CHAPTER 1: KAMALASAN?

313 63 446
                                    

Madalas na po 'tong nangyayari kaya pangungunahan ko na:
ang "Jacques"  is read as "JAKS" at hindi "JAKISヘ( ̄▽ ̄;)

Vote GUARDIANS!~

Follow yours truly, BINIBINING ENERO! Happy reading sayo~




***

"Jacques!! Buhatin mo na 'yong nasa likod!," nanggagalaiting utos ng cook ng cafeteria sa'kin. Tanghali na kasi kaya nagsisimula na namang mag-init, hay naku.

"O-Opo!," at kumilos na ako ka'gad. Nakakakaba kasi. Baka pukpukin pa niya ako gamit ng kasirola kapag 'di ko nagawa ang inuutos niya.

"Uy! Teka, padaanin natin 'yong buto't-balat!," sabi bigla ng isang lalaking taga-varsity no'ng padaan na ako.

"Nice one bro," suporta naman ng kaibigan niya. Pagkatapos no'n ay pareho nila akong pinagtawanan pagkalagpas ko sa kanila.

Napabuntong-hininga na lang ako. Isang araw ulit ng taong 2015  ang haharapin ko kasama ang lahat ng mga bully ng university. May mga tao talagang walang ibang magawa sa break time nila.

Pero sanay na ako. Medyo totoo rin naman kasi. 22 years old  na ako at isang college student dito sa Agostino University pero underweight! Pero hindi ko na lang sila pinapansin. Kung papatulan ko rin sila ay hindi naman 'yon magpapalaki ng sweldo ko rito bilang part timer sa cafeteria.

Kahit scholar ako sa Agostino, tuition lang ang libre at hindi na kasali ro'n ang mga libro ko, mga miscellanous at iba pa...hay, ang daming bayarin.

"Hi Jacques anong nasa menu ngayon?," saktong nakabalik na ako sa pwesto ko rito sa serving station noon nang magtanong siya.

"Ito pa rin. Itong mga naka-display pa rin," pabirong pamemelosopo ko. "Ikaw ha! Ganyan ka na lang palagi. Kapag hindi mo gusto ang menu ay hindi ka rin kakain," diet nang diet kahit ang payat na! Tsk, tsk, tsk.

Napasimangot siya, "Hay, kasi naman kung ikaw ang nagluluto rito edi sana mas gaganahan ako kumain kasi ma-sa-rap."

"Shh!," na may kasamang pandidilat ko sa kanya. "Ayan ka na naman eh! Baka marinig ka," nanggigigil kong bulong sa pinsang kong 'to na si Mary Ann. Mapapahamak ako pag-ganyan eh!

Close kami kahit dalawang taon ang tanda ko sa kanya. Siya ang pangalawang anak ng tito ko. 'Yong mas nakakatanda ay kaedad ko pero hindi ko 'yon kasundo. Ang laki kasi ng ulo gaya ng mga tropa niya porket mga varsity sila. Muscles lang naman ang lamang nila sa'kin at saka abs!

"Totoo naman talaga kasi 'yon," patuloy ng pinsan ko. "Ba't 'di ka na lang mag-apply na cook sa isang Restu at magfulltime? Kaysa puro ka lang part time tapos tatatlo-tatlo pa. Kahit nakakabilib ang kasipagan mo, hindi ka ba naaawa sa katawan mo?"

Hay, pag-uusapan na naman namin 'to. No'ng dati ko pa 'to naipaliwanag sa kanya...napapakamot na lang ako sa kanang tenga ko.

"Hindi ako pwede magfulltime kasi magkakaroon ng conflict 'yon sa class schedule ko, kaya nga ako paraket-raket lang diba? Ang pagkakaroon lang ng tatlong part time jobs ang tanging paraan para makapagbayad ako kay tito, mapakain ang sarili ko, pamasahe ko pa tapos gasto pa sa eskwelahan tulad ng mga kailangan i-print at kung ano-ano pang anik!..ano? Itutuloy ko pa ba ang pagpapaliwanag?"

G U A R D I A N STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon