CHAPTER 27.1: FIRST

34 16 13
                                    

***

"Tumigil ka na Dinere..." seryoso at kalmado ang boses ni Santi noon. Walang pagbabanta na mararamdaman. Bagkus mistulang ito'y nagmamakaawa.

"At kung hindi? Anong gagawin mo?"

Sa paghaharap nilang dalawa ay mas bumigat ang tensyon ng lahat sa buong silid dahil ang Lost guardian na si Santi Solemn na siyang pumigil sa pagwawala ng tinakda at ang Lost guardian na si Astrolo Dinere na maraming pang misteryong tinatago ay magkaharap.

Habang seryoso ang mga mata ni Santi ay kapansin-pansin ang pagbabago ng kulay nito sa pagiging ginto..."Tama ka Dinere na ang dating mga pinuno ng First ay nalason na nang kasakiman...pero iba si Erika."

Dahan-dahan ay humakbang si Santi palapit kay Dinere hanggang sa gahibla na lamang ang pagitan ng kanyang dibdib sa dulo ng spada ni Dinere.

"Pakinggan mo muna siya bago mo siya husgahan. Alalahanin mong minsan noon ay nalagay ka rin sa isang sitwasyon na pinagdududahan ka nang lahat at walang gustong magtiwala sayo. Pero may isang nilalang ang binigyan ka ng pagkakataon at pinakinggan ka. Pinaniwalaan ka at pinagkalooban ng kanyang tiwala."

Katahimikan.

Iyon ang bumalot sa buong silid pagkatapos iyon sabihin ni Santi. Sa mga sigundong iyon ay mahigpit ang pagkakahawak ni Amitage sa braso ni Jacques kaya hindi napigilan ni Jacques na mapalingon ng kaonti sa kanyang Lost guardian.

Kahit seryoso ang mukha ni Amitage ay nakita pa rin niya sa kanyang Lost guardian ang matinding pangamba na baka bigla na nga lang siyang kunin ni Dinere.

Dalawang sigundo pa ang lumipas noon ng sa wakas ay ipinaglaho na ni Dinere ang kanyang spada. Doon lamang tila gumaan ang pakiramdam ng lahat.










Dahil sa pagkasira ng silid ay kinailangan nila lumipat sa ibang kwarto para magpulong. Ang itsora ng bagong silid ay hindi gaanong nalalayo sa itsora nang nauna maliban na lang sa merong malaking chimeneya sa gilid.

Ang lahat ay nakaupo na sa mga sofa. Magkakatabi ang mga Gatekeepers sa kanilang mga Lost guardians.

Nagkatitigan sandali si Erika at Santi noon. Sa tatlong sigundong pagtititigan nila ay sapat na iyon para maiparating ni Santi gamit ng kanyang mababaw na ngiti ang suporta sa kanyang Gatekeeper.

Huminga muna si Erika bago nagsimula. "I'll come clean. Its true that the past leaders of First has been corrupted. Before me, my great-grandfather and also the 6th Gatekeeper of Santi was the last who really followed the original vision and mission of our organization."

Pagkatapos sabihin iyon ay tila ba meroon siyang sandaling naalala na nagpatigil sa kanya ng dalawang sigundo sa pagsasalita.

"After my great-grand father died, First also died with him. Without any children to take after him, Santi's key was passed down to his younger brother but since that, Santi's key didn't responded to anyone until to me. So now I am the 7th after my great-grandfather.

The original vision of First is to coexist peacefully while joining hands with Soul guardians to accomplish the mission which is to find the Chosen One and assist and support him with all his future battles with the true enemy! ; My great-grandfather had so much passion and empathy with the Soul guardians, he literally dedicated all his life on finding you."

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now