CHAPTER 16: NIGHTMARE

54 23 67
                                    

[ Dante Laurrell - Point of View ]

Fuck.

Fuck his ignorance.

I don't even have the slightest interest to know why they are together like a couple.

Umandar na naman siguro ang pagiging naive niya kaya 'to nangyari. He left me with no choice kaya napilitan na lang akong gawin 'yon. Dapat may makatakas sa aming dalawa...

At dapat siya 'yon.

"Sorry for the wait. Pinalayas ko lang muna siya dito kaysa magkalat lang siya. Ako na ngayon ang... makakaharap mo."

"Ayos lang. Napag-isip-isip ko naman din na hindi naman pala ganun kasama ang pagsulpot mo dito. Parang tulad sa isang fine dining restuarant, appetizer muna bago ang main course. At saka! Kahit ano namang gawin mo hindi makakaalis dito ang Tinakda. Malawak ang sakop ng kapanyarihan ko. Pamilyar ka naman siguro sa Shadow field, diba?"

Tangina, kaya naman pala ultimo ang pagtayo ay medyo mahirap gawin simula ng makarating ako dito sa Remaldio Park.

Kasalukuyan niyang ginamit ang Shadow field.

Una ko 'tong nakita dati sa preliminaries ng Battlers, 3 years ago.

Ang lahat ng Gatekeepers na nasa sakop ng radar niya ay nawalan ng kakayahan gamitin ng maayos ang mga kapanyarihan nila at nanghina.

Ang iba sa mga Gatekeepers na naging biktima ng abilidad niyang 'to ay hindi na nakapag-Gate open. Ang mga nakagawa naman, automatic na kada "10 minuto ay 40%" ng lakas nila ang nananakaw sa kanila at napupunta kay Nightmare.

Pinagkatuwaan niya ang lahat sa grupong 'yon hanggang sa siya na lang at ng Lost guardian niya ang natira. She nearly "killed" some that struggled to fight her!

No'ng nakita ko 'yon, isa lang ang naisip ko. Isa 'yong "slaughter."

At siya, isa siyang "psycho!"

"Ano? Ako ba ang mauuna o ikaw?"

Shit. Wala akong ibang choice ngayon kung hindi gawin 'yon.

Wala si So-ji kaya imposibleng makapag-gate open ako at magamit ang buong kapanyarihan ko bilang Gatekeeper.

Sana tuloy-tuloy na umalis ang ugok na Tinakdang 'yon dito dahil kung hindi, all my efforts of buying time for him will be useless.

"Congrats nga pala, ngayon ko lang nalaman na Level-9 Gatekeeper ka na pala. Kaya wag mo sana mamasamain kung medyo may expectations na ako ngayon sayo ha? Napakapasang-awa mo kasi no'ng dati."

Tsk! Putangina, ayoko na maalala ang nangyari noon.

Nakakapag-init ng ulo. Parang manika niya akong pinaglaroan. Natapos ang laban namin na iniwan niya akong nakadapa at dugoan.

Pareho lang kaming Lost guardians ang hawak pero hindi ko maipaliwanag kung paano niya ako nahihigitan.

"At ngayon ko lang din nalaman na madaldal ka pala. ; Gusto mo malaman kung ano ng kaya ko? Then let's fucking start this. Mag-gatepeek tayo."

"O sige. Gatepeek."

Naghanda na ako.

Itinutok ko sa harapan ko ang tungkod ko. Saka ako nagpakawala ng malakas na enerhiya mula sa buo katawan ko. Pagkatapos no'n ay sinabi ko ang mga enkantasyon...

"Kumakatok ako ngayon sa Tarangkahan ng Banal na Hardin. Ako ay ang iyong mapangkumbabang taga-bantay. Hayaan ako sumilay sa iyong kabihasnan at pansamantalang pahiramin ng kapanyarihan..."

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now