CHAPTER 5.1: PAGTATAGPO

72 36 109
                                    

[ Amitage Frost - Point of View ]

Ganap ng tanghali subalit hindi pa rin nakakabalik si Jacques mula sa kanyang paglisan kaninang umaga.

Ako'y nag-aalala. Nagbabadya lamang parati ang panganib sa paligid.

Marami na akong naituro kay Jacques ngunit kahit napakabilis niyang matuto ay malaking kababalaghan pa rin para sa akin ang hindi mainam na pagdaloy ng kanyang enerhiya.

Ang kanyang enerhiya ay mistulang ilog na hinarangan ng malaking bato ang dulo kaya nahihirapan ang tubig na umagos nang mabuti. Ito ang nakikita kong dahilan kung bakit kahit napakabilis matuto ni Jacques ay hindi gaano nakakasabay ang kanyang katawan.

Hindi ko tuloy mawari ang susunod na hakbang na aming tatahakin para ayusin ang daloy ng kanyang enerhiya. Hindi ko pa rin ito nababanggit din sa kanya. Balak ko sana ito sabihin sa kanya ngayong araw.

Dapat yata ako'y sumama na lamang sa kanya kanina. Ako'y tunay na nag-aalala ngayon.

Ako'y tumayo mula sa aking pagkakaupo upang magsimula na bumaba sa mataas na silyang ito. Ipagpapaliban ko na muna ang pagbabasa ng mga libro rito sa silid aklatan ng tahanan ni Ginoong Edward para mananghalian.

Habang ako'y naglalakad patungo sa kusina ay ako'y sandaling natigilan para titigan ang sala.

Dumadalaw sa aking isip ang alaala ng gabi na hiniling ni Jacques na mas paigtingin ang pagsasanay namin...

...

..

..

***

"Okay, nakapagdesisyon na ako Ami."

Tinitigan niya ako nang seryoso gamit ng kanyang mga kayumangging mata noon ng iyon ay kanyang inihayag.

"Kailangan kong 'mas magtraining' para tumaas agad ang level ko. Sa totoo lang Ami hindi pa rin ako sanay sa katotohanan na ako ang tinakda pero...naiintindihan kong napakabigat ng tungkulin na nasa sa'kin ngayon. Kailangan kong maging malakas na malakas para matalo ko si Liberto at maligtas ko ang mundo niyo."

***

..

..

...

Ako'y nabigla sapagkat inaamin kong hindi ko iyon inaasahan mula sa kanya. Ang inaasahan ko ay matatagalan pa bago matanggap ng buo ni Jacques ang kanyang bagong buhay.

Ngunit sa aking narinig ay napagtanto kong, aking minaliit si Jacques at ako'y nahihiya roon. Ginagawa niya ang buo niyang makakaya sa sarili niyang mga paraan.

At para roon, akin siyang hinahangaan.

"Hello~ I'm home!"

Ang may-ari ng tahanang ito ay nagbalik na! Kailangan ko siyang salubungin nang may pag-galang.

Nagmadali akong lumapit kay Ginoong Edward na nasa bukana ng pinto subalit...

"Awe~ This melts my heart, hello to our little miss. Napakasweet mo naman at sinalubong mo ako agad nang mahigpit na yakap sa pag-uwi ko."

Ang katotohanan ay bahagyang nababaluktot sa kaganapan na ito. Si Ginoong Edward ang mabilis na lumapit sa akin at kaagad ako binuhat upang yakapin, hindi ako!

Ganito na lamang palagi ang aming pagtatagpo.

"Wait, mag-isa ka lang yata Ami. Nasa'n si Jacques?"

"Si Jacques ay kasalukuyang nakikipagtagpo sa kanyang malapit na kaibigan simula pa kaninang umaga ngunit huwag kayo mangamba Ginoong Edward sapagkat sa inyong mahabang pagkawala ay lubos na sinigurado ni Jacques na malinis ang bawat sulok ng inyong tahanan. Ganoon din ngayong araw bago siya lumisan."

G U A R D I A N STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon