Chapter 13

1.8K 89 30
                                    


Diana's POV

Ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking katawan ang siyang dahilan na mas lalong ayaw ko siyang pakawalan sa aking bisig. Parang hindi ko makontrol ang aking katawan na bumitaw na dito kahit na ilang beses nang nagtatalo ang aking utak. Gusto kong bumitaw, pero hindi ko magawa. Lalo na't yumakap na siya pabalik sa akin. Ang sarap ng ganitong pakiramdam. Parang kompleto na, parang wala ka nang hahanapin pang iba. At ngayon ko lang ito nararamdaman.

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa ganitong sitwasyon. At isa lang ang gusto kong mangyari, yun ay wag na sanang matapos ang araw na ito.

"Dianer..."  Mahinang sambit sa ibinigay niyang pangalan sa akin habang nakapatong ang baba nito sa aking balikat. Hindi ko maiwasang ngumiti dahil sa pangalan na yan. Sosyal na baduy.

Pinilit kong bumitaw na sa kaniyang yakap.  At nang bumitaw ay hindi ko naman napigilan ang sarili na hawakan ang pisnge nito. As I cupping her face, malaya kong namasdan ang mukha niya, at doon na ako na hypnotize sa kaniyang mga mata. Alluring doll-like. Ang ganda. Magagandang mga mata na nakatingin sa akin. Bumaba pa ang tingin ko  sa kaniyang labi. A pink light luscious lips ang bumungad sa akin. Bigla nanuyo ang aking lalamunan. Parang... parang gusto ko siyang halikan? No. Hindi pwede. Pero nararamdaman ko na ang aking mukha na unti-unti nang lumalapit sa kaniya. Kahit anong pigil, pagtatalo ng aking kaisipan ay wala pa ring use lalo na at pumikit pa ito. Bahala na. Pleasure now, regret later.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko when my lips already touch hers. It's soft, it's hard to resist even though it's just a chaste kiss. Its somehow like opening up my soul and seeing every colours in the world as I tasting the feeling. Like almost catching a pretty butterfly in the neverland and can't repressed a smile in a bottle. The sweetness of her lips makes me levitate off of the ground. Para akong nililipad, tinatangay papunta sa kawalan. Na parang kami lang dalawa ang nag-eexist sa mundo. Naubusan na ako ng salita sa pagdescribe, ayokong bumitaw sa masarap na pakiramdam na ito. Minsan lang maghalo ang aphrodisiac at Pandora's box effect, and firework glowing-like, inside me, sa paglapat ng aming labi.

At nakalimutan ko na hindi pala ako normal.

At nang maalala ko yun, bigla akong bumitaw bago pa niya igalaw ang kaniyang labi sa akin.
Her eyes are still closed. Parang dinadama pa ang bawat sandali. But not in a minute, dahan-dahan na siyang dumilat at saktong tumama ang kaniyang paningin sa akin. At doon na ako nakaramdam ng kakaiba sa aking puso. It's beating and soaring dizzily. Parang hindi ako makahinga.

We stood, and stared at each other for a second. Bago ko napagtanto na kukunin ko pa pala ang mga hayop.

But the pleasure now regret later na sinabi ko kanina is just a hoax. I don't really regret it.


That's why hindi na ako nagpakita sa kaniya. Dahil wala akong mukhang maihaharap sa ginawa ko. Pero hindi ko talaga yun pinagsisihan. It's just my state na pumipigil sa akin. Na magtago. Na makaramdam ng kahihiyan.

Sa medyo tagong lugar ako gumawa ng isang resthouse para paglipasan ko. Si Gazini lang ang nakaalam nito dahil may tiwala ako sa kaniya na hindi niya ito ipagsasabi sa tatlong iyon, si Mama kase hindi eh. Pero umuuwi naman ako sa bahay kapag madaling araw, para hindi niya ako makita. But minsan, doon ko siya nakikitang nakitulog sa bahay, kasama ang tatlo at sa kwarto ko pa. At minsan, nakatabi ko pala siya sa pagtulog nang hindi ko alam, nang umuwi ako sa bahay ng hatinggabi na yun. Mabuti nalang at hindi niya ako naabutan. Muntik na nga ako aatakihin sa puso noong araw na yun eh, kase naman  hinubad ko pa ang pang-itaas na damit that time, bago matulog. Nagpapasalamat talaga ako na hindi siya malikot.

Lumabas na ako rito at pumunta sa lugar kung saan ang mga hayop dahil hapon na. Hindi ko pa rin napapabayaan ang responsibilidad ko dito sa bukid kahit na may tinataguan ako. Kaya hindi ako pinaghahanap ni Mama dahil alam niya yun. Habang tinatahak ko ang daan papunta roon, hindi ko mapipigilan ang kabahan. Dahil babalikan ko ulit ang lugar kung saan ko siya niyakap at hinalikan.

Sa lugar kung saan napagtanto ko na



Mahal ko na siya.

____________________________________

A/N. Chapter 13 pa lang tayo pero yung utak ko nasa ending na. Hahahaha.  Hindi pa nga nangangalahati, hindi pa nag-uumpisa ang pang-aakit ni Punky. 😂

-I'm not good at writing kissing scene, bed scene, or anything sensual pero kaylangan ko panindigan ang title.

Or baka palitan ko nalang?? Ang title.

Anyway. Pasensiya na sa short update.

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now