Chapter 47

1.2K 65 11
                                    


Franki's POV

When you have no reason to wake up everyday, dahil wala dito yung rason na ipagpatuloy ang buhay sa araw na ito. Plus the fact na palapit nang palapit ang araw na itatali kana sa taong di mo mahal. And then, bumalik ka pa sa lugar na minsang tinakasan mo na.
Di ko alam kung masusukat ko pa ba ang galit ng mundo sa akin. Alam ko naman na dadating din ang araw na ito, pero di ko alam na ganun lang kabilis.

"Ikakasal ka na bukas, what do you want?"

Hindi ko pinansin ang aking ina na kasalukuyang nakatutok sa kaniyang telepono. Ako ang tinatanong niya, at wala akong balak sumagot.

Hindi naman niya ibibigay ang gusto ko.

"Do you want to talk about the wedding? Or what it felt to have a family?"

Walang ganang tumingin ako sa kaniya at nagsalita. "Can we just talk about true love? Of how it felt to have a butterflies in the stomach whenever you see his face? That fluttery feeling? You get embarrassed, and don't know how to act sometimes? Yung mapapangiti ka nalang ng walang dahilan? Yung hindi ka makatulog sa gabi kakaisip sa kaniya? Yung parang... masaya lang. Na nakalimutan mo na ang problema basta kasama siya. Na walang ka nang hahanapin pa. Na you are contented?"

"Naranasan mo na ba lahat yan?" Seryosong tanong nito na tumingin pa talaga sa akin. Napabuntong hinga ako at tumango.

"Yeah. And you know what, it is the best feeling ever."

At kapag naalala ko ang mga masasayang araw na kasama siya, parang gusto kong magmamakaawa sa itaas na pagbigyan ang aking hiling na sana maulit muli. There's no place like home. At siya ang tahanan na matagal ko nang hinahanap. Gusto ko nang umuwi sa kaniya. Ayoko dito.

"Anong pangalan niya?"

Di ako makapaniwala kung bakit tinatanong ni Mommy yan. Kung ba't siya interesado. Pero wala akong pake, basta proud akong ipaalam ang panglan niya sa aking ina.

"Dianer. Diana Mackey."

Tumulo ang mga luha sa aking mata nang sambitin ko ang kaniyang pangalan. Hindi ko mailalarawan kung gaano ako nangungulila sa kaniya ngayon.

"Babae?" Kunot-noong tanong nito.

"Nope. An epicene." Agad ko namang sagot. Tinignan ko ang reaksyon niya at di ko akalain na ngumiti ito.

"Having both sexes. Paano kayo nagkakilala?"

Bigla ako nakaramdam ng pagkasabik nang itinanong niya yan. Seryoso? Pag-uusapan namin yung taong mahal ko? Well, handa akong ipakilala siya kahit wala siya dito.

"Remember nung tumakas ako, humanap kami ng lugar na sobrang liblib para hindi mo kami madaling mahanap. And we end to their farm. Sila lang yung residente at sobrang layo pa sa bayan." Panimula ko rito habang mataman na nakikinig lang si Mommy. Sa akin na niya lahat itinuon ang kaniyang atensyon.
"Maggagabi na nun at wala pa kaming matitirhan. Kaya kumatok kami sa kanilang tahanan, pero walang tao. Una kong nakita ang kaibigan niya, which is doon rin nakatira. Siya ang kumausap sa amin, at nagsabi na merong matitirhan pero di pinapa-uupahan."

Napangiti ako habang inaalala yun. "At doon na siya dumating, Mom. Una kong narinig ang boses niya. Kaya napalingon kaming tatlo. Napatulala ako that time, at parang naging tuod. Dahil... ugh. He's so..."

"He's so ano?" Sabik din niyang tanong. Parang di siya makapaghintay na malaman yun. Kaya isinambit ko na ang katagang,

"Perfect." Ngumiti ako na parang nananaginip ng gising habang inaalala ang mukha nito. "Para siyang isang greek god na bumaba dito sa lupa.
Nakasuot siya ng puting kamiseta de tsino that time, lumang pantalon na nakatupi sa dulo, at isang kulay itim na tsinelas. Sobrang simple, pero nakakatulo ng laway."

"Hey? I describe mo muna ang mukha niya." Suway niya sa akin nang hindi ko nailarawan ang mukha nito.

"Well, mapapalingon ka talaga sa kaniya. Parang gusto mo nalang ipako ang iyong tingin. Maputi siya, at makinis ang mukha, walang bahid ng pimples. Matangos ang ilong, that sexy jawline, natural ang pagkapula ng labi. Those eyes... na marunong magparamdam kung gaano niya ako kamahal. Basta nasa kaniya na ang lahat."

Parang gusto kong maiyak while describing him. I remember na hindi pa pala ako nakakapagpaalam. And mag-iisang linggo na yun. Paniguradong galit na siya sa akin. At nagsisisi na minahal ako. Alam kong nasaktan ko siya. At wala akong magawa.

Hindi ko napigilan ang pagtulo ulit ng aking luha. Knowing  na nasaktan ko siya is nakakasakit din sa aking puso. Ayokong magsisisi siya sa akin. Ayokong kilalanin niya ako bilang isang malaking pagkakamali. Ayokong dumating ang araw na magkikita ulit kami na hindi na niya ako kilala. Na pinilit kinalimutan dahil isa lang akong masamang panaginip sa kaniyang buhay. Ayokong mangyari yun.

"And I knew from that moment na mahal ko na siya. Na sigurado na ako sa kaniya." Dagdag ko pa rito. "At gusto ko muna makalaya sa hawla na ipinagkulong niyo sa akin. Habang may oras pa, gusto kong mahalin muna ang taong pinili ng puso ko, at maranasan kung paano mahalin pabalik. Gusto ko maramdaman ang kalayaan kahit sa konting panahon lang. I wanted the freedom badly, and I know, that was Dianer."

Napatulo na rin ang luha niya habang patuloy lang sa pagkikinig sa akin. Alam ko na tuloy pa rin ang kasal bukas kahit na ano pa ang sabihin ko dito. But I want to tell her how our love story starts, so

"Inakit ko siya, Mom. At doon na nagsimula ang masayang kwento na walang happy ending."

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now