CHAPTER 33: BANTA

29 6 11
                                    

***

Ang araw kasalukuyan: Ika-12 araw ng Oktobre ng taong 2015, Lunes.

Tatlong linggo bago mag-Nobyembre, ang buwan ng nakatakdang pagsisimula ng Battlers.

***


[ Jacques Gruel - Point of View ]

Nakauwi rin sa wakas ng bahay.

Iyong pakiramdam na kakagaling mo lang sa matinding pre-final exams at pagkatapos no'n, hindi ka pa pwede magpahinga kasi may isa ka na namang matinding training kasama ang isang malupit na nilalang. Talagang walang patawad si Dinere sa'kin sa training. (⁠ ̄▽ ̄⁠;⁠)

Sa sobrang pagod na nararamdaman ko ngayon, maghuhubad lang ako ng mga damit at diretsong matutulog na. Hay...sana pala hiniling kong sa mismong kwarto na'ko idiniretso no'ng alagad na anino. Napatitig naman ako sa paanan ko, sa susunod na lang.

Ibinalik ko ang tingin ko sa pintuan ng bahay at akmang bubuksan na sana 'to nang may naramdaman akong parating na panganib. Napaka-alerto pa rin ngayon ng mga pandama ko kaya nakailag ako agad sa kung ano mang tatama sana sa'kin.

Pagkatapos no'n ay instinct nang gumalaw ang buong katawan ko para patuloy umilag at umiwas sa lahat ng hampas at wasiwas hanggang sa nakakuha ako ng pagkakataon at naagaw ko ang tungkod nang umaatake sa'kin. Sinubukan niyang agawin pabalik 'yon pero ipinaikot-ikot ko 'to sa mga braso ko bago bigla 'tong ihagis sa ere.

Habang nando'n ang atensyon niya ay mabilis akong yumuko para patirin ang mga paa niya na naging dahilan ng pagkatumba niya. Sa eksaktong sandaling din 'yon ay nasalo ko na sa kamay ko ang tungkod na inihagis ko kanina sa ere at gagamitin sana 'to para ihampas sa ulo niya pero pinigilan ko ang sarili ko bago pa tumama 'to nang tuluyan sa kanya.

Nagkatitigan kami at naramdaman ko ka'gad ang panlalaki ng mga mata ko. Nabitawan ko ang tungkod niya at dali-daling lumuhod para tulungan siyang tumayo.

"Dante! Sorry! A-Ano!..masyado na kasing nasanay ang katawan ko na ano..amh..ayos ka lang ba?," nakakahiya! Nagawa ko rin 'to dati kay Janel.

"Tsk," sabay tabig sa kamay kong inabot sa kanya para tulungan siyang tumayo, "looks like you're trainning wasn't in vain. Mas naging nakakabwisit ka," ani niya habang nakatingin sa'kin nang masama.

Napangiti na lang ako at napakamot sa kanang tenga ko. Hindi talaga magaling magparating si Dante ng mga totoo niyang mga nararamdaman pero ngayong kilala ko na siya ay 100% akong sigurado na kaya niya ako biglang inatake kani-kanina lang ay dahil sa concern siya sa'kin at masaya siyang nag-improve na ako.

Habang itinatayo ni Dante ang sarili niya ay pinulot ko ang tungkod niya na inabot ko agad nang makatayo na siya. Kahit minamasama niya pa rin ako ng tingin ay kinuha niya naman ang tungkod niya mula sa'kin.

Magmula ng mangyari 'yong laban ko kay Sabrina at pagwawala ng kapangyarihan ko ay kalaunan nalaman ko mula kay So-ji na mas nagpupursige si Dante ngayon na magtraining para maging S-class Gatekeeper na.

Iyon ang dahilan kung bakit medyo naka-lielow muna siya ngayon sa pagiging popstar. Do'n ko noon narealize na hindi lang pala si Janel ang masama ang loob sa sarili niya na hindi ako natulungan noon. Ganun din pala si Dante.

Ngayon tuloy na tinititigan ko siya, kahit nakasuot lang siya ng kaswal na matte green- tshirt at itim na pantalon ay nararamdaman ko..hindi..nakikita ko. Nakikita ko ang konting pag-apaw ng enerhiya niya. Mas malakas na siya ngayon.

"Ba't ka ganyan makatitig? Nababakla ka na ba?," may pandidiri niyang pamimintang.

"Ha?!," kunot-noo ko namang palag. Kung makabintang naman din kasi siya! Pero sige, maasar ko nga 'to,"oo. namiss kita. Pakiss nga," akmang lalapit sana ako sa kanya pero itinulak niya ako agad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now