Chapter 40

1.5K 69 32
                                    

At the end of the day, uuwi at uuwi pa rin tayo sa ating mga tahanan.

"Nasaan si Punky, Ma?" Agad kong tanong nang makarating ako dito sa bahay. Nanggaling ako sa bayan, at dumeretso sa kubo pero wala siya doon. Wala sila. Saan naman sila pwedeng pumunta, eh ang gabi na.

"Hindi ko alam. Si Gazini nga wala rin dito."

Umupo muna ako sa isang silya dito para makapagpahinga. It's been one week nang sinundan nila ako doon sa bayan. Sobrang bilis ng panahon, at ngayon may trabaho na ako. At talking about sa titulo ng lupa, I already settled it with Kap. Hindi ko pa rin tinanggap ang offer nitong pakasalan ang anak niya. For pete's sake, may jowa na ako. Pero salamat nalang, at ibinigay niya rin. Isang linggo ko yun ipinaglaban eh.

"Bumihis ka na. At maghahapunan na tayo sa labas." Sabi ni Mama pero pinigilan ko muna siya sa isang tanong bago lumabas ng bahay.

"Nandoon ba sila, Ma?"

"Oo."

Kaya agad akong pumasok sa loob ng aking kwarto para magbihis. Alam naman pala na nandoon sila, hindi lang sinabi agad.

Lumabas na ako at agad ko naman nakita sina Mama at Gazini na naghahanda doon.
At napangiti ako ng wala sa oras nang makita ko rin ang tatlo. Nandoon siya, nakangiti habang naglalagay ng mga plato sa mesa. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniyang likuran, at ito ay niyakap. Gahd. Namiss ko siya ng husto.

"Respeto sa mga pagkain na nasa harapan niyo. Dito talaga maglalandian eh." Pagpaparinig ni Mama sa amin. Bumitaw naman ako dahil nakakahiya talaga sa mga pagkain. Pero naguguluhan ako kung bakit hindi niya ako pinapansin. At nawala pa yung ngiti sa kaniyang labi. Anong problema?

"Kumain na tayo."

Umupo ako sa kaniyang tabi. Tapos na ang magdasal at nagsimula na sa pagkain pero hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kinikibo. Tahimik lang siyang sumasandok ng kaniyang pagkain, at ako naman ay tinitignan lang siya. May problema talaga eh.

Hindi ko muna siya kinulit, and I just let her ignore me hanggang sa matapos ang hapunan.
At nang matapos, at kaming dalawa nalang ang natira dito sa labas ay doon ko na siya tinanong.

"May problema ba tayo?"

"Wala naman. Medyo nagtatampo lang." Sagot nito nang nakacross arms. Hindi man lang niya akong magawang tignan habang sinasabi yun. And I can tell. Kanina pa.

"Saan naman?"

"Sayo syempre. Nung isang araw, nakalimutan mo ang monthsarry natin. And kahapon, hindi ka umuwi. Buong araw kitang hinintay hanggang sa nakatulog na ako sa kwarto mo. And I expect na nandiyan ka sa aking tabi pagkagising ko, pero wala. Saan ka natulog kagabi?"

"Natulog ako sa bahay ni Tita.  And I'm sorry about that." Sabi ko dito habang pinapaharap siya sa akin. Alam ko na konti nalang ang oras naming dalawa sa isa't isa, at minsan wala na nga.
Tapos nagtatampo pa siya sa akin.
"I won't make you wait for me again sa wala. Paano ko ba makukuha ang tampo mo?"

Parang literal na nawala ang pagod ko sa katawan nang ngumiti siya. Wala akong ibang hangad kundi ang kaniyang kasiyahan.

"Wala. Okay na ako sa presensiya mo." Tanging sagot nito at niyakap ako. Napayakap naman ako pabalik sa kaniya. I thought she would demand more. Pero okay na pala siya sa mere presence ko lang. Sobrang swerte ko sa kaniya. "I just missed you."

"Spend the whole day with me tomorrow. Tapos ngayon, tabi tayo matulog. So ano, okay na ba yun sayo?"

"Akala ko ba may trabaho ka bukas?" Pagtataka nito sa akin. Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis at hinalikan siya sa noo.

"Wala." Pagsisinungaling ko dito. I can sacrifice my work for her. Basta wag lang siya malulungkot at magtatampo ulit. Pangit kasi yun sa pakiramdam.

"Talaga?! Wala kang trabaho bukas?"

Biglang kuminang ang mga mata niya sa galak kaya tumango ako sa kaniya ng dahan-dahan. Kung ganito pala ang kalabasan ng kasinungalingan ko, siguro araw-arawin ko na. Pero hindi naman pwede.

"At last, I can have you in the whole day,
   
for the last time."

Naguguluhan akong napatingin sa kaniya.

Last time?

_____________________________

A/N. I'm sorry po sa maikling part na to. Next nalang ulit. Anyway, maraming salamat sa votes at comments at reads kahit ang lame na. Haha. I know.

Seducing The EpiceneOù les histoires vivent. Découvrez maintenant