Chapter 17

1.9K 96 9
                                    


Diana's POV

Ang mga kumakalat na magagandang bulaklak sa maberdeng kapaligiran ang siyang nagpapakalma sa magulo kong isipan ngayon. Nature heals me emotionally. Dahil sa kalmadong epekto nito at kagandahan. Pero hindi lahat ng maganda, nagpapagaling. She is beyond of it, mas maganda siya sa hardin ng mga bulaklak ni Mama, pero siya pa ang dahilan sa paggulo ng aking isipan at puso.

"Hanggang kailan ka magiging ganyan? May mga pamilya na ang ate at kuya mo, ikaw nalang ang wala. Gusto mo bang tumanda mag-isa?"

Napabuntong hininga ako dahil nagsisimula na naman si Gazini. Ayokong pag-usapan ang ganito. Pero heto na naman siya.

"Ayaw mo ba talaga sa baby mo? Sa baby Punky ni Dianer?" Dagdag pa niya habang busy sa paggugupit ng mga halaman dito. Ginugupitan niya para pumantay, para lalong gumanda sa paningin.

"So, Punky pala ang pangalan ng babaeng iyon?" Pagtataka ko sa kaniya habang sinusunod sa pagpulot ang mga nahulog mula sa kaniyang ginugupitan. Sa pangalan nalang niya ako interesado ngayon. Nakakapagod kase tumawag sa kaniya ng babae.

Sandaling itinigil niya ang kaniyang ginagawa at nagtatakang tumingin sa akin. "Akala ko ba alam mo na ang pangalan ng baby mo?"

"Nakalimutan ko, okay?" At kinuha ang hawak niya para ipagpatuloy ang kaniyang  ginagawa. Hapon na, at may kukunin pa akong mga hayop. Kaylangan na namin tapusin agad to.

"Pero yung ikinuwento mo kanina ang pagtapat niya, I wonder kung bakit hindi mo siya nireject. Kagaya sa mga pangrereject mo sa mga babaeng nagtatapat sayo noon. Diba sabi mo, bigla ka nalang umalis?"

Napatahimik nalang ako dahil wala akong maidadahilan sa kaniya. Hindi kaya ng puso ko na tanggihan ang nadadarama ng Punky na iyon sa akin lalo na't may nararamdaman din ako. Ayoko siyang saktan, at the same time, ayokong malaman niya din. So it's better na umalis nalang doon, kaysa magsalita pa.

"Ibig sabihin, may nararamdaman ka sa kaniya. Hindi mo siya nireject eh, and then, hindi ka pa nakasagot ngayon." Patuloy pa rin ni Gazini na pang-iimbestiga sa akin. Kilala na niya talaga ako. "You can count on me in this one, promise, hindi ko sasabihin sa kaniya kahit gamitan niya pa ako ng kaniyang kamandag."

Napatawa naman ako sa ginamit niyang term para sa babaeng iyon. She's so beautiful para gamitan ng kataga ng isang ahas. Very bad, Gazini. Pero sasabihin ko ba talaga?

"Basta ipangako mo sa akin na kahit gahasain ka pa ng babaeng iyon, hindi mo pa rin ipagsasabi?" Nakangiting tumango ito bilang pagsang-ayon sa akin kaya agad na akong nagsalita.

"Yes. May gusto ako sa kaniya. At kung gusto mo pa ng bonus, then noong unang tingin ko sa kaniyang mukha, doon na ako tinamaan. Ng kakaibang tibok sa puso. I just shook that feelings off, pero sobrang kulit niya."

Hindi niya napigilang ngumiti dahil sa pagtatapat ko rin.

"Omg. Salamat nalang talaga at ang kulit niya sayo. Pero bakit hindi ka man lang nag-try na ligawa--"

"Hindi ko siya papatulan. You know, sobrang hate ko yung taong makulit, at isa na siya doon." Agad kong putol sa sasabihin niya. Sabi ko na nga bang dito mapupunta ang usapan.

"What? Sobrang bagay niyo kaya! Opposite attracts kagaya sa magnet, south pole siya north pole ka oh diba? Naaattract niyo ang isa't-isa. Pero seriously, subukan mo kaya, dahil hindi mo alam na ang sarap magmahal."

Hindi ko na susubukan pa, ayokong pangarapin maramdaman kung gaano kasarap ang magmahal. Okay na ako sa ganitong buhay. Just plain. Para wala ring sakit. I know, hindi rin siya tatagal.

Umiling akong nakangiti. "Hindi, ayoko. Alam mo naman ang lagay ko diba?"

"Oh, take risks. Lahat ng tao may karapatan magmahal, at mahalin pabalik kahit ano man ang kanilang lagay. That's the best feeling in the world. At para maramdaman mo yun, just take the risk."

Hindi na ako umangal pa dahil may punto naman siya. Ako lang ang may ayaw. Pero ayoko talaga. Duwag na kung duwag.

Hindi ko mapigilang pumitas ng bulaklak dito dahil sa sobrang ganda. Hindi ko alam kung ano ang pangalan nito pero ang kulay niya ang nagpakuha sa aking tingin. It is soft purple.

"Dianer."

Bigla akong napaharap sa aking likuran nang marinig ko ang boses ng babaeng iyon. At saktong-sakto ang pagkatama ng aming paningin sa isa't isa pagkaharap ko. I don't know kung bakit siya nandito, at kung bakit tinatawag niya ako. Nandito na siya sa aking harapan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya kaya napatingin nalang ako kay Gazini which is nakangisi sa akin. She mouthed me of something, at alam ko kung ano yun dahil nabasa ko sa galaw ng kaniyang bibig.

Napatingin ako sa bulaklak na ipinitas ko bago lang. At kasabay nun ang paglunok. Parang hindi ko kaya.

"Uhm. Pinapatawag ka sa akin ni Tita dahil may iuutos daw siya sayo."

Sa bawat bigkas niya ng salita ay hindi ko mapigilan ang pagpawisan habang nakatingin ako sa kaniyang mga matang nakatingin din sa akin. Parang tumitigil na naman ang mundo. At parang nakaslow motion ang lahat niyang galaw. Bakit mas lalo pa siyang gumanda? Sampalin niyo nga ako.

"Dianer!"

Bigla akong napabalik sa aking wisyo nang gulatin niya ako. Medyo napaatras ako ng konti dahil dito.

"H-huh!?" Tarantang tanong ko naman sa kaniya. Hindi ko kase narinig ang kaniyang sinabi eh.

"Ang sabi ko, pinapatawag ka ng Mama mo dahil may iuutos daw siya." Pag-uulit nito at ngumiti pa. Kaya napatulala na naman ako. Naguguluhan siyang nakatingin sa akin. "Okay ka lang?"

"Ah? O-oo!" Sagot ko at nauna nang naglakad. Pero hindi ko alam kung saan pupunta. Dahil ang totoo, di ko talaga narinig ang sinabi niya maliban sa 'okay ka lang'. Paano kase naka twisted strap sleeveless blouse lang siya kaya exposed balikat nito. At kaya hindi ako nakinig ng mabuti dahil dyan.

Bigla niya akong hinila papunta sa bahay kaya nagpahila nalang ako, at baka doon nga talaga kami pupunta.

"Let's just forget what happened earlier."

Hindi ko pinansin ang pinagsasabi niya at bigla nalang tumigil dahil may nakalimutan ako.

"Why?" Pagtataka nito sa akin habang hinahawakan pa rin ako sa isang kamay. Napalunok muna ako bago ibinigay sa kaniya ang hawak kong bulaklak. Kunot-noo siyang nakatingin dito. Hindi pa rin niya kinukuha.

"Para sayo." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng tapang para sabihin yun sa kaniya.
Napangiti naman ito at agad na kinuha.

"Thank you."

Alanganing ngiti nalang ang itinugon ko sa kaniya at agad nang naglakad. Urgh. Ang awkward.

"Hindi ko inakala na bibigyan mo ako ng isang purple lilac." Biglang sabi nito sa akin na siyang nagpatigil sa aking paglalakad at lumingon sa kaniya. Nakangiti pa rin ito pero wagas na. "Purple lilac means first love. So.. ako pala ang first love mo?"

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now