CHAPTER 31: MGA DAMDAMIN PART 2

27 12 13
                                    

Gusto kong i-dededicate ang chapter itong kay macyleeson18

Matagal na po kitang napapansin at maraming salamat po sa suportang ibinibigay niyo sa GUARDIANS. Happy reading~



[ Jacques Gruel - Point of View ]

"Ami!" masiglang pagtawag ko sa kanya pagkapasok ko ng pinto ng bahay.

Maaga akong pinauwi ni Dinere ngayon kasi kailangan ko raw munang magpahinga pagkatapos ko maglevel-up.

Hindi pa rin masyadong nagsisink-in sa'kin pero mula Level-6 ay Level-8 na talaga ako agad! Excited na akong sabihin 'to kay Ami pero..asan ba siya?

"Ami?!" Nasa'n ba siya?

Pumunta na ako sa kwarto niya, tinignan ko na rin sa kusina at sa mini library pero wala. Teka, sandali nga lang...

"Hale!" Kakaiba 'to. Normal na lumalapit agad sa'kin si Hale pagkatapos lang ng isang tawag.

May isang lugar pa rito sa bahay ang hindi ko nachecheck. Ang garden. Baka magkasama lang sila ni Ami ro'n at nagtratraining.

Bago ako pumunta sa garden ay sumaglit muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos no'n, naglakad na ako papunta sa glass door papalabas ng garden at binuksan 'to na inaasahang makikita sila pero iba ang sumalubong sa'kin.

Kasabay ng pagtatama ng mga tingin namin ay ramdam ko ang kusang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang agad na pagiging kamao ng mga kamay ko.

"Sabrina...?" pagtawag ko sa kanya.

Nasa harap ko siya ngayon at hindi ko mapigilan ang namumuong galit sa sistema ko habang naaalala ulit ang lahat ng mga nangyari. Anong ginagawa niya rito!?

"Hindi. Iba." Tulad no'ng hapong 'yon ay 'yon din ang isinagot niya sa'kin na may kasamang ngisi.

Pagkatapos no'n biglang bumagsak ang malakas na ulan. Inilahad niya ang nakabukas niyang palad sa ulan at isang sigundo lang ang kinailangan niya para bumuo ng isang kutsilyo mula ro'n.

"Jacques!"

Napalingon ako agad sa pagtawag ni Amitage sa'kin. Nakatayo siya sa kaliwa ko na tansya kong sampung metro ang distansya mula sa'kin at tulad ko ay nababasa na rin siya ng ulan.

Pero dahil din sa pagtawag niya sa'kin ay napunta sa kanya ang atensyon ni Sabrina.

Hindi.

Tumakbo ako agad papunta sa kanya sa eksaktong sigundong itinapon ni Sabrina ang kutsilyo niya sa direksyon ni Amitage. Hindi na ako papayag mangyari 'to!

Hindi na ulit!

"Amitage!"

H-Ha? Teka, sandali lang nasa kwarto ako? At nakaupo ako sa kama? Naihilamos ko na lang ang kaliwang palad ko sa mukha ko.  Panaginip lang pala.

Nang kumalma na ako nang konti ay saka ko lang din narealize na naliligo na pala ako sa malamig na pawis. Hay, malas. Ngayon kailangan kong magpalit.

Aktong tatayo na sana ako mula sa kama ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nakita ko si Amitage. Kahit madilim, halatang-halata ko pa rin ang matinding pag-aalala sa asul niyang mga mata habang naglalakad siya palapit sa'kin.

Nakasuot siya ng puting night gown na isang off-shoulder na may puffy long sleeves, kung tawagin pa nila. Hanggang sakong naman ng paa niya ang haba nito. Nakabuhayhay lang ang mahaba niyang buhok habang may iilang hibla ang nakatakas mula sa pagkakahipos sa tenga niya.

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now