CHAPTER 19.1: ANG NAKARAAN

44 19 22
                                    

Napakaraming taon na ang lumipas.

Mahigit labing-apat na taon na magmula noong dinala ni Duwe Santi Solemn ang batang Irea na si "Amhitahe Froska" sa kanyang tahanan, ang Templo Lunak.

Ang batang si Amhitahe ay ang nag-iisang anak ng noo'y ikatlong Heneral ng Kaharian ng Irenia na si "Heneral Agnil Froska."

Isinama ang pangalan ng paslit sa mga nasawi sa una at huling paglusob ng hukbo ng Snezziall. Ayon sa kasaysayan ay hindi na siya nabubuhay.

Ngunit iyon lamang ang ipinalabas ng Duwe Santi. Ang totoo ay kinupkop na niya ng tuloyan ang batang Irea at pinalaki ito na parang kanyang sariling anak.

Ngayon...

Labing-apat na taon na nga ang nakakalipas. Ang batang babae ay isa ng ganap na dilag. Dala-dala niya pa rin ang pangalan ng kanyang namayapang ama subalit siya'y tinatawag na sa ibang ngalan.






***

Sa paanan ng bundok ng mga Loffsfil ay may matatagpuang gubat.

Ang gubat Lloversoft.

Ang gubat na ito ay puno ng matatangkad na puno na umaabot ng hanggang 30 at 50 talampakan ang taas. Ito ay isang mapayapang gubat kung asan naninirahan ang pamayanan ng mga Uma.

Subalit ngayong araw, ang payapang umaga ng mga Uma ay mabubulabog. Isang mabangis at nagwawalang Gazette ang bigla-bigla na lamang nagwala!

Ang Gazette ay isang hayop na meroong dalawang malalaking sungay sa ulo para pangsuwag. Ang balahibo nito ay kulay berde at tunay itong napakalaki! Idagdag pa ang pambihirang lakas na taglay nito.

Ang mga Gazette ay mga hayop na pinapastol ng mga Uma. Ang dumi nito ay nagsisilbing pataba sa lupa at nagbibigay din ito ng sariwang gatas sa gabi. Likas na kalmado ang mga Gazette ngunit ngayong umaga, hindi makikita sa Gazette na ito ang salitang "kalmado."

"Aaaaah!! Tulong!!"

Isang batang Uma ang hindi makaalis sa punong inakyat niya para hindi masuwag ng Gazette. Ngayon ang puno ang paulit-ulit nitong binabangga na nagsasanhi para maalog ang puno.

"Anong gagawin natin? Mapapahamak ang batang iyon!"

"Kailangan natin ang Dakilang Duwe!!"

"Hindi. Wala ngayon ang Duwe Santi sa templo dahil nasa Palasyo Dedan siya!"

"Aaah!! Anong gagawin natin!!? Napakalakas ng Gazette na iyon, hindi natin siya mahuli at mapigilan!"

Habang punong-puno ng pangamba at takot ang mga Uma ay isang malaking anino ang bahagyang tumakip sa kalupaan nila. Noong tumingala sila ay nakita nila ang isang Djor!

Ito'y isang dambuhalang ibon na sinasabing nagmamay-ari ng pinaka matalas at malinaw na mata sa lahat ng hayop sa Salum. Ang balahibo nito ay kombinasyon ng mga kulay na puti at ginto habang may iba rin na kombinasyon ng puti at pilak.

Nakilala ng mga Uma ang Djor na nasa himpapawid. Ito ang pinaka malaki at nagtataglay ng pinaka makinam na balahibo sa lahat ng Djor sapagkat ito ang Djor ng Dakilang Duwe Santi!

Nagsaya ang mga Uma dahil sila'y masasaklolohan na rin. Habang sila'y nakatingala at masayang-masaya ay napansin nila na ibang Luwhe ang tumalon pababa rito, hindi ang Duwe Santi!

Inabot sila ng tatlong sigundo bago mapagtanto na ang noo'y nakasakay sa Djor ay ang "binibini" pala! Ang kanyang mukha ay natatakpan man ng isang maskara ay nakakatiyak sila, mula sa mahaba't mala-nyebe nitong buhok na sumasayaw sa hangin na ito nga ang binibini.

G U A R D I A N STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon