Chapter 24

2K 81 13
                                    

Naspeechless ako ng tuluyan at parang nanghina ako sa ibinunyag nito. Parang mabibingi ako sa paulit-ulit na mga salita na sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko, hindi naman sigurado kung sinabi niya ba talaga yun o guni-guni ng aking pandinig.

"Mahal kita, seryoso." This time ay nakatingin na siya sa akin na seryoso ang mukha. Parang sigurado talaga siya sa kaniyang sinabi.

Kusa akong napangiti dahil sa pag-amin niya. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon dahil dito. Parang umuulan ng wishing star sa paligid. Gahd. This is the best day of my life. Kung panaginip man ito, ayaw ko nang magising pa.

"Uh-ku-kumain kana." Kinakabahang wika nito sa akin. Mas lalo akong napangiti dahil hindi ito makatingin ulit, at parang pinagpapawisan pa siya.
Nang hindi ko siya kinibo ay bigla itong tumayo kaya bigla naman ako nagising sa pagkatulala sa kaniya. Agad ko siyang hinawakan sa kamay at hinila paupo ulit.

"Samahan mo akong kumain." Utos ko dito at pinagsasandok siya ng pagkain. Biglang nawala ang pagkailang na nararamdaman ko kanina. Purong saya nalang ang nadarama ko ngayon. Ganito pala ang feeling na minamahal ka pabalik. Kahit marami kang problema, hindi mo magawang maging malungkot.

"Ah wag n-"

"Mahal din kita." Biglang sabi ko sa kaniya habang tinititigan siya. Hindi parin siya nakatingin sa akin kaya malaya akong nakangiting nakamasid dito. "So, tayo na?"

Bigla naman itong napatingin sa akin na saktong tumama sa aking mga mata. Pero di kalaunan ay iniwas na naman niya.

"H-hindi. Ayoko." Sagot nito.
Magsasalita pa sana ako nang bigla ng dumating si Tita.

"Heto gamot. Inumin mo pagkatapos mong kumain." Sabi nito at umupo ulit sa kaninang upuan niya. Tumango naman ako kahit wala naman akong balak inumin ito. Wala naman kase akong sakit.

"Okay lang ba kayong dalawa? Anong nangyari? Ba't ganyan mga mukha ninyo?" Dagdag pa niya. Nagkatinginan naman kami ng kaniyang anak bago sumagot.
Pero di ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Wala po, Ma. Okay lang ako. Okay lang kami." Sagot nito at kumain na. Mabuti naman na hindi niya tinanggihan.

Hindi na kinulit ni Tita ang kaniyang anak at kumain na rin ito. Habang ako naman ay hindi pa rin ginalaw ang pagkain sa aking harapan.  Hindi lang kase ako makapaniwala hanggang ngayon na mahal pala ako ng katabi ko ngayon.

"Wala ka bang balak kumain?" Biglang tanong niya kaya bigla naman akong napatango. Naguguluhan man sa sinagot ko at sa biglaang pagsubo niya sa akin ay tinanggap ko pa rin ito. Pagkatapos nun ay tinignan niya ako bago pinahiran ang gilid ng aking labi gamit ang kaniyang hinlalaki. Shit. Ramdam ko na ang pagmamahal niya.

"Sa tingin ko may secret affair kayong dalawa eh, di niyo lang sinasabi."
Bigla kaming napatingin sa kaniyang ina at pareho din nag-iwas ng tingin. Kinakabahan naman ako dahil totoo ang suspetsa niya sa amin. Masyado na bang halata?

"Wala po, Tita."

"Meron."

Sabay naming sagot. At alam ko sa oras na ito, we're fucked up.

Diana's POV

Hindi magkatugma ang sagot namin kaya mas lalo akong pinagpapawisan dito. Hindi ko alam kung bakit yun pa ang isinagot ko. At hindi ko talaga alam kung bakit hindi ko na makontrol ang sasabihin ko. Napaamin pa ako ng wala sa oras sa kaniya. Urghh. Ano ba ang nangyayari sa akin?

"Ano ba talaga?" Pagkaklaro sa amin ni Mama. Napatingin ulit ako sa aking katabi na pulang-pula na ang mukha.

Tumingin siya sa akin at may ibinulong. "Sasabihin mo talaga? Alam mo naman na sobrang pribado yun."

At pinag-intertwined niya ang aming daliri sa ibaba ng mesa. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya.

"Meron po, Tita."

"Wala, Ma."

And again, hindi magkatugmang sabay naming sagot. Mas lalong kumunot ang kaniyang noo kaya kay Franki na lang ito tumingin.

"Ikaw na lang Franki ang sumagot. Wala akong tiwala sa isang to eh. So, ano ba talaga?"

Kanina, sobrang pinagpapawisan ako. Pero ngayon naman, nilalamig na. At mas lalong nilamig nang ipinatong niya sa mesa ang kamay naming magkahawak. Anyway, siya lang naman humahawak eh.
Namilog naman ang mata ni Mama na tumingin dito. At napangiti pa ang bruha.

"Ahh.. Mahal ko na po ang anak niyo Tita..."

Napalunok naman ako sa harapang pag-amin nito sa aking ina.
Tumingin ito sa akin at nagsalita ulit.

"Noong unang kita ko sa kaniya."

Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil habang sinasabi niya iyon sa akin pa rin siya nakatingin.

"Nang sumulpot ito sa aming likuran while we're looking for you. Doon na niya ako nakuha. Pati ang puso ko." Dagdag pa niya na ikinagulat ko. Gusto kong ngumiti pero hindi. Pwede pa namang pigilan as long as hindi lang ako magigisa ni Mama mamaya kung bakit ako nakangiti. Mapang-intriga yun.

"Oh. Em. Gee. Anong masasabi mo anak?" Masayang baling niya sa akin. Napa mental block naman ako dahil dito.

"Uh? Ano.. same!" Agad kong sagot sa kaniya at sa kalendaryo na tumingin. Uhm? Anong petsa na ba?

"Waaaahhhh!! Grabe kayo! Parang gusto ko nang magpa lechon ng kalabaw ngayon!" Pagwawala ni Mama dito habang pumupokpok pa sa ibabaw ng mesa. Gahd. Nanay ko ba to?

"So. Ano na ang balak niyo!?" Excited na tanong niya sa kasama ko. Hindi ko alam na may balak pa pala. Kailangan pa ba yun?

"Ewan ko po, Tita. Wala namang balak yung anak mo na ligawan ako."

"At bakit naman!?" Sa ngayon, sa akin na siya nagtatanong. Na may kasamang pagbabanta sa kaniyang tono at mukha. Pero hindi niya ako masisindak.

"Ayoko po, Ma." Sagot ko at sinalubong ang matutulis nitong tingin na tumutusok na sa aking kaluluwa. Sinabing hindi mo ako masisindak eh.

"At bakit na ayaw mo?!!" Sumisigaw na siya sa lagay na yan. At parang guguho na ang hapag dito.

"Bakit ba kase ayaw mo?" Dagdag pang tanong nang isa. Napatingin naman ako sa kaniya na parang matatawa na ang mukha. "May nangyari na naman sa atin ah?"

Literal na tumigil ang mundo ko sa huling sinabi nito. Dahan-dahan akong tumingin sa babaeng nagpa-anak sa akin. Napalunok naman ako dahil sa katabi ko na siya nakatingin. Maygahd. Parang masisindak na ako.

"A-a-anong sinabi mo!?" Pag-uulit nito sa isa.

Akala ko ba pribado yun!? Urghh! Franki, Punky, baby. Ba't mo yun sinabi!?

"A--ah? A-ano po. W-wala." Nauutal na sagot naman nito.

Alam kong magtatanong pa si Mama so bago pa siya makapag-intriga ulit ay agad na akong nagsalita dito.


"Liligawan ko na po siya Ma."

Ugh. Bahala na. Basta hindi niya lang malaman ang nangyari kagabi.

___________________________________

A/N. Sorry talaga. Hindi ko na napigilan ang antok kagabi. Pasensiya na. Mag-uupdate ulit ako mamaya kahit may pasok pa ako ngayon. Hahaha. Bawi nalang.





Seducing The EpiceneOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz