Chapter 21

2.3K 89 44
                                    


Diana's POV

Parang namali ako ng sabi ng bigla itong ngumisi. Sinabi ko lang naman yun para maging aware siya, at para tigilan na ako. Kahit na hindi ako ginagamitan ng pang-aakit niya but the sound of her voice, her beautiful face, her gorgeous body, the whole her, parang inaakit ako na gawin ang isang bagay na pinipigilan ko. Masisira ko ang buhay niya kapag magawa ko yun. Kanina pa ako nag-iinit sa kaniya, at hirap na hirap na. Pero nagawa ko pa rin pigilan.

"Nevermind. Tara na." Ani ko sa kaniya at agad na naglakad. Nauna talaga akong naglakad sa kaniya dahil ayokong sumabay. Baka mawala ako sa katinuan at kung ano ang magawa ko sa kaniya. Nahihilo na nga ako. At mas lalong nag-iinit pati ang aking labi. Parang gusto ko nang maghubad. Ugh.

"Waiit--"

"Sabing tumahimik!" Singhal ko rito habang patuloy pa rin sa paglalakad. Binibilisan ko na nga para makarating agad sa bahay, pero malayo pa yun! Unti-unti na ngang gumagabi.

"Galit agad? Oo na, tatahimik na po, baby."

Arghh. Wag mo kong tawaging baby kung ayaw mo magkaroon ng baby dyan! Heto na naman siya. Nag-uumpisa talaga. Konti na lang ang natirang pasensiya ko dito. Kaya wag mong ubusin.

Mabuti at hindi na siya nagsalita pa at sumunod nalang sa akin. Pero wala pa ring gamit dahil yung pulso ko at tibok ng aking puso, bumibilis. Tapos yung blood pressure ko sa katawan parang tumataas. Basta ayoko sa feeling na ito, hindi ko siya asawa para gawin ang bagay na yun sa kaniya. Hangga't maaari, pipigilan ko talaga.

At speaking sa bagay na yun, bigla kong naalala na may tagong dagat pala dito. Pwede akong magbabad para maalis ang init sa katawan. Maggagabi na, at sigurado akong malamig ang tubig ngayon.

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya. Sa lupa lang siya nakatingin habang patuloy pa rin sa paglalakad hanggang sa mabangga niya ako. A sudden contact of her skin to mine ay parang nakukuryente ang buo kong katawan. Parang lalo niyang pinukaw ang lamang-loob ko.
Pero hindi pwede. For our own sake, hindi dapat ako magpadala. Ayokong idamay siya. I can do it alone mamaya.

"Punky... mauna ka nang umuwi.. dumeretso ka lang. Wala namang may mangyari sayo sa daan kaya wala kang dapat ikakatakot.." Napapasinghap na sabi ko sa kaniya na hindi siya tinitignan. Hangga't kaya ko pa pigilan, iiwasan ko muna ang makasama siya.

Hindi ko hinintay ang sasabihin niya at agad na pumunta sa isang masukal na kagubatan. Dito kase ang shortcut papunta sa magandang karagatan na yun. It's not a private property kaya malaya akong pumupunta doon. At doon na rin ako magpapalipas ng gabi para hindi niya ako magawang kulitin sa bahay. Habang papunta doon ay hindi ko napigilang hubarin ang aking pang-itaas na damit. Naramdaman ko naman ang malamig na hangin na dumadampi sa aking katawan, pero hindi pa rin sapat na kunin ang init sa aking katawan. Agad ko nang binilisan ang aking paglalakad nang makita ko na ang mga agos na kumikinang dahil sa liwanag ng buwan. Gabi na, at ito ang perfect time para lunurin ko ang nararamdaman ko sa kaniya sa pamamagitan ng malamig na tubig na iyan.

Tuluyan na akong nakalabas sa masukal na kagubatan na iyon, at ang malamig na simoy ng hangin ang bumati sa aking pagkalabas. Hindi ko makakaila ang magandang tanawin na ito kahit gabi na. Iniwan ko ang tsinelas ko sa isang gilid at agad naglakad ng nakapaa sa mabuhanging dalampasigan patungo sa tubig. Tumigil muna ako sandali para hubarin ang pantalon ko. Tanging boxer nalang ang naiwan sa akin bago ako nagpatuloy.

Ang malamig na tubig na nararamdaman ko sa aking paa ang siyang nagpapakalma ngayon sa aking sistema. Water could really heal everything. Pero maliban sa imahe ng babaeng iyon na nakakatatak na sa aking isipan. Inaamin ko na nakaramdam ako ng selos kanina nang makita ko siyang hinawakan ni kapitan. Alam kong wala akong karapatan dahil in the first place, hindi ko naman siya pag-aari. But I can't help it.

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now