CHAPTER 9: ANG PAGTUTUOS

80 30 103
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View ]

"Halatang ngayon ka lang nakakita ng ganito. Fucking amature."

Tama siya. Ngayon lang talaga!

Sa lahat ng mga naranasan kong labanan, siya ang pinaka unang Gatekeeper na mas mataas pa yata ang level kaysa sa akin. Pero kailangan ko muna makumpirma.

"A-Ano bang level mo?"

Pinagtaasan niya ako ng kilay no'n at minasama rin ng tingin. "Hindi na 'yon-"

"Si Dante ay isang Level 9-Gatekeeper at ang nakikita mong itsora niya ay ang tinatawag na Gatekeeper form," singit bigla ni So-ji kay Dante ",tanging mga Gatekeepers na level 7 pataas ang nagsisimula na magkaroon ng ganitong anyo. Habang mas tumataas ang level ng isang Gatekeeper ay mas nakukuha niya ang lahat ng katangian ng Soul guardian niya pati physically!" buong pagmamalaking dugtong pa ni So-ji.

Level nine!?

Ang pinaka mataas na level na kaya abutin ng isang Gatekeeper ay hanggang S-rank o Level 10 tapos si Dante...isang akyat na lang, S-rank na!

"Maraming Gatekeepers din ang hindi man lang nakakaabot ng level 6 sa ikalimang taon nila pero iba ang aking Gatekeeper. Isa siyang natural." dugtong pa ulit ni So-ji.

"So-ji! Shut up! 'Wag ka na muna makialam!" Galit na galit na bulyaw ni Dante.

Kailangan ko umalis dito, kailangan ko tumakbo! Kukunin ko na ang pagkakataon na 'to habang wala sa'kin ang atensyon nila.

Isang Level-9 si Dante at isa lang akong napakamalas na Level-6! Ni katiting ay wala akong chansa na manalo sa kanya kung lalabanan ko siya ngayon!

"Tsk...simulan na nga lang natin ang Gateduel."

Anong sabi ni Dante?

"Battlefield choice: Forest Call. "

H-Ha!? A-Anong nangyayari? Pagkatapos 'yon sabihin ni Dante ay ipinukol niya ang dulo ng tungkod niya sa lupa at saka nagkaroon ng pagsabog ng berdeng liwanag.

Teka! Sandali lang! T-Totoo ba 'to? Ang buong paligid...nagbabago!

Ang lakas nang kabog ng dibdib ko dahil sa mga nangyayari na hindi ko maintindihan. Wala akong magawa kung hindi ilibot na lang ang tingin ko habang mabilis na nawawala ang dating itsora ng paligid at napapalitan ng iba!

Apat na sigundo lang yata ang binilang at ngayon...nasa gubat na kami!?

"Teka! Hindi ako handa sa ganito! Ni hindi ko nga alam kung anong nangyayari!" pagsubok kong pagpapaliwanag kay Dante pero mas naging masama lang ang tingin niya sa'kin. Itinutok niya rin sa'kin ang tungkod niya.

"Laban na!" galit niyang sigaw.

Malas, malas, malas! Ayaw niya makinig sa'kin!

Winasiwas niya ang hawak niyang tungkod no'n at ang sunod na lang na nangyari ay nakaramdam ako ng matinding panganib...

At tama ako!

Bigla na lang na, mula sa kung asan ay may napansin akong mga dahong mabilis na papunta sa'kin! Dahil naramdaman ko na, naiwasan ko ang lahat pero hindi ko mapigilan mabigla no'ng makita ko ang pagtama no'ng isa sa mga dahon sa isang sanga.

Naputol ng buo 'yong makapal na sanga! Pa'no na lang kung hindi ako nakaiwas?

Lumingon ako agad kay Dante at ramdam ko ang pangungunot ng buong mukha ko, parang ayokong maniwala sa napagtatanto ko ngayon. Balak niya yata akong patayin!

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now