CHAPTER 6.1: NURSING YOU

44 26 82
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View ]

Tumigil din ang pagdurugo ng ilong ko. Si Sir Edward na rin mismo ang nagsabi sa'kin na umabsent na lang muna ng ilang araw.

Napakabait talaga ni sir, siya na rin daw ang bahala sa lahat. Nakakahiya pero kailangan ko muna umasa sa kanya. Babawe ako kay Sir Edward kapag gumaling na ako.

Hay, ba't ba 'to nangyari sa'kin? Kung kailan kailangan ko sana maging malakas. Ang tagal na mula no'ng huli akong nagkasakit, kailan nga ba 'yong huli? Teka, sandali lang...parang ito pa yata ang unang beses na nangyari 'to sa'kin ha. Teka, teka. Ang imposible naman yata no'n, baka hindi ko lang talaga maalala.

"Hindi ko maintindihan." naputol ang pag-iisip ko nang bigla nagsalita si Ami.

Nakaupo siya ngayon sa isang silya na nasa tabi ng kama ko. Pintang-pinta pa rin sa mukha niya ang pag-aalala pero ngayon parang mas naging mabigat.

"Ang ano Ami?" medyo curious kong pagtatanong.

"Ang koneksyon ng isang Soul guardian sa kanyang Gatekeeper, Jacques," panimula niya. "..,sa tuwing nasasaktan ang isang Gatekeeper ay naaapektuhan din ang kanyang Soul guardian subalit mas matindi ang epekto sa Soul guardian. Sakop din iyon ang pagkakaroon ng karamdaman ng isang Gatekeeper."

"Sa mga ganoong pagkakataon ay napapasa sa kanyang Soul guardian ang kanyang pisikal na paghihirap. Kaya naman habang ang isang tao ay isang Gatekeeper ay hindi siya dinadapuan ng kahit anong klaseng karamdaman." pagpapatuloy ni Ami habang nakatitig na sa'kin.

Hinalukipkip niya muna ang mga braso niya no'n bago magsalita ulit. "May mga pagkakataon din na ang isang tao na may matagal ng karamdaman ay kapag naging isang Gatekeeper ay nabubura iyon sa kadahilanang mas lumalakas ang pisikal na katawan nila."

Naaalala kong nasabi na sa'kin ni Ami ang mga 'yan dati. At hanggang ngayon ang unfair pa rin pakinggan no'ng parteng "kapag nasaktan ang Gatekeeper ay damay ang Soul guardian."

"Kung ganun nagpapasalamat ako."

Pagkasabi ko no'n ay tinitigan niya ako habang kunot ang noo. Tahimik lang siya na parang binibigyan ako ng chansa para magpaliwanag. Sana pala madalas akong magkasakit para mas maging pasensyosa siya sa'kin.

"Hahaha, ang cute ng mukha mo kapag kunot ang noo mo Ami."

Biglang naging malamig at masama ang tingin niya sa'kin dahil sa comment ko at dahil do'n, hindi ko napigilang matawa. Pikon talaga.

"Gusto ko lang ngumiti ka. Simula ng nagkaganito ako, nakasimangot ka na lang. Gusto mo makita? Ganito itsora mo oh!"

Ayy...hindi ko pa rin siya napangiti. Kahit medyo ginawa ko nang OA ang panggagaya ko kunwari sa mukha niya.

"Jacques! Ako'y seryosong nagsasalaysay rito!"

Sabi ko na eh. Sumabog na, hahah pero ang cute-cute pa rin niya.

"Isa ka bang hangal? Ako'y lubos na nag-aalala para sa iyo at iyo pang ipinagpapasalamat ang iyong pagkakasakit?!" dugtong niya na halata ang galit sa boses niya. Hala, totoong masama na ang loob ni Ami.

"Sorry, kalma na Ami." sinubukan ko siyang hawakan no'n pero tinabig niya lang ang kamay ko.

"Hindi! Ako'y biguan bilang iyong tagapangala Jacques, ito'y kasalanan ko sapagkat hindi ko ito nakita noong simula pa lamang."

G U A R D I A N SOn viuen les histories. Descobreix ara