CHAPTER 10.1: UNANG PAGPAPAMALAS

61 29 77
                                    

***

Huli na ang pagtutol ni So-ji sapagkat hindi na magpapapigil pa si Dante!

Habang napupuno ng kalitohan si Jacques sa nangyayari ay bigla na lamang siya hinila ng maliliit na kamay ng kanyang Lost guardian upang magsimula tumakbo.

"Ami?! B-Bakit?!"

Bago pa makasagot si Amitage ay nabaling na sa iba ang pareho nilang atensyon.

Biglang sumigaw si So-ji ng napakalakas na ani mo'y humihiyaw siya sa sobrang sakit. Napaluhod si So-ji at naipang-kalso niya ang parehong mga kamay sa lupa upang hindi tuloyan bumagsak ngunit sumisigaw pa rin siya at namimilipit sa sakit.

Noong nangyari iyon kay So-ji ay pati sa kanyang pwesto ay may lumabas na maliwanag at nakakasilaw na kulay berdeng magic circle, ayon pa sa pagkakalarawan ni Jacques sa kanyang isipan.

"Huli na. Nagsisimula na."

"Hindi ko maintindihan, ano ba'ng nangyayari Ami!?"

Mas lumakas pa ang pagpapakawala ng enerhiya ni Dante na maihahalintulad na ito sa pwersa ng isang pagsabog!

Nahagip nito si Jacques at Amitage at sila'y tumilapon sa malayo. Ngunit bago iyon nangyari ay nahablot na ni Jacques si Amitage at yinakap ang maliit na katawan nito kaya noong tumilapon sila ay hindi sila nagkahiwalay.

Pero dahil din doon ay si Jacques ang sumalo ng lahat ng sakit sa pagbagsak sa lupa noong tumilapon sila.

Mabilis na humiwalay si Amitage kay Jacques at makikita sa maamo niyang mukha ang matinding pag-aalala.

"Ami...a-ayos ka lang?"

Sa kabila ng pananakit ng kanyang likod ay mas nauna pa si Jacques na kamustahin si Amitage na kinakunot ng nuo ng kanyang Lost guardian.

"Ako ang dapat na nagtatanong niyon sa iyo. Jacques, bumangon ka..."

Tinulongan ni Amitage si Jacques na maiupo ang sarili nito hanggang sa makatayo na ng tuloyan ang kanyang Gatekeeper.

"Ami kailangan ko'ng maintindihan, anong nangyayari kay So-ji?!"

"Ito'y masamang-masama Jacques. Tungkol ito sa Lost guardian na si So-ji Aristole."

Hindi maipaliwanag ni Jacques pero bigla siyang kinabahan noong sinabi iyon ni Amitage.

"Ang pangalan na 'So-ji Aristole' ay ang 'ikalawang pangalan' lamang niya. Iginawad sa kanya ito ng Orihinal noong naging ganap siyang Lost guardian subalit meroon siyang 'totoong pangalan' at sa wari ko, sasambitin iyon ngayon ni Dante at magiging dahilan iyon upang magbago si So-ji sa kanyang ikalawang anyo."

"Ikalawang anyo?"

Maraming nabuong mga tanong sa isip ni Jacques sa sinabi ni Amitage pero wala ng sapat na oras at panahon para ipaliwanag ang lahat.

Mas nakakabuting, makita mismo ni Jacques gamit ng sarili niyang mga mata ang sinasabi ni Amitage.

Tatlong sigundo pa ang lumipas ay narinig nila Jacques ang malakas na boses ni Dante na isinigaw ang mga salitang "iyon."

"Divine Garden's Wrath:
. . . S o h u d j a G h a d j i "

G U A R D I A N STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon