CHAPTER 21.1: ULAN

26 16 12
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View ]

"Teka, teka, teka, sandali lang! 'Wag ka munang bibigay!"

Anak ng..aligaga ako bigla! Bago pa siya tuloyang matumba, inalalayan ko na siya papunta sa gilid. May isang saradong tindahan do'n na nakalabas ang bangko kaya do'n ko muna siya pinaupo.

Lutang na lutang talaga siya dahil sa gutom, nakakaawa naman. Napatitig naman ako sa hawak ko'ng burger. Ibibigay ko na lang 'to sa kanya.

"Ito, kumain ka muna."

Pagkatapos no'ng unang kagat niya ay bumilis na ang pagkain niya. Kapag ipinagpatuloy niya 'yan, siguradong mabibilaokan siya. Ibinigay ko na lang rin ang softdrink ko sa kanya na ininom niya rin agad-agad.

Gutom na gutom talaga ang babaeng 'to...( ̄▽ ̄;)

"Ayos ka na ba? Yungain mo nang mabuti para hindi ka mabilaokan."

Naiintindihan niya kaya ako? Sa tingin ko kasi foreigner talaga siya.

Tumabi ako sa pag-upo sa kanya. Ayoko siyang iwan ng basta-basta na hindi nakakasigurado na okay na siya. Baka matumba na lang ulit siya bigla eh.

Pagkatapos yata ng mga tatlong minuto ay natapos na siyang kumain. Mas maayos na rin siya tignan kaysa sa kanina.

"Kamusta? Amh...are you fine now?"

Tinitigan niya ako ng diretso pagkatapos ko itanong 'yon. Ibang klase, ito talaga ang "poker face!" Ngayon lang ako nakaharap ng taong literal na walang kaemo-emosyon sa mukha niya! Medyo nakakailang.

"You're the...burger-guy."

Bigla na lang meron akong bagong alias? At saka pati boses niya walang emosyon.

Pero dahil sa sinabi niya, ibig sabihin naaalala niya ako galing kahapon. Pagkatapos sabihin 'yon ibinaling niya ang tingin niya sa wrapper ng burger at sa plastic na baso ng Burgerrific na parang may malalim na iniisip.

"This is the second time you've been so kind to me. Thank you so much."

"Ah, eh...ha?" Second time?

Teka, sandali...tinutukoy niya ba 'yong jeep kahapon? Kung ganun, kaya pala inunahan niya akong umakyat kasi akala niya pinara ko 'yon para sa kanya?

Ano ba 'yan. Hindi ko mapigilan mapakamot sa kanang tenga ko. Naging weird at nakakailang bigla ng sitwasyon na 'to, hay...

"Nakita na rin kita sa wakas!"

Sino 'yon?

Paglingon ko sa kanan namin may nakita akong babae na nakadilaw at sa unang tingin pa lang, alam ko na agad na Gatekeeper siya. Teka, sandali lang kilala ko siya!

"Ella?" hindi ako pwede magkamali! Siya 'yong kaibigan ng girlfriend ni Zain.

"Jacques...bakit kasama mo ang lumot na 'yan!?"

"L-Lumot?" ito ba'ng katabi ko ang tinutukoy niya?

Napaka-amazona ng datingan niya, sobrang layo mula sa unang beses ko siyang nakilala. Kailan pa siya naging Gatekeeper?

"Lumayo ka sa babaeng 'yan Jacques. Wala ka'ng kinalaman dito."

Napatayo ako sa gulat ng mapagtanto ko kung anong balak niyang gawin. Naghahanda siyang mag-gate open!

Teka, kung Gatekeeper si Ella at hinahabol niya ang babaeng katabi ko ngayon...ibig sabihin Gatekeeper din 'tong tinulungan ko?

Pero kakaiba...tinuruan ako ni So-ji na dumetect ng kapwa ko Gatekeepers pero sa babaeng katabi ko, wala akong naramdaman na kahit ano.

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now