CHAPTER 14: DATE

50 25 74
                                    

[ Amitage Frost - Point of View ]

Ngayon ay Sabado ng umaga. Nandito kami ni Jacques sa isang lugar na tinatawag na warehouse.

Ito'y matagal ng abandunado at dito ay kasama rin namin si So-ji at ang kanyang Gatekeeper na si Dante. Ito ay may koneksyon sa napagkasundoan namin noon na kasama namin sila magsasanay.

"Napakalaki ng improvements mo Tinakda! Mas nasasabayan mo ngayon ang mga atake ni Dante at nakaka-adapt ka na rin. Nagagawa mo na mag-counter agad. Bumibilis na ang utak mo sa pagdedesisyon ng mga epektibong atake, bravo~"

"S-Salamat! Ginawa ko lang naman ang mga sinabi mo So-ji..."

"Stop spoiling him. Pinapalaki mo lang ang ulo niya. Sino ba'ng Gatekeeper mo dito!?"

"Aking Gatekeeper, nagseselos ka na naman. Ang cute-cute mo~"

"Tangina, kilabotan ka nga sa mga sinasabi mo! Nababakla ka na ba!?"

Tila sila ay nagpapahinga muna mula sa kanilang pagsasanay. Ito ay magandang pagkakataon para makausap si Jacques.

Kinuha ko ang lalagyan ng inomin niyang tubig saka ako naglakad patungo sa kanya.

"Mabuti ang takbo ng iyong pagsasanay. Binabati kita Jacques."

Sinabi ko iyon kasabay ng pag-aabot ng kanyang inomin. Malugod niya naman ito tinanggap at kinuha.

"Thank you Ami. Ano ba 'yan! Pati ikaw sinasabing mabuti ang ginagawa ko. Baka magkatotoo ang sinabi ni Dante na lumaki ang ulo ko hahah."

Matapos sabihin ang mga iyon ay ininom na niya ang kanyang tubig. Papatapos na siya sa paglagok, ito na ang tamang panahon.

Kailangan ko...-

"Teka, sandali lang tumutunog ang cellphone ko. Kukunin ko muna..."

Ibinigay niya sa akin ang sisidlan na akin namang tinanggap. Matapos niyon ay nagmadali na puntahan ni Jacques ang kanyang bag para kunin ang kanyang telepono at sagotin ang tumatawag.

Pagkasagot na pagkasagot niya ay muli, mayroong nabuong matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

Napakasigla niyang nakikipag-usap na tila ba ang pagod na nakuha niya mula sa pagsasanay ay kasing-bilis ng hangin na naglaho.

Hindi ko na kinakailangan itanong kung sino ang tumawag. Batid ko na kaagad dahil sa kanyang reaksyon.

Iisang nilalang lamang ang may kakayahan na mag-ukit ng ganoong ngiti kay Jacques.

Ang pangalan niya ay Janel Gonzales.

Sa tuwing tumatawag sa kanya ang babaeng iyon ay naglalaho ako sa paningin ni Jacques.

Hindi iyon tama.

Ngunit wala akong magagawa. Isang linggo na ang nagdaan at patuloy pa rin ang kanilang kominikasyon.

Paminsan-minsan ay nagkikita sila na kasama ako ngunit kahit pa ako'y kasama nila ay 90 porsyento ng atensyon ni Jacques ay nasa kanya.

Hindi ko mahinuha kung anong nangyayari sa akin at lalo na sa amin ni Jacques. Sa loob ng isang linggo ay napansin ko na hindi ko na makausap si Jacques sapagkat parati na lamang silang nagtatawagan. At kung makakapag-usap man kami ay ang babaeng iyon lamang ang karaniwang bukang-bibig niya.

Hindi ko masabi-sabi ang mga nais ko tulad ng mga hindi pangkaraniwan na napapansin ko sa babaeng iyon.

Ang huling beses na nakapag-usap kami ng masinsinan ni Jacques ay noong hiniling niya na makita ang aking mga mata...

G U A R D I A N STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon