CHAPTER 25: INSURANCE

29 16 20
                                    

[ Dante Laurrell - Point of View ]

"Dalhin mo ako kay Amitage." here we go again with this, tsk!

"Hindi." may diin kong sagot sa kanya.

"Dante, pakiusap..."

Nabwibwisit na ako sa cycle na 'to. For the second time ay kinailangan kong huminga nang malalim para kumalma.

Dahil ayaw na niyang mahiga ulit ay nanatili siyang nakaupo sa kama niya while I'm here, standing infront of him and the door behind me.

"Okay...intindihin mo muna 'to: ni hindi mo kaya tumayo mag-isa, ang maglakad pa kaya? How would you bring yourself to her then? Gagapang ka?"

"Kung 'yon lang ang paraan, oo." sinabi niya 'yon sa akin habang may seryosong mga mata.

Nauubos na ang pasensya ko, baka igapos ko na lang siya. His determination is pissing me off.

Apat na beses na siyang paulit-ulit na pinapakiusap sa akin na dalhin ko raw siya sa Lost guardian niya kahit ilang beses ko na ring ipinaliwanag sa kanya na hindi pwede dahil sa estado niya ngayon.

After that incident no'ng Lunes ay ngayon lang siya nagising.

Sa kabila ng lahat ng ginawa niya ay ang huling naaalala lang niya ay nang masaktan si Amitage. It feels like a dejavu, wala rin siyang maalala noon kung paano niya kami tinalo ni So-ji gamit ng totoong kapanyarihan niya.

His worry is painted all over his face. Nakatitig lang siya ngayon sa mga palad niya na parang may malalim na iniisip. But if you ask me, in a different perspective, mukha siyang used tissue na pinangtrapo sa tae.

Kung ako lang, papabayaan ko na lang siyang ganyan pero baka pag-initan ako ng iba kapag ginawa ko 'yon lalo na't ako ang nagbabantay sa kanya. I also don't want to hear So-ji's nagging, ibang-iba siya kapag seryoso at galit.

"Makinig ka nang mabuti Tinakda, for the fifth time: maniwala ka kapag sinabi kong wala na sa bingit ng kamatayan si Amitage. She's in good hands, kaya in the meantime magfocus ka na muna sa sarili mo at magpagaling, kakagising mo pa lang at nanghihina."

Silence reigned over us. Nakatitig pa rin siya sa kaliwang kamay niya habang nag-iisip nang malalim. Wala na ba siyang balak magsalita? Magmumukmuk na lang ba siya?

Well, mas mabuti na lang din siguro ang manahimik siya at lutang kaysa nangungulit siyang umalis sa kwartong 'to.

"Ang kaliwang kamay ko..." Napatingin ako sa kaliwang kamay niya after he pointed it out. Hindi ako nagsalita at naghintay sa idudugtong niya.

"Nasaktan 'to nang husto no'ng nakipaglaban ako kay Sabrina..." Who the fuck is Sabrina?

"Pero ngayon, magaling na. Parang walang nangyari. Dahil sa pag-aalala ko tungkol kay Ami ay kanina ko pa hindi pinapansin ang iba pang tanong na dapat ko itinatanong." he paused again. Inangat na niya ang tingin niya sa akin no'n and I almost took a step back when our eyes met.

"Dante." What's with that serious look and tone!? Nang tinawag niya rin ang pangalan ko ay parang commanding signal 'yon na nagsasabi na"ikwento mo ang lahat sa'kin."

He looked like shit just a few seconds ago at ngayon?! He looked like he just finished gathering himself up and he's ready now to face everything. Tangina, kaya niya pala maging ganito? Ang inaasahan ko sana ay buong araw pa siyang magiging tulala from a 31 hours sleep.

G U A R D I A N SNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ