Chapter 33

1.7K 74 39
                                    


"Huwag mo muna akong sagutin."

"Bakit?"

"Hindi pa tapos  panliligaw ko."

Parang gusto ko matawa sa dahilan nito. Ang cute niya. "You know that courting is just a waste of time."

"But it's the only way to make you feel special, and to show how much I love you."

Hindi ko na napigilan ang ngumiti. Unang kita ko sa kaniya noon para siyang robot na wala man lang kakiligan sa katawan, na hindi marunong ng salitang sweet, pero ngayon  parang mamatay na ako.

"Fine. Pwede mo ipagpatuloy ang panliligaw habang tayo. I don't wanna waste time. Our life is so short." Sabi ko at ninakawan siya ng halik sa pisnge.  Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na gawin yun.

"Pwede ba yun?"

"Oo naman. Wag ka masyadong magpadala sa sinaunang panahon."

"So ibig sabihin, jowa na kita ngayong araw?"

Tumango ako habang nakangiti. At yun din ang dahilan ng kaniyang kasiyahan na hinila pa ako sa isang yakap. Sobrang higpit ng yakap na parang ayaw niya akong bitawan.

"Thank you." Bulong nito sa akin habang hindi pa rin bumibitaw. Napatulo na naman ulit luha ko dahil ako dapat ang sobrang grateful na may merong Dianer dito sa mundo.

Hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin. Patuloy lang ako sa pagpapahila sa kaniya habang papunta sa sulok dito sa loob ng makakapal na halaman. May mga alitaptap pa ring nagliliparan sa aming paligid kaya medyo may pagka fairytale yung dating. Hindi ko siya tinanong kung saan kahit gusto ko na siyang tanungin, gusto kong masurpresa. At may tiwala naman ako sa kaniya na may ipapakita na naman siyang iba. Ilang sandali pa ay unti-unti ko nang nakikita ang liwanag sa dulo. Habang papalapit ay hindi ko maiwasan tignan ang maamo nitong mukha. Hindi pa rin nawawala ang kaniyang ngiti sa labi. How this moment felt so perfect? Ayokong matapos.

Bigla akong napapikit dahil sa nakakasilaw na liwanag na tumama sa akin nang kami ay nakalabas. Naramdaman ko naman na hinawakan niya ako sa kamay ng mahigpit.
Nang makamove on na ako sa liwanag ay dahan-dahan ko nang binuksan ang aking mga mata. Nakatulala at laglag ang pangang nakatingin ako sa paligid.

"Wow..." Pigil hiningang bulong ko dito. This is not only a mere garden, but a flower farm already. The flowers are planted by row with the same colors. Tapos dumagdag pa ang napakaraming paru-paro na lumilipad, maliit man o malaki na iba't iba ang mga kulay. Tapos sa dulo nito, may isang malapad na puro damo na. It is an open space area kaya maaliwalas sa mata tignan. At doon ko rin nakita ang isang puting kabayo na nagpapahinga sa lilim ng isang malaking puno kung saan siya nakatali. Ito ang literal na paraiso.

"Sa inyo pa rin ba to?" Bigla kong tanong sa kaniya habang nilalakbay ang tingin sa makulay na bulaklak. I can't get enough of it, kahit buong araw ko man tignan.

"Yes. Sa amin pa rin to. Lahat ng oras ko inilaan dito nang hindi ka pa dumadating sa aking buhay." Ngiting pahayag nito. Bumitaw naman ako sa hawak niya habang pinipigilan ang tumawa.

"Bolero."

"Pero seryoso, kapag may narereject akong tao, dito ako pumupunta at nagtatanim ng bulaklak."

Namilog ang mga mata kong napatingin sa kaniya. "What?! Ibig sabihin marami ka nang nireject?!"

Fifty-fifty ang paniniwala ko sa kaniya ngayon. Unang kalahati, hindi ako naniniwala na marami siyang nireject. Sa isang bukirin na bulaklak na ito, gosh?! At ang natirang kalahati ay naniniwala ako. Sa gwapo niyang yan, may posibilidad.

"Hindi naman sa ganun." Pagtatanggi niya habang patuloy pa rin sa pagngiti ng nakakaloko.

"Pero ba't mo tinanggihan ang pagmamahal nila?" Pagtataka ko dito na sa kaniya na itinutok ang mga tingin.

"Una sa lahat, hindi ako normal. Iba ako sa inyo. Hindi ko alam kung ano ang totoo kong kasarian. Takot ako mahusgahan. Ayokong mag take risk sa pagmamahal na yan... I know that being intersex isn't a bad thing, but dealing with prejudice definitely is."

"Pero sa akin-"

"Handa ako. You're worth it. At dahil mahal kita."

Tuluyan na akong napatahimik dito habang kinakagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili na ngumiti ulit. Nangangalay na panga ko sa kakangiti dito, dahil sa kilig.

"Tara." Anyaya nito at bago pa ako makapagsalita ay bigla niya na akong hinila patakbo sa kaparangan. Syempre, wala na akong magawa at napatakbo na rin kagaya niya.

Tumatakbo kami pero yung oras ay bumabagal. Habang dumadaan sa libu-libong mga bulaklak ay hindi ko maiwasan na tignan siya. All I can think is, an intense feeling of deep affection sa kaniya. Sobrang saya ko ngayon na parang hindi ko na masukat pa. This love stimulates all of my happy chemicals at once. That’s why it feels so good. Hindi ko na maibaling sa iba ang tingin ko. And I'll go through life feeling like my feet never touch the ground. Para akong nililipad, nakasakay sa isang roller coaster of several different emotions. One of the best feelings in life.

Tumigil kami sa gitna ng parang at walang pasabing bigla akong binuhat. Napasigaw naman ako dahil sa gulat pero agad napalitan ng tawa. Inilibot-libot niya ako na parang nasa teleserye lamang. I feel like nakita ko na ang buong mundo sa isang tao.

"What are you doing?" Tanong ko sa kaniya matapos niyang gawin yun. For what, diba? Anong drama yun?

"I'm just happy." Sagot nito habang sinusuklay pagilid ang ibang strand ng buhok kong nakaharang sa aking mukha.

I can see our story written in your eyes and I wish... there's no end on that one.

"So many feelings for one brain, so many love for one heart.

And everything was grey... 'til you came along and splash the world with colors.

I love you, only you alone, Punky."

The moment of total admiration. My heart stops and I just know that in this very moment he's the only thing that matters in my entire world. He slowly leans in. And as I close my eyes, our lips touch again.

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now