Chapter 43

1.1K 57 45
                                    


Diana's POV

Hindi ako mapakali dito sa loob ng opisina ni Kap dahil gusto ko nang umuwi. Uwing-uwi na ako kahit matagal pa yung uwian. May dalawang oras pang paghihintay. Hindi ko pala nasabi sa inyo na ang trabaho ko ay pagiging isang batuta ni Kap, parang secretary ganun. Ako ang humaharap sa nagrereklamo, sa nangangailangan, naging guidance counselor, pumupunta sa mga barangay, at kung anu-ano pa. Pero okay lang, malaki naman ang sahod. Nababayaran ang pagod.

Wala akong ibang magawa sa loob ng apat na sulok na ito kundi bilangin ang mga segundong lumipas. I can't really wait to go home. Hindi sa surpresa niya, dahil gusto ko lang siya makasama ulit. Sobrang bitin ng isang oras kanina to be with her. Parang na miss ko na siya agad.

Bigla ako napabalik sa wisyo nang may biglang pumasok dito sa loob.

"Magandang hapon po, Kapitan!" Bati ko nang makita na siya lang pala. Dali-dali itong pumunta sa kaniyang upuan at buntong hiningang sumandal.

"I already know where that idiot hides!" Seryosong sambit nito habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Ang dami kayang idiot sa mundong ito.
"Alam ko na kung nasaan ang tarantadong iyon. Hindi lang niya binuntis at tinakbuhan ang anak ko, kundi pati ang ipinamana ko sa aking anak tinangay niya."

Alam ko na pala kung sino.

"So pwede ka nang umuwi. Aalis din naman ako para mag-asikaso ng visa namin ng aking anak." Patuloy pa rin nito. "Wala namang saysay kapag magpaiwan ka dito na wala ako eh."

"Sigurado ka po?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito. Dininig na kasi ang kagustuhan kong umuwi ng maaga.

"Yes. And anyway, isasama ko rin kayong dalawa ni Gazini sa pag-aasikaso ng visa. Don't worry, regalo ko yun sa inyo bilang mga mabuting nilalang."

Di ko mapigilan mapatawa sa sinabi nito. "Wag na Kap. Wala namin kaming balak mangibang bansa eh. Baka hindi namin magamit yan, sayang lang."

"Anong hindi? Kakailanganin niyo yun balang araw. Baka may magandang oportunidad sa labas, edi wala na kayong problemahing visa pag nagkataon." Dahilan niya kaya ano pa ba ang magagawa ko. Siya naman ang gagastos non. "Sige na. Umalis ka na. Alam kong kanina ka pa uwing-uwi."

Isang matamis na ngiti lang ang itinugon ko at nagpasalamat bago lumabas sa gusali na ito. Dali-dali akong naglakad patungo sa kung saan naka park ang mga tricycle. Sasakay nalang ako para mabilis.
At para maraming oras kasama siya mamaya.

***

I don't know kung bakit ang tamlay ng bukid. Pagkababa ko palang ng traysikel ramdam ko na parang ang kakaiba. Ang malamig na ihip ng hangin na nagpapalungkot sa iyo. Ang mga punong-kahoy na walang ka sigla-sigla. Ang mga ibon na hindi mo na alam kung nasaan na. Mga bulaklak na walang kabuhay-buhay. At ang mga hakbang ko na mabibigat.
Pero nagawa ko pang nakarating sa bahay, dahil na rin siguro sa kagustuhan na makita na siya. Kaso ang tanging narinig ko lang,

"Hindi pa sila nakauwi na tatlo ah? Nauna ka pa nga." Sagot ni  Mama sa akin nang tanungin ko siya kung nasaan sila. Because kagagaling ko lang sa kubo at wala silang tatlo doon.

"Anong hindi? Eh, mag-aala sais na nang gabi."

"Yun na nga. Hanggang ngayon hindi pa rin sila umuuwi. Sabi pa naman ni Franki kanina na uuwi agad sila pagkatapos ihatid sayo ang pananghalian."

Kinakabahan na ako. Di naman siguro sila naligaw ano? Pero sobrang imposible, ilang  beses na silang pumupunta ng bayan tapos nakauwi namang buong-buo. But not this time, hindi na sila nakauwi o baka ginabi lang?

"Wag kang mag-alala. Pinapunta ko na si Gazini sa bayan para hanapin ang tatlo sa kung saan pwede nilang puntahan. Hintayin mo nalang at baka pauwi na rin sila. Magbihis ka na doon sa loob." Dagdag pa ni Mama,  pero di ko magawang kumilos at nandito lang ako nakadungaw sa bintana.

Hoping na makita ko na silang apat na pauwi. Sana nga.

Dalawang oras na ang nakalipas, at nakabihis na ako, nakapaghapunan, at nandito na sa labas ng bahay na hinihintay sila. Pero wala pa rin. Nakaramdam na ako ng matinding kaba at lungkot but kumakapit pa rin ako sa paniniwala na babalik sila.
Dahil nandito ang kanilang tahanan. Mga kagamitan. At syempre, uuwi pa siya dito. Dahil hindi pa siya nakapagpaalam sa akin. Hindi pa niya sinabi na uuwi siya sa kanila. May surpresa pa nga, na kahit hindi na mahalaga dahil siya lang, sapat na.

Nakaramdam ako ng excitement nang matanaw ko si Gazini na pauwi na dito. Pero di nagtagal, bumagsak ang mga balikat kong malaman na wala siyang kasama. Wala ang tatlo. Kundi siya lang mag-isa. Kung ganun, nasaan sila? Nasaan na si Franki?

"Hindi ko sila nakita, Diana. At tinulungan din ako ng mga tanod sa kakahanap pero wala rin. Maybe, umuwi sila sa kanila?" Panimula ni Gazini rito pagkarating niya.
Pero di ko siya pinansin at dinaanan lang dahil ako na naman ang maghahanap sa kanila. Pupunta ako ng bayan kahit maabutan man ako ng umaga. Sobrang imposible na umuwi sila sa kanila.


"Paano kung nakauwi na nga!?"


Kusa akong napahinto dahil sa sigaw ni Gazini sa akin.


"Nang hindi nakapagpaalam sa akin?"


"Oo." Agad nitong sagot. Napaharap naman ako sa kaniya habang di na alam kung ano ang mararamdaman.
"May mga taong hindi namamaalam, Diana. Bigla-bigla nalang mawawala. Di mo alam kung babalik pa ba. And that's what we called ghosting."


"Bakit mo yan sinasabi?" Tanong ko dito. I can't believe.  Hindi yun magagawa ni Franki sa akin.


"Dahil minsan din ako nabiktima ng ganyan."


"Pero hindi lahat ng tao magkapareho." Pagdadahilan ko sa kaniya pero yung puso ko parang sasabog na. Parang gusto ko nang maniwala nga umuwi na siya. But hindi man lang nakapagpaalam sa akin? Siguro, ito na ang surpresa niya. Which is, nagpagulat talaga sa akin ng husto.


But there's a part in me that says otherwise kaya,

"Hihintayin ko pa rin siya, Gazini."

______________________________

A/N. Mamaya na lang yung isang update guys. Gahd. Pasensya na. Alam ko disappointed kayo dito. Hikhok. Byee. May pasok pa me😭

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now