Chapter 45

1.2K 58 36
                                    


Diana's POV

The farm isn't the same again without her, without them. Di ko alam na sobrang lungkot pala at napakasakit, ang pagkawala ng isang tao na minsan palaging nasa iyong tabi. Her absence, tapos di pa nakapagpaalam are completely sucks. But hanggang ngayon, patuloy pa rin ako sa paghihintay even if it is two days had passed.

Nandito ngayon ako sa labas ng bahay, nakaupo. Nakatingin sa kawalan habang di nawawalan ng pag-asa na makita ko ulit ang mukha niya. Those eyes, those smiles of her that I missed.

Oh Franki, saan ba kita hahanapin? Nasa iyo pa yung susi ng kubo ah.

"Miss mo na?" Hindi ko na magawang magulat sa biglaang tanong ni Gazini sa aking likuran. At alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

"A lot. Sobrang ko siyang namiss. Kahit unti-unti nang lumalabo ang imahe niya sa aking isipan."

"What do you mean?"

Tumingin ako sa kaniya at nagsalita. "Unti-unting lumalabo dahil wala siya dito. Wala akong kopya ng maganda niyang mukha para manatili ito sa aking memorya."

"Pero hindi mo makakalimutan yung mga memories di'ba?"

Tumango ako. Syempre naman hindi. "Hindi ko makakalimutan ang unang kita ko sa kaniya when she was talking to you, searching for a matitirhan."

Napangiti ako ng malungkot.

It is her back that I saw first. At nang lumingon siya, doon na ako napaiwas ng tingin at nakaramdam ng kakaibang kaba. Until I laid my eyes on her again. Mata sa mata. Nakuryente ako sandali. At doon na natamaan.

And I knew from that moment, I was in love. Pero di ko pinahalata, and acted like parang walang pake. And nagawa ko pa silang paalisin for the fact na ayaw ko sa mga tao because of my abnormal hormones. Pinigilan kong mahulog sa kaniya, dahil baka hindi niya ako matanggap. Lumalayo ako, pero mas makulit siya. Hinabol ako at napasuko.
Tinanggap niya ako ng buong-buo.

"Sobrang sarap ang magmahal pero may kaakibat na sakit. Ganun din. That's why I don't do the whole love thing. Only mere attraction, para di masyado masaktan." Sabi nito at umupo sa aking tabi.

"Ba't hindi ka nag take risk sa pagmamahal na yan?" Pagtataka ko sa kaniya.

"Because you may end up hurting them or they hurt you. So, what's the point?"

So, ano nga ba ang punto? Maybe I can't hurt her, so she end up hurting me instead? Di kaya niloloko lang niya ako? Pero napaka imposible. Hindi ko yun naramdaman. At alam kong hindi rin niya ako kayang saktan. What if that love is hurting us both?

"Don't worry,  time heals. Makakalimutan mo rin yun, pati ang sakit."

Napatawa ako ng mapakla. "I do not currently possess the ability to can. In short, I can't." Wika ko dito. Kahit saang parte ng bukirin na ito naiwan ang mga memories niya. Paano ko yun makakalimutan? Baka babalik pa siya eh. And hoping na babalik nga. Dahil aasa talaga ako.

Tumayo ako at naglakad patungo sa hindi ko alam. Gusto kong hanapin ang reason kung ba't niya ako iniwan. Kung ba't siya umalis. And for now, I want to be alone. Ayoko munang makipag-usap kay Gazini or kay Mama. Gusto kong hanapin yung dahilan niya. Para mabawasan man lang ang sakit kahit papaano.

I found myself papunta sa lugar kung saan ako nakadestino sa pagkuha ng mga hayop ni Mama. I don't know kung bakit dito ako dinala ng aking mga paa.
May bigla akong naalala.

"Salamat sa paghintay. I promise, hindi kita guguluhin sa pagpapastol ng mga hayop basta sasama ako. At titigil na rin sa pagtawag sayo ng baby."

Napapikit ako habang dumadaan sa masukal na bahagi ng kagubatan. Why are you haunting me?
Binilisan ko ang paglalakad para makalayo sa memoryang iyon. Pero di ko alam na masusugatan pala ako sa binti dahil sa pagmamadali. Nakashort lang kase ako.

"Bakit kase ganyan ang suot mo?" Tanong ko at hinubad ang suot kong T-shirt at pinunit ito.

Tinignan ko ang sugat at di ko akalain na hindi dumugo, same with her. Ughh.

"Paano mo napunit ng ganun-ganon lang?"

"Hey? Seryoso ka talaga sa pagbalot dito?"

"Wala kang damit."

"And I know about it already na. No need to explain."

"Pero ganyan ka nalang ba hanggang sa umuwi?" ...

Napasabunot ako sa aking sarili at pinilit iwinaksi ang mga alaala na yon. Hindi ko na ipinagpatuloy kung saan dapat ako pupunta. Lumiko ako at umiba ng direksyon.
Ayokong may maalala pa sa lugar na iyon na lalong magpapasakit sa aking puso.

Bumabalik ang mga memories, pero siya hindi.

Siguro uuwi nalang ako. Baka sakaling nandoon na siya sa bahay, at naghihintay sa akin. Siguro nakauwi na siya. Dahil hindi rin niya ako matiis kagaya ng hindi ko matiis na hindi siya makita sa isang araw. But tatlong araw na ang nakalipas, at araw-araw akong pinapatay ng kalungkutan at sakit. Dahil sa biglaang pag-iwan nito.

Even how much I try pretending to be okay, I can't distract my heart from missing someone.

I feel empty. May kulang talaga. Kahit iiyak ko ito sa pagtulog, para makalimutan sandali. Pero bukas, gigising  naman na hahanapin siya ulit. Hahanapin talaga ng puso ang kaniyang minamahal. Dahil minsan siya nitong pinasaya.

At gusto lang niya sumaya ulit.

At may naalala akong itinanong sa kaniya dati.

"Paano kung magkahiwalay, magkalayo?"

At ang sagot niya ang magpapakapit sa akin ngayon na wag bumitaw.

"Just remember that you're my first and last choice in everything, kung magkalayo man tayo, asahan mong  ikaw pa rin. Because as I said, I only belong to you."

At asahan mo rin na nandito lang ako. Hinihintay ka.

Hihintayin kita hanggang sa makatulog ako, at bukas sa aking paggising, hihintayin ulit kita hanggang sa dumating ang araw na maalala mo na ako, Franki.

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now