CHAPTER 24: SUMPA NG ULAN

30 16 20
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View ]

Ack!!..-nadaplisan niya pa rin ako nang konti! Nabitawan ko na rin ang payong ko. Kung hindi ako nakaatras agad ay baka humiwalay na ang ulo ko sa katawan ko!

Bigla akong inatake ni Sabrina gamit ng buhok niya! Bigla 'yong naging tubig!

Posible pala talaga na masugatan ka ng tubig. May napanood ako dati sa isang science show na posibleng makabutas ng bakal ang tubig kapag napakataas ng pressure at napaka-dense nito. Ganun na ganun ang buhok ni Sabrina.

Pero ano'ng nangyayari? Bakit niya ako inaatake bigla?!

"...pwedeng-pwede ka nilang atakihin ano mang oras. Nagsisimula na silang huntingin ka."

-Janel Gonzales

Bakit ko 'yon naaalala ngayon? Hindi. Hindi 'yon pwede mangyari! Hindi pwedeng kalaban si Sabrina! Imposible!

Hindi pa rumerihistro ang lahat sa utak ko ay kailangan ko nang maging alerto agad. Naghahanda na ulit si Sabrina atakihin ako. Gumagalaw na parang mga ahas ang buhok niya, kailangan kong lumaban...

"Kapag nagkaharap kayo ng Tinakwil, lalo na sa level mo baka ikamatay mo lang Jacques..."

- Janel Gonzales

"Teka, sandali lang Sabrina!" ang mga salita ni Janel dati ang nagtulak sa'kin na sabihin 'yon sabay taas ng kaliwang kamay ko habang bukas ang palad na nakatutok sa kanya. Dahil sa ginawa ko ay nakuha ko ang atensyon ni Sabrina.

"Ito ba talaga ang gusto mo gawin? Magkaibigan tayong dalawa."

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ko pero hanggang't kaya kong masolusyunan ang nangyayari ngayon sa pamamagitan ng pakikipag-usap ay gagawin ko. Tama si Janel sa sinabi niya dati. Sa kalagayan ko ngayon ay talagang mapapahamak lang ako kung lalabanan ko siya!

"Yes...we are."

No'ng sinabi niya 'yon ay napansin kong dahan-dahan siyang kumalma hanggang sa bumalik na sa normal ang mga buhok niya. Sakto ring humina na ang buhos ng ulan. Mas magkakarinigan na kaming dalawa ngayon.

"Tama. Walang kabuluhan kung maglalaban tayo. Hindi natin 'to kailangan gawin! Ano bang mapapala mo kapag tinuloy mong makipaglaban sa'kin? Wala. Hindi tayong mga Gatekeepers ang magkakaaway, ang totoo! Magkakakampi tayong lahat!"

"Walang..kabuluhan. Magkakakampi...?"

"Oo, ganun na nga..-"

Ha?

Natigil ako sa pagsasalita no'ng may naramdaman ako. May nararamdaman akong mainit at nagsisimulang mahapding sensasyon sa may bandang kaliwang braso ko.

Liningon ko 'to at saka hinawakan. Ang sunod na nakita ng mga mata ko ay ang bahid ng sarili kong dugo sa palad ko. Anong tumama sa'kin?

"Wala akong maalala na kahit ano tungkol sa sarili ko..."

Bumalik ang tingin ko kay Sabrina no'ng magsimula siyang magsalita at literal kong naramdaman ang pagkunot ng noo ko at ang medyo pandidilat ko no'ng makita ko siya. Ang mga mata niya...ang buong kulay no'n ay itim!

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now