CHAPTER 23: DESISYON

27 18 17
                                    

Kamusta? Gusto kitang batiin dahil nakarating ka hanggang dito. Maraming, maraming salamat at..

NOTICE: REVISED chapters ahead.

Kahit papaano ay less errors na at less confusion na (yey~) kaya sana magustohan mo ito. ♥♥♥

Stay hydrated~




[ Jacques Gruel - Point of View ]

"Hi, kamusta?"

Anong 'tong biglang nangyayari? Nakita ko si Janel na biglang sumulpot sa harapan ko tapos hinila niya ako papasok sa parang itim na warp tapos ngayon...teka, sandali, nasa'n ba kami?

"J-Janel? Anong ginagawa mo?"

"Sabihin na lang natin na kinidnap muna kita sandali."

Ha?!!

At sinabi niya pa 'yon ng may malokong ngiti at may maririnig na kakulitan sa tono ng boses niya. Siguradong nag-aalala na nang sobra si Dante ngayon.

Hindi ko man nakikita ang mukha niya no'n ay rinig na rinig ko naman ang  panic  nang isigaw niya ang pangalan ko pagkatapos makitang hilain ako ni Janel.

Hindi ko tuloy mapigilan na mapabuntong-hininga. Mamaya ko na lang iisipin kung paano magpapaliwanag sa kanya. Inilibot ko na muna ang tingin ko sa paligid. Hindi tulad do'n sa hallway ay halos itim naman lahat ang makikita sa lugar na 'to.

"Nasa'n pala tayo?"

"Isang dimensyon na ginawa ko. Dito, walang makakakita o makakarinig sa'tin. Hindi rin 'to kaya mahanap ng kahit sino maliban na lang kung gugustohin ko. Isipin mo na lang na parang bluetooth: discoverable only to paired devices."

Naiintindihan ko na pero...

"Bakit mo ako dinala rito? Pwede mo naman ako kausapin ng normal at saka siguradong nag-aalala na nang sobra si Dante ngayon, kailangan ko ng bumalik."

No'ng sinabi kong kailangan ko ng bumalik ay napanguso si Janel na parang bata at napahulukipkip pa. Ang cute niya, hahaha...

"Isasauli naman kita agad eh! Gusto lang talaga kita masolo! "

Pareho kaming natahimik at nagkatitigan pagkatapos niya sabihin ang huling salitang niya.

Ngayon na natitigan ko nang maayos si Janel, nakasuot siya ng isang maroon na blouse na maraming tali sa gitna at croptop ang estilo..o kung ano mang tawag ng mga babae sa ganyan. Katamtaman ang haba ng mga manggas nito at na-highlight ng husto sa suot niya ang makinis niyang balat at ang collarbone niya dahil sa napakababang neckline ng blouse.

Nakabuhayhay lang rin ang itim niyang buhok at manipis na make-up lang rin ang inilagay niya sa mukha niya. ; Ang ganda niya.

"Ang..Ang ibig kong sabihin, sobrang importante ng sasabihin ko na kapag kinausap kita nang normal baka malaman ng mga kalaban ang mga sasabihin ko."

Siya na ang naunang pumutol sa katahimikan at naglihis ng tingin sa'kin. Sinabi niya 'yon nang kalmado pero parang naririnig ko pa rin ang konting pagiging defensive.

"Aah...naiintindihan ko na."

Napatango-tango si Janel pagkatapos ng sagot ko. Umubo muna siya no'n nang konti na para bang tinatanggal ang bara sa lalamunan niya bago ibalik ang tingin sa'kin para magsalita na.

"May nangyari kahapon. Nahanap at nakipaglaban si Dinere sa isang Tinakwil."

"Ano?!! Teka, ayos lang ba si Dinere? Hindi ba siya nasaktan?!"

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now