang jawline, sa gilid ng labi nito, sa kabilang pisnge, sa noo pababa ulit sa kaniyang ilong hanggang  sa tumigil na ang daliri ko sa kaniyang mismong labi. Lumapit pa ako sa kaniya habang patuloy ko pa rin sinasalubong ang kaniyang tingin. Inaakit mo ako para makuha ang gusto mo, so gagawin ko din yan sayo.

"Maligo ka na. Tapos ko na lagyan ang buo mong mukha ng amoy ng alimango." Seryosong bulong ko dito bago tumawa. Napaatras naman siya at tinignan ako ng masama. Biglang nawala ang pagkatulala niya eh.

"Ang sama mo!" Tumayo na ito kaya naman pagkakataon ko na ito para makaalis. Agad na akong tumayo at naglalakad na papasok sa bahay dala ang aking plato. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil hinaplusan ko talaga siya ng amoy ng alimango. Alam niyo naman na nagkakamay lang ako diba.

Agad na akong naghugas ng kamay at dumiretso na sa loob ng kwarto. Nilock ko ang pinto para makasigurado na hindi na niya ako masusundan dito.

Gusto ko muna ng katahimikan sa buhay kahit sandali lang.

***


Nagising ako sa ingay ng kalabog ng pintuan kaya napilitan akong bumangon at dumungaw sa bintana, hapon na pala. Papalubog na ang araw at bumabalik na ang mga ibon sa kanilang tahanan. At bigla ko naalala na kukunin ko pa pala ang mga hayop ni Mama sa silangang bahagi ng bukirin na ito tapos ilalagay sa kanilang mga bahay. Mostly kalabaw, baka, at mga kambing lang naman ang naka assign sa akin, samantala sa kabila naman si Gazini.

Lumabas na ako sa loob ng kwarto ko nang matapos na ako magbihis. Nakita ko naman ang. Hay. Nandito na naman. Nakangiti itong nakatingin sa akin na parang wala akong ginawa kanina sa kaniya. Napansin ko ang suot nitong isang stripe longsleeve na kulay pula at itim na hanggang sa ibabaw ng pusod lang ang haba dahil parang nakatali ito. Ano bang klaseng damit yan? Kitang-kita ang kaniyang tiyan na may konting abs. Bumaba pa ang tingin ko at dumapo ito sa suot niyang maong shorts na sobrang ikli. Hindi naman masyado dahil parang one third lang ng hita niya ang natatakpan. Exposed na exposed ang maputi nitong?? Ay. Ayokong magkasala. May bitbit itong isang buri na sombrero, at nakasuot ng puting tsinelas.

Ang ganda niya. Kahit walang make up at naka bun na ang kaniyang buhok.

Parang may biglang tumayo.

No.

Agad-agad akong lumabas ng bahay ng walang sabi-sabi dahil nakatulala pala ako sa kaniya ng matagal. Shit.

"Hey! Wait lang Dianer!" Rinig kong sigaw nito sa akin kaya bigla akong napalingon sa kaniya. Tumatakbo ito papunta sa akin. Ano? Sasama siya!?

"Salamat sa paghintay. I promise hindi kita guguluhin sa pagpapastol ng mga hayop basta sasama ako." Sabi nito nang nakarating na ito sa aking tabi. Naguguluhan lang akong nakatingin sa kaniya dahil parang may bago. "Titigil na rin ako sa pagtawag sayo ng baby."

Hindi ako nagsalita at nagpatuloy ulit sa paglalakad papunta sa bulubunduking bahagi sa bukirin na ito. Nandoon kase ang mga hayop eh. Tahimik lang naman itong sumusunod sa akin habang dumadaan kami sa masukal na bahagi.  Medyo binilisan ko ang paglalakad dahil malayo pa ito. Alam kong gagabihin kami nito. Bakit kase nasarapan ako sa tulog?

"Aray!" Agad naman akong napalingon nang marinig ko ang kaniyang iniusal bago lang. Nakayuko ito habang hawak ang gilid ng kaniyang hita. Nakita ko namang may sugat ito. Hindi naman dumugo.

"Bakit kase ganyan ang suot mo?" Tanong ko at hinubad ang suot kong T-shirt at pinunit ito. Binalot ko yun sa magkabila niyang hita bago itinali para hindi mahulog. Tumayo naman ako sa harapan niya habang sinisigurado na hindi talaga yun mahuhulog. At nang masigurado na ay bigla akong napatingin sa kaniya. Tahimik naman siyang nakatingin sa akin, sa walang saplot ko na katawan rather. Napakagat-labi pa ito.

"Yes. Panglalaki ang katawan ko because of my abnormal hormones." Pagpapaliwanag ko dahil alam kong naguguluhan at nagtataka siya. Hinintay ko ang maaaring sasabihin nito pero wala, patuloy pa rin itong nakamasid sa aking katawan. Kaya itinuloy ko nalang ang gusto ko pang sasabihin sa kaniya, siguro nakikinig naman ito.

"Kaya huwag mo akong maakit-akit, dahil hindi mo alam na may biglang tumatayo."



Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now