CHAPTER 21: ULAN

37 16 17
                                    

Hello justnylanna Ang first avid fan ng GUARDIANS ♥

Para sayo ang chapter na ito. Maraming salamat sa pagbabasa at suporta  (^ω^)

Happy reading at stay hydrated.




[ Amitage Frost - Point of View ]

Katulad kahapon ay muli, marahas ang buhos ng ulan.

Kahapon ay umuwi si Jacques na tila isang basang basahan kaya ngayon ay sinigurado ko'ng padalhan siya ng pananggala sa ulan.

Ngunit bukod doon...

Umuwi si Jacques na tila ba kakaiba. Hindi ko mawari kung ano iyon subalit naramdaman ko'ng meroon siyang mabigat na sinasaloob.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na alalahanin ang kahapon...




***

"Nakuwi na ako..."

Jacques? Siya'y basang-basa! Gaya ng aking inaasahan. Siya nga ay nadakip ng ulan.

"Oh my God, you're soaked! Sandali, kukuha ako ng towel para sayo."

Mabilis ang pagkilos ni Ginoong Edward at kaagad kumuha ng twalya. Sa pagbabalik niya ay dalawang puting twalya ang kanyang dala. Ang unang twalya ay iniyakap niya kay Jacques habang ang ikalawa ay marahan niyang ipinatong sa ulo nito.

"Pasensya na po sir. Ang sahig po ng bahay, nababasa ko..."

" 'Wag mo na isipin ang tubig sa sahig. You should change now, umakyat ka na sa kwarto mo."

"Opo."

Tunay na napakatamlay ni Jacques, may naganap ba sa kanya? Kapansin-pansin na wala siya sa kanyang sarili kahit noong pumapanik na siya sa hagdanan...

"By the way Jacques, nakapaghaponan ka na ba? I've made a shrimp soup earlier. You can have it kung nagugutom ka na."

"Ah..eh..maraming salamat po pero tapos na po ako maghaponan. Matutulog na lang ho ako agad."

"Okay but it's always available in the kitchen kung gutomin ka man."

"Sige po. Maraming salamat po."

Nahalata ko ang pagpupumilit ni Jacques na magtunog masigla habang kausap si Ginoong Edward. Marahil ay meroon ngang nangyari.

Naghintay ako noon ng ilang minuto bago sumunod kay Jacques. Sa aking pagpasok sa aming kwarto ay nakita ko siyang tapos ng makapagpalit ng tuyong damit. Kasalukuyan siyang nakaupo sa kanyang upoan kaharap ang tinatawag na study table.

Imprente lamang siyang nakasandig sa kanyang upoan habang nakatingala ang ulo at natatakpan ng twalya ang kanyang mukha.

Siya ba'y...nakatulog na?

Lumapit ako kay Jacques. Noong nakatayo na ako sa kanyang tabi ay marahan ko'ng hinila ang kanyang braso upang kunin ang kanyang atensyon at upang makompirma na rin kung siya'y nakahimbing na nga.

"Jacques, gising ka pa ba?"

Dalawang sigundo ang lumipas bago dahan-dahan ay umupo ng maayos si Jacques matapos ko iyong itanong. Tinanggal niya rin ang twalyang nakatakip sa kanyang mukha noon.

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now