Chapter 41

1.3K 61 82
                                    


Franki's POV

"Anong last time?" Pagtataka nito sa akin. Ngumiti naman ako dahil wala siyang dapat ipag-alala. Last time dahil hindi ko na siya hahayaang lumiban ulit. Nagbibiro lang ako because I know na nagsisinungaling lang siya about having no work tomorrow. And I'm so blessed na kaya niyang isakripisyo iyon sa akin. Atsaka, I don't have any plan of leaving here. Hindi ko siya kayang iwan, at kapag dumating yung araw na kailangan ko nang umuwi, then dadalhin ko siya. At ipaalam sa buong mundo na I'm already found my home.

"Alam ko na nagsisinungaling ka sa akin ngayon eh. At hindi kita hahayaan ulit na mag-absent sa trabaho just to be with me. I'm always here. Lilipas din naman ang tampo ko, kaya hindi mo na kailangang bumawi." Sabi ko dito habang nakatingala sa mukha niya. Nakayapos pa rin ako sa kaniya na parang walang balak bumitaw. Balakin ko man, pero di ko magawa.

Ang hirap talagang bumitaw sa taong umangkin sa puso mo. Ang hirap bawiin ang ibinigay mo na.

"I'm sorry. Kasi mas mahalaga ka kaysa ibang bagay."

Lumawak ang ngiti ko sa labi dahil sa pinagsasabi nito. Hindi siya nagfailed sa pagpapakilig sa akin. Alam niya kung ano ang gusto kong marinig.

"Matulog na tayo." Pag-aaya ko at hinila na ang damit nito na parang bata. Pumasok na kami sa loob para makapagpahinga. At oo, sobrang kuntento na ako dito.

"Good night. Sleep tight. I will be dreaming of you with all my might."

Napatawa naman ako ng patago dahil dito bago hinayaan ang sarili na i-welcome ang mundo ng pahinga. Dahil may bukas pa para sa panibagong araw ng aming pagmamahalan.


***

I couldn't be more happy than this day. Tinototoo niya ang kaniyang sinabi na i-spend niya ang buong araw na ito with me. Tinutulak ko siyang pumasok pero ayaw niya. Umarte pa akong nagtatampo dahil hindi siya sumunod pero nakuha niya ang kiliti ko with the..

"Nung una kitang nakita
Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatulala
Ramdam ko ang pintig sa puso na hindi kahali-halina
Doon ko lang napagtanto, mahal na pala kita."

Tula.

"Pero hindi ko pinansin ang kakaibang pakiramdam
Takot ako mahulog at sa huli'y masaktan lang
Yan ang paniniwala ko sa pagmamahal
Kaya minsan, hindi na maisip ang sumugal."

Nakaupo ako sa hapag dito dahil mag-aagahan sana pero bigla naman itong sumulpot sa aking harapan at naging makata.

"Araw-araw mo na akong kinukulit
Hindi tinantanan hanggang sa ngumiti ng pilit
At hindi mo alam na naiinis na ako
Dahil sa panggugulo mo sa tahimik kong pusong tumitibok lang sayo.

Sa huli, naging tayo rin
At alam ng lahat na ikaw ang salarin
Pero hindi ako nakaramdam ng ano mang pagsisisi
Dahil doon ko lang naramdaman ang kasiyahan na sobrang tindi."

Biglang pumalakpak ang natirang apat sa likuran niya at doon ko lang napansin na nandiyan pala sila, nakikinig. Pero hindi sila pinansin ni Dianer, at ipinagpatuloy pa ang tulang hindi matapos-tapos.

"Alam mo hindi lang mga salita ang tumutugma
Pati tao, kagaya ng ikaw at ako sinta
Parang tayo lang talaga ang itinadhana
Hanggang sa til' we're seventy."

Parang gusto ko siyang sampalin dahil hindi niya itinugma at tumawa pa ito. Okay na sana yun eh. Seryoso ako, at maiiyak na sana. Pero biglang binasag. But I can't deny the fact na tumawa nga ako doon, na hindi ko lang pinahalata.

Lumapit siya sa akin at may ibinigay na bulaklak, at this time, hindi ko na matukoy ang pangalan ng bulaklak na ito. Kakaiba siya, at maganda. Bago sa aking paningin.

"Bulaklak para sa babaeng kasingganda nito."

At sino naman ako para hindi tanggapin yun? Syempre, tinanggap ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


At sino naman ako para hindi tanggapin yun? Syempre, tinanggap ko.

"Rose is probably the most beautiful flower in the world. But this one caught my eye. Hindi man ikaw ang pinakamagandang babae sa whole mundo, pero ikaw ang nagpakuha sa aking puso. Kagaya sa bulaklak na ito. It's Gazania, also known as treasure flower. Purely like you. A treasure."

Whole day, pinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Pagkatapos niyang ibigay ang bulaklak at pagbigkas ng tula na parang ewan sa aking harapan ay dinala niya ako sa isang secret cabin na hindi ko alam na nag-eexist pala dito. Ba't ba ang dami niyang kabahayan? Tamang-tama kapag marami din ang babae mo. Pero ako lang ang nag-iisa eh, kaya mainggit kayo.

Pumasok kami sa loob, at nagulat ako dahil may nakalatag nang mga pagkain sa ibabaw ng mesa. Dalawa lang ang upuan na magkabila habang pinalilibutan ng iba't ibang bulaklak. Ang ganda tignan.

Kumain lang kami at nagkwentuhan ng kung ano-ano. About aliens, conspiracy theories, kung bakit tumatanggi pa siya sa una, mga multo, aswang, tikbalang, heavenly bodies, yung pagiging intersexual niya, kung bakit biglang naging penis ang labia, mga kacornihan, jokes, kung bakit ilang beses na siyang kinagat ng gagamba pero hindi siya naging spiderman, book of enoch, astral projection,  lucid dreaming, reincarnation, na imposible ba ang memory transplant, at hanggang nasabi  niya ang salitang,

"Mahal kita, Frances."

Dahil wala na siyang ma-i-topic.

Pagkatapos nun, pinaramdam din niya sa akin kung gaano kasaya ang kabataan niya noon. Para kaming mga baliw na may mga dalang watergun na nagtatago dito sa malaking bato. At naghihintay ng pagkakataon na tamaan ng tubig ang kalaban which is yung tatlo; si Gazini, Jodie, at Maza. Ang daya nga, kase dalawa lang kami at sila naman tatlo. Kaya in the end, talo kami.

Naglaro pa kami ng habulan sa putikan kasama si Mama. Tumbang preso na imbes ang lata ang dapat tamaan pero siya palagi kong natatamaan. Bahay-bahayan, which I find interesting at all kasi walang effort. Dahil nakaupo lang ako the whole time. Luto-luto na imbes ang mga pagkain, ay dahon ng kung anu-ano na hindi naman kinakain, tapos may bumibili pa pero dahon din ang ipinambabayad. Hay naku. Marami pang mga laro na hindi ko alam na nilaro namin hanggang sa dumating ang takipsilim.

Hanggang sa nakalimutan ko ang lahat ng problema na meron ako.

Ang sarap mamuhay dito na kasama siya. Simple lang pero ang saya.

Nakatingin lang ako sa mukha nito na abala sa pagkukwento sa amin ng katatakutan, pero hindi ako nakikinig. Habang iniisip kung gaano ako ka swerte na hinayaan niya akong mahalin siya. At ganun din sa kinuha ang pagkakataon na mahalin ako pabalik.

Wala na akong ibang maihihiling.

At

Habang hindi pa sumasali ang aking mga magulang, gagawa muna kami ng kwento habang may oras pa.


______________________________

A/N. Late dahil medyo tinatamad ako kanina.


Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now