CHAPTER 29: ISANG ALOK PRT. 2

31 14 16
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View ]

Ano..ano raw? Huminga muna ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko bago magsalita...

"No'ng huling beses na inalok mo akong tutulungan sa problema ko sa pagiging Aberrant ko, gusto mong bitawan ko ang pagiging Gatekeeper ko kay Amitage. Kaya kung ganun ulit ang kondisyon mo para sa inaalok mong 'yan...salamat na lang."

Pagkatapos kong sabihin 'yon, tumalikod na ako't naglakad papunta sa pinto.

Ha...?

Tumigil ako sa paghakbang para pakiramdaman muna ang paligid, para kasing may kakaiba. Tinitigan ko agad no'n ang anino ko at ramdam ko ang kusang pagkunot ng noo ko nang makita kong gumagalaw 'to..? Ba't guma-teka, sandali lang!

A-Ano 'to!?

Umatras ako agad at hinanda ang sarili ko makipaglaban. May biglang lumabas mula sa anino ko!

Parang isang 'tong itim na tao na sobrang tangkad na tansya kong nasa pitong talampakan. Literal din siyang itim lahat! A-Ang hahaba rin ng mga braso nito na may mahahaba ring daliri..ang mukha niya naman, walang kahit anong detalye maliban sa isang pares ng mga mata na parang dalawang malalim at itim na butas lang.

Nakakapangilabot.

Pakiramdam ko tagos hanggang kaluluwa ko ang tingin nito sa'kin. Isa ba 'to sa mga alagad nila ni Janel na tinatawag nilang Anino? Malas, hinaharangan ng Aninong 'to ang pintuan...

"Pakinggan mo muna ang mga sasabihin ko Tinakda."

Nang sabihin 'yon ni Dinere hindi ko talaga napigilang huminga nang malalim. Ang totoo, kinakabahan ako pero dahil sa mukhang wala na akong ibang mapagpipilian sa sitwasyong 'to humarap na lang ulit ako sa kanya.

"Gusto kong makipag-usap sayo nang maayos pero ramdam ko ang kaba mo. Ayokong matakot ka sa akin..." dugtong ni Dinere sa seryoso pero mahinanong boses.

Pagkatapos sabihin 'yon ay mabilis naglaho ang alagad niyang Anino at...teka, sandali lang, pumunta 'to sa anino ko?

"Magmula ngayon ay may mga tenga at mata na ako sayo Tinakda. Isang paraan para maiwasan na ang nangyaring hindi inaasahang pag-atake sayo na naging dahilan ng pagwawala ng kapanyarihan mo."

Bago niya ituloy ang pagsasalita ay kinuha niya muna ang upuang nasa sulok para umupo ro'n.

"Ngunit iyon mismo ang problema. Isa kang lampa na nangangailangan palagi ng pagsasagip."

Ano!?-teka...kalma Jacques. Mas mabuting manahimik muna ako at pakinggan ang sasabihin niya.

"Hindi mo alam kung paano gamitin ang totoong kapanyarihan mo. Sa tuwing nalalagay ka rin sa matinding panganib ay nagwawala ito tulad sa unang pagpapamalas nito sa Gateduel niyo ni Dante Laurrell at ikalawa sa pag-atake ng tinakwil." pagpapatuloy niya habang nakatitig sa akin nang malamig.

"Higit sa lahat ang ikalawang insidenteng ito ay mas matindi dahil may mga nadamay ng sibilyan. Kung hindi dumating si Santi para pigilan ka ay siguradong naging malaking trahedya iyon."

Dahil sa mga sinabi niya, kahit gusto ko humingi ng patawad sa kapabayaan ko..walang lumabas na boses sa bibig ko. Naiyuko ko na lang ang ulo ko at mahigpit na iyinukom ang mga kamao ko.

"Sa aking paningin ay isa kang iresponsableng-ignorante na hindi alam kung anong ginagawa niya kaya ang alok kong ito ay libre't walang kapalit. Sapagkat lubhang nakakabahala't-nakakadismaya ang matinding kakulangan mo bilang Gatekeeper at bilang ang itinakda na hindi ko na kayang ipagpatuloy na magpikit-mata na lang. "

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now