Chapter 37

1.5K 66 14
                                    

Maza's POV

It is been three weeks when Punky and Dianer are officially magjowa. Kahit itatanggi ko man, di ko maiwasang sabihin na naiinggit ako. Ako nalang kasi ang natirang single sa amin. Parati talaga akong nahuhuli. Ano kaya kung akitin ko rin ang isa dito? Pero hindi ko magawa, hindi ko kaya lalo na't pareho kaming babae. Bakit kasi hindi rin siya intersex kagaya sa kapatid niya? Ang unfair ng mundo. Sobra.

"Hoy! Anong ginagawa mo dyan sa ibabaw ng puno?! Kulang nalang sayo ang buntot para maging unggoy, Maza."

Hindi ko na tinignan kung sino ang nagpuputak sa baba dahil alam ko na base sa kaniyang boses. Ayoko siyang pansinin dahil abala ako sa paghahanap ng signal dito. Almost two months na akong hindi nagbubukas ng social media, at nauuhaw na ako ngayon sa mga ganap.

Pumunta pa ako sa taas at baka nandun ang coverage area. At mabuti naman dahil nadinig din ang pangangailangan ko.
I immediately opened my Facebook account and agad bumulaga sa akin ang isang post pero agad naman nawalan ng signal kaya parang gusto ko nalang mapasabunot. Gusto ko pa sana tignan ang post na iyon dahil parang picture nina Tita and Tito sa isang airport? Pero hindi ako sigurado.

Hahanap pa sana ako ng signal pero bigla akong na out of balance kaya napasigaw ako nang mahulog sa puno. Expected ko nang sa lupa ako babagsak pero may mga bisig na sumalo sa akin. At nang tignan ko, lalong bumilis ang pagkabog ng aking dibdib.

"A-ano. Sa-salamat." Nauutal na sabi ko sa kaniya nang nailagay na niya ako. Hindi ako makatingin ng deretso dahil sa sobrang kaba. Parang pinagpapawisan pa nga ako.

"Hindi ka kase nag-iingat." Wika nito na bahagyang nakangiti nang tinapunan ko ng tingin. Pero agad naman akong umiwas at nahagip ng paningin ko ang pagmumukha ni Jodie na nakangisi. Para siyang demonyo.

"Nakalimutan ko kasi na nasa puno pala ako."

"Ang bilis mo naman makalimot. Ano ba ang ginagawa mo doon? Naghahanap ka ba ng signal?"

Tumango lang ako sa kaniya at pilit sinalubong ang kaniyang tingin. Ayokong maghinayang sa oras na ito na malapit pa siya sa akin. Ang hirap kasi magnanakaw-tingin sa malayo.

"Bakit? Namiss mo na ba boyfriend mo?"

"Oo." Seryosong sagot ko rito. Gusto ko malaman ang magiging reaksyon niya dahil isa rin ito sa paraan if she's into me or ako lang talaga. But right now, I couldn't tell. Seryoso ang mukha niya pero parang masaya naman na narinig ang aking kasagutan na pawang kasinungalingan lamang. Hindi ko talaga matukoy. Ang hirap niyang basahin.

"Well, wala talagang signal dito pero sa bayan ang lakas. Punta ka lang doon anytime, alam kong ang hirap mangulila sa taong mahal mo. Sige, una na ako." Sabi nito at agad na umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin dahil natutukoy ko na pala sa pamamagitan ng tono ng kaniyang pananalita. Parang malungkot kasi. Napapalagay kong kahit konti, may gusto din siya sa akin.

"Para kang baliw, nakangiti mag-isa."

Nandito na naman ang the biggest bully sa buhay ko para punahin ang aking kilos. Pero sanay na ako kay Jodie.

"Bakit? Kaylangan ba talagang by group?" Sarkastikong balik ko dito. You know, I still love her kahit palagi niya akong inaaway.

"Oo. Para kahit papaano, may karamay ka."

Tinignan ko lang siya ng masama dahil hindi ako pumapatol sa mga kalokohan niya.

"Anyway, ramdam kita girl kasi sino ba hindi kikiligin na literal ka niyang nasalo?"

At ang baliw ko lang na napangiti rin dahil doon. Hindi na ako sumagot sa kaniya at hinila na lang siya papunta sa kung saan si Franki dahil may sasabihin ako sa kanila. Tungkol sa aking nakita bago lang. Pero hindi ako sigurado but kahit na, gusto ko lang maging aware sila.


Diana's POV

If I didn't take risk for this love, hindi ko siguro mararamdaman na ganito pala kasaya, kaganda sa feeling. Parang literal akong nasa cloud nine everyday. At ang lahat ng imposible dati, na hindi ko kayang gawin ay parang sisiw nalang sa akin ngayon.

"Sigurado ka bang pupunta ka sa bayan?" Ilang beses nang paninigurado sa akin ni Mama. Sigurado ako, pero siya parang hindi. Supposedly masaya siya dapat dahil isa din ito sa kaniyang pangarap dati. Ang mailabas ako sa lungga.

"Ma, kailangan kong ipaglaban kay Kap ang papel natin dito sa lupa. At gusto ko rin baguhin ang aking kasanayan."

"May sumapi ba sayo?"

Napatawa naman ako sa itinanong nito. Sobrang seryoso ng mukha niya. At grabe, hindi talaga siya nagbibiro sa pagtanong nun. Alam ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala.

"Walang sumapi sa akin, okay? At Ma, handa po akong tanggapin ang mga puna nila kung meron man. Ayoko lang talaga na maging duwag habang-buhay." 

At ngumiti ako sa kaniya dahil para siyang naging tuod bigla.  "At gusto ko rin makahanap ng trabaho." Pagpapatuloy ko pa. Na siyang lalong nagpatahimik sa kaniya.

"At bakit naman?" Hindi ko alam kung bakit ganyan ang mga tanong niya, pero sige na nga, sasagutin ko nalang.

"Para naman may ipapakain ako sa magiging pamilya ko in the near future." Ngiting sagot ko dito. Alam kong naguguluhan si Mama dahil hindi niya pa alam na kami na ni Franki. At alam ko ring hindi talaga siya maniniwala. Sobrang imposible na sa akin pa nanggaling. Na isinumpa ko na dati.

"So, may balak ka talagang pakasalan si Franki?" This time ay ako naman ang nagtataka kung paano niya yun nalaman. O baka tama lang ang kaniyang natukoy.
"Alam mo, kahit hindi mo man sabihin, alam kong may namamagitan sa inyo."

Hindi na ako tumanggi pa sa kaniya at sinabi nalang, "Yes, but hindi po balak lang, dahil sigurado akong papakasalan ko siya."

Seeing Mama nang nakangiti dahil doon ay sobrang nakakagaan sa loob. Alam kong boto siya kay Franki at gusto niya rin akong magkaroon ng pamilya kaya ramdam ko  ang kasiyahan niya ngayon. Hindi nagkamali ang puso ko sa kaniyang pinili. Kay Franki, sobrang panalo na ako.

"Paano kung ayaw sayo ng mga magulang niya?"

"Kahit buong mundo pa ang against sa amin, basta hahawakan lang niya ako sa kamay, handa akong ipaglaban siya hanggang sa dulo."

And that, her smile makes even wider. At ang swerte ko lang, dahil ang kasiyahan ko, kasiyahan niya rin.

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now