Chapter 12

1.8K 101 22
                                    


Franki's POV

Limang araw. Limang araw na ang nakalipas simula ng bigla niya akong yakapin ng hindi ko pinaghandaan. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya nung araw na yon kung bakit bigla-bigla na lang niya ginawa sa akin. At hindi ko maiintindihan kung bakit hindi ko na siya nakita pagkatapos nun. Five effing days ko na siyang pinaghahanap, at doon na nga minsan ako nakatulog sa kanilang bahay eh. Pero wala, hindi ko siya nakita, o baka hindi ko lang naabutan. Hindi naman alam ni Tita kung nasaan ang pogi niyang bunso. Sobrang miss ko na siya.

"Franki, hindi na ako makikihati sa baby mo. Ayokong mamatay sa kakaasa." Biglang wika ni Maza habang busy kaming tatlo sa paglalaba dito sa gitna ng ilog. May malaki at malapad na bato naman kaya diyan kami nakapwesto.

"Speaking of hirm, nasaan na ba siya? Hindi na natin nakita? Kahit na may Paulo na ako, na miss ko din ang pagmumukha niya noh."

Kung hindi lang siya sobrang detached, malamang, marami na akong karibal. Salamat nalang talaga.

"Ano ba kase nangyari at pareho kayong tahimik umuwi nung gabing iyon?" Tanong ni Jodie sa akin na tumigil pa sa pagkuskos ng bra ni?? Maza? Kay Maza yan ah, dahil may pangalan sa strap nito. At si Maza lang ang kilala kong naglalagay ng pangalan sa mga damit niya. Pati yung panty hindi pinalagpas.

Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong nito dahil hindi ko masabi. Bukod kase sa niyakap ako, may iba pa siyang ginawa sa akin na hindi ko inakala na gawin niya. At kapag maalala ko yun, naiispeechless ako.

"Wala. Dahil tahimik naman talaga siya ah?" Sagot ko kay Jodie habang minamasa ang damit. Masakit sa kamay magkusot eh, kaya press press nalang. Wala na akong energy. Wala dito yung energizer ko.

"Yeah, matik nang tahimik ang taong iyon. Pero ikaw, ikaw talaga ang ipinagtataka namin ni Maza eh. Sobrang tahimik mo hanggang sa nakarating na tayo sa bahay-kubo."

"Excuse me, Jodie. Hindi ako nagtataka noh." Biglang pagtama naman ni Maza sa kaniya habang nagbabanlaw ng kaniyang damit na hindi ko alam kung pang-ilang beses na. Kanina ko pa siya nakikitang nagbabanlaw pero hanggang ngayon, hindi pa rin tapos.

"Fine. Ako lang pala ang nagtataka. Nagtataka kung bakit sobrang tahimik ni Franki Russell nung gabing iyon."

Sa tingin ko, mapililitan talaga ako na sabihin sa isang to ang nangyari. Pero hindi. Marami pa naman akong mailulusot sa kaniya.

"Pagod ako that time, Jodie. Sobrang layo kaya ng pinuntahan namin. At wala na akong lakas para magsalita pa." Sabi ko dito habang binabanlawan na ang aking mga damit. Gusto ko nang matapos agad ito para may oras pa akong hanapin ang taong iyon. Pagkatapos niyang gawin yun sa akin, tataguan na niya ako? Sobrang mali.


"Babeee!!"

Agad kaming napatingin kay Maza nang bigla itong tumawag kay Dianer?

Nandito siya!?

Bigla ako nakaramdam ng kasiyahan at wala na akong sinayang na segundo na tignan kung saan nakatingin si Maza. Pero nanlumo ako na iba ang aking nakita. Si Gazini lang ang nahagip ng aking paningin, wala ang anino niya. Pero wait!??

Babe ang tawag niya kay Gazini!?

"Maza, kaylan ka pa naging into Gazini!?" Gulat na gulat na tanong sa kaniya ni Jodie. Habang ako naman ay naguguluhang nakatingin sa kaniya.

Sumumpa kase siya sa amin na magpapakalbo siya kapag pinatulan niya si Gazini. At sa tingin ko, mangyayari na iyon. Ano kaya ang magiging kalabasan ng mukha niya?

"Ano na naman!?" Galit na usal ng babe ni Maza habang papalapit sa amin. At ang bruha hindi pinansin ang tanong ni Jodie dahil ngumiti na ito ng pagkatamis-tamis kay Gazini.

"Alam mo ba kung asan yung kapatid mo?" Mahinang tanong nito habang pinapahiran ang basa niyang mga kamay.

At nagtataka ako kung sinong kapatid ni Gazini ang pinaghahanap niya.

"Sinong kapatid ko!? Wala naman akong kapatid ah!?"

"Wow ha? Ang tapang mong magdeny eh mas pogi pa sayo yun. Gusto mo bang isumbong kita kay Tita Rowena?"

"Edi isumbong mo dahil sa pagkaalam ko, wala akong atraso sa kaniya."

"Wala nga. Pero sa kapatid mo, meron. Dahil pinagdedeny mo siya!"

"Edi wala rin! Dahil wala akong kapatid ano ba!?!"

"Meron nga!!!"

Palitan ng tingin ang ginawa ko sa dalawa  hanggang sa may ibinato na si Jodie kay Maza para tumahimik na. Pero sa kasamaang palad, si Gazini ang tinamaan sa mukha. At namilog ang mata ko nang makita na panty ni Maza ang nakadikit sa mukha nito. Omg. Lagot na si Jodie.

"Hoy!! Panty ko yan ah!??!!" Bulalas nito at agad na kinuha sa mukha ni Gazini. At ang isa naman, parang nilampaso ang mukha dahil may mga bula na ito.

"Grabeng panty naman yan! Bigla-bigla nalang lumilipad!" Sarkastikong saad ni Gazini habang naghihilamos sa pinagbanlawan ni Maza ng mga damit. Okay lang dahil pang sampung banlaw naman yan ni Maza, malinis na ang tubig. Pero kanina pa ako nagtataka kung bakit nasa kay Jodie ang panty at bra ni Maza? Don't tell me na si Jodie ang pinaglalaba niya sa mga yon? Ahh. Bahala sila.

"Jodie! Ba't mo naman pinaghahagis ang private clothes ko!?" Galit na baling nito sa katabi ko na namumula na ang mukha. Ewan ko ba kung sa hiya o sa tawa.

"Ewan ko, bigla ko lang dinampot yan dito. Sayo ko sana ihahagis yun para tumahimik ka na, pero bigla kang gumalaw eh! Kaya yung isa nalang ang natamaan." At tumayo na ito sa pagkaupo. "Anyway, Gazini, pasensiya na talaga. Hindi ko sinasadya. At ako na din ang magkaklaro na ang tinutukoy niyang kapatid mo ay yung Diana."

"Ahh. Siya pala yun. Hindi ko alam kung nasan siya. Pero nandito pa rin yun sa bukirin. By the way, pinapatawad na kita, Jodie. Pero sana naman, sa susunod, kahit ano ibato mo tatanggapin ko, basta wag lang yung panty ng isa."

"Bakit naman!? Ayaw mo ba sa panty ko!?" Angal naman ng isa na as if sobrang halaga ng panty niya. Hay.

Hindi siya pinansin ni Gazini at tumingin ito sa akin.

"Namiss mo na?" Tanong niya sa akin na may makahulugang ngiti. Tumango naman ako dahil hindi lang miss, kundi miss na miss na. "Matutulungan kita sa nararamdaman mo, Franki. Pero I need confirmation muna sayo."

"Ano yun?" Pagtataka ko naman dahil handa ko ibigay ang confirmation na hinihingi niya.

"So, totoo ba yung... yung..."

Alam ko na kung ano ang tinutukoy niya kaya agad na akong sumagot. "Yes. Ginawa niya talaga sa akin yun."

Hindi ko alam na ikinuwento niya pala kay Gazini.

Bigla akong napangiti.

At napangiti naman ito ng wagas dahil sa isinagot ko.

Habang ang dalawa ko namang kaibigan ay naguguluhang nakatingin sa amin.

"Ano ba ang nangyari!?"

"Share share naman!"

Sunod-sunod na sabi ng dalawa na may pagbabanta sa kanilang mga mukha. Mga siraulo.


Hindi ako sumagot at kumindat nalang ako kay Gazini para siya nalang ang magsabi sa dalawa. Masyadong akong kinikilig para magsalita pa.

Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya agad na itong nagsalita.

"Yang kaibigan niyo, hinalikan lang naman ng baby niya... ng KUSA."

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now