Chapter 6

2.1K 98 7
                                    


Diana's POV

Sa unang pagtilaok ng tandang ay agad na ako nagising. Yan ang nagsisilbing alarm clock ko araw-araw simula nung ipinanganak yata ako? Dali-dali ko nang iniligpit ang aking higaan at agad na lumabas sa aking kwarto. Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Gazini para ito'y gisingin. Pero hindi pa ako kumakatok ay bigla na itong bumukas.

Nakakapagtaka.

"Paalisin mo na sila." Utos ko sa kaniya habang nakapikit pa ang kaniyang mga mata. Lumabas na siya sa kaniyang kwarto at agad na pumunta sa kusina. Kaya sinundan ko naman.

"Hindi pa yata gising yung mga yon, papaalisin ko na?" Reklamo nito nang magising na ang diwa pagkatapos niyang maghilamos.

"Gising na ang mga yon." Pagpipilit ko dahil ayokong makita sila ulit lalo na ang babaeng iyon.

"Sigurado ka? Alam mo naman na alas tres pa lang ng madaling araw eh. Malay mo baka hindi pa sila natutulog." Patuloy na pagdadahilan nito sa akin.

"Sige. Pero bago magtanghalian dapat wala na sila dito sa bukid."

"Paano kung ayaw nila umalis?"

"Gawan mo ng paraan."

"Eh, paano kung--"

"Basta gawan mo ng paraan. Ang daming paraan, Gazini."

Pagkatapos kong sabihin yun ay agad na akong lumabas ng bahay. Kahit sobrang dilim pa sa labas ay nagpatuloy pa rin ako sa aking pupuntahan. Doon lang naman ako sa gilid ng bahay pupunta, maliligo lang sa nag-iisang poso dito. Pinapuno ko ang dalawang malaking balde bago hinubad ang aking damit. Hindi ko hinubad ang lahat kong saplot dahil hindi ako komportable na may ibang tao dito sa bukid. Baka makita nila ang katawan ko.

Bigla kong binuhusan ng malamig na tubig ang aking katawan para lalo akong magising. Marami pa akong gagawin dito sa bukid kaya kaylangan ko nang simulan ng mas maaga para hindi mainitan mamaya.

"Grabe, ikaw lang yata ang tao na lumiligo nang nakapajama."

Napalingon naman ako ng wala sa oras sa nagsasalita at doon ko nakita ang umiiling pang si Gazini. Napahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko ang babae na namang yon.

"Pake mo ba? Mas okay na yun kaysa makita nila."

"Hahaha conservative ka sa katawan mong tao ka. Ikaw lang siguro ang lalaking ayaw magahasa ng mga babae."

"Babae ako, Gazin-"

"Tanggapin mo na lang kase ang kapalaran."

Hindi na ako umimik pa at pinagpatuloy na lang ang pagliligo. Talo na ako sa simula't palang kaya hindi na ako makipagtalo sa kaniya. Siguro, kaylangan ko na talagang tanggapin ang kapalaran ko.
Matutunan naman yun.

***

Habang nagdidilig ako ng mga pananim na gulay ni Mama ay bagot akong naghihintay kay Gazini na bumalik sa akin. I can't wait na umalis na ang tatlong iyon dito para matatahimik na ulit ang buhay ko. Para mapanatag na ulit ang loob ko.


But nagtataka ako na hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik si Gazini. Kanina pa yun ah? Mataas na nga ang sikat ng araw pero siya hindi pa rin nakabalik? Baka nilamon na yun ng tatlo?


"Dii, pasensiya na, medyo natagalan ako kase tinuruan ko pa sila kung paano magsaing."

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now