PROULOGE: "Gutom na ako."

97 30 86
                                    

~•••~

Hindi ko alam kung tadhana o nagkataon lang ang lahat. Ni hindi ko nga alam kung papaano ako napunta ro'n kasi takbo na lang ako nang takbo.

Ang alam ko lang at sigurado talaga ako ay no'ng mga sandaling 'yon...kung hindi namin nahanap ni Amitage ang isa't-isa, nakakulong pa rin sana siya habang ako..,

..patay na.

Hanggang ngayon nalilito pa rin ako. Medyo hindi ko pa rin maproseso ng isang daang porsyento ang mga nangyari kagabi. Na hindi lang panaginip ang lahat!

Nasa punto ako ngayon na hinihiling ko na lang na sana panaginip na nga lang 'yon o 'di kaya pwede ring imahinasyon ko lang. Naisip ko ngang baka nababaliw na ako pero hindi eh.

Totoo 'yon.

Totoo na inatake ako ng mga werdong tao. Na merong kapanyarihan na magbukas ng tinatawag na Soul gate kung asan merong lumalabas na mga ekstraordinaryong nilalang! Ang tawag naman sa kanila ay Soul Guardians.

Totoong pinagtangkaan nila akong tapusin. Pati ang pagpapalayas sa'kin ng tito ko sa bahay nila kaya ngayon wala na akong matitirhan. Pero mabuti na lang talaga at napakabait no'ng proffessor kong si Sir Edward kasi inalok niya akong pansamantala munang tumira sa bahay niya. Kaya idol na idol ko talaga si sir saka..—

Teka, sandali.

Hindi ko na napigilan kutusan ang sarili ko. Bakit mo pa ba kasi binabalikan ang mga nangyari Jacques?! Pinapagulo ko lang lalo ang isip ko pero hindi ko naman rin masisisi ang sarili ko. Talagang sobrang gulo pa rin kasi ng utak ko tapos...ito. Tumutunog na ang tiyan ko.

Napabuntong-hininga na lang ako, "oo na. Gutom tayo."

Sinuntok-suntok ko na lang ang tiyan ko, nagbabakasakaling maibsan ang pagkalam ng sikmura ko pero pinagsisihan ko agad ang ginawa ko.

"Aray..," mahinang daing ko habang dahan-dahang inihiga ang sarili ko rito sa park bench. Bakit ko ba sinuntok ang sarili kong tiyan?

Kapag may nakakita sa'king tao ngayon siguradong iisipin nilang bangkay na ako tapos magiging headline ako sa balita at ang magiging headline: LALAKING BUTO'T-BALAT! NATAGPUANG PATAY SA ISANG PARKE!

Hay, naku. Pa'no ba humantong ang lahat sa ganito? At kailan ako nagkaroon ng weird na marka sa noo ko?

Mawawala rin ba 'to? Permanent na ba 'to?

Ang lupit naman ng tadhana sa'kin. Malas, malas, malas...kumakalam na talaga ang sikmura ko.

O sige na nga!

Maalala na nga lang ang lahat ng mga nangyari kahapon na siyang akala ko ay wala ng mas sasaklap pa sa pagpapalayas sa'kin. Baka sakaling malimutan ko 'tong gutom ko.

...

***

G U A R D I A N STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon