CHAPTER 10: KATOTOHANAN

59 31 91
                                    

[ 3rd Person's - Point of View ]

Naging malamig ang paligid at kung ililibot ang tingin ay ang kaninang gubat na berdeng-berde ay nakalbo na ang kalahati.

Ang mga natitirang mga puno ay naging bahagyang kulay puti dahil sa patuloy na pag-ulan ng maliliit na pino ng yelo.

Si Jacques na nakikita ito ay bahagyang nakaramdam ng kaginhawaan sa ganda ng pag-ulan ng yelo ngunit lungkot din dahil nawasak nila ang halos buong gubat.

Mas iniisip pa niya iyon kaysa sa patuloy na panginginig ng mga braso niya. Ang mga braso niya ay hindi nanginginig dahil sa lamig kung hindi dahil sa sobrang sakit at kirot nito.

Tuloyan ng nangitim at namula ang buong braso ni Jacques. Hindi ito nakikita sapagkat natatakpan ng mahabang manggas ng berde niyang jacket ang kanyang mga braso ngunit kung wala ang jacket niya ay makikita na kaawa-awa ang kinahinatnan ng mga braso niya. Ito ang idinulot sa kanya ng pag-gamit ng kapanyarihan.

"HINDI!! HINDI PA AKO TAPOS!!"

Iyon ay ang galit na galit na sigaw ni Dante.

Napalingon agad si Jacques sa kanya. Kahit napakasakit ng kanyang mga braso ay inihanda ulit ni Jacques ang sarili.

Halatang hindi matanggap ni Dante ang nangyari. At mahuhulaan ng kahit sino na hindi siya titigil hanggang walang isa sa kanila ang babagsak.

Nagsimula na naman na mag-pakawala ng enerhiya si Dante pero naudlot ito dahil kay So-ji.

Hinablot niya si Dante sa braso at saka bigla na lang inipit ng malakas sa kanyang likod. Dahil doon ay nabitawan ni Dante ang kanyang tungkod na agad naman sinalo ni So-ji gamit ng kanyang paa. Sinipa ni So-ji paitaas ang tungkod ni Dante at sinalo ito sa kabila niyang kamay.

Nanlaki ang mga mata ni Jacques sa gulat at pagkamangha sa nakitang ginawa ni So-ji. Pero siya'y nagtaka at nalito rin. Lalo na ang mismong si Dante.

"You fucking traitor!! Ang sabi ko hindi ka makikialam sa laban namin at nangako ka rin! Putanginang-bulok na puno!!"

"Promises are made to be broken ikanga nila aking Gatekeeper."

Iyon ang simpleng sagot ni So-ji na sinamahaan niya ng isang payak na ngiti.

Si Dante naman na nanggigigil ay sinubokan magpumiglas pero wala itong nagawa. Kung ikukumpara sa pisikal na lakas, hindi niya mapapantayan si So-ji.

Si Jacques naman na nasa malayo ay parang nakahinga ng maluwag. Siya'y napaupo sa lupa. Hindi na niya kaya tumayo pa.

Ngayon na humupa na ang kanyang pagiging alerto ay naramdaman na ni Jacques ang matinding pagod at ang napakatinding pananakit ng katawan.

Mas masalimoot pa ang ginawa niyang pinsala sa sarili kaysa sa mga ginawa ni Dante sa kanya

"Jacques Gruel..."

Napagitla si Jacques sa gulat noong tawagin ni So-ji ang pangalan niya.

Agad siya napalingon kay So-ji noon. Nakangiti pa rin si So-ji at meroon siyang tinuturo. Sinundan ng tingin ni Jacques ang tinuturo ni So-ji at dinala siya ng kanyang paningin sa lupa sa kanyang harapan.

Nabigla muli si Jacques ng may biglang sumibol na bulaklak. Napakaganda ng itsora nito.

Ito'y pinaghalong kulay ng puti at kalimbahin.

Ang bulaklak ay mukha naman pangkaraniwan at normal.
Hanggang sa ang bulaklak nito ay tumalon at paglapag nito sa lupa ay meroon na itong maliliit na paa't-kamay. Isang salita lang ang pumasok sa utak ni Jacques noon:

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now