CHAPTER 15: BACK-UP

52 22 59
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View ]

Isang madilim at mapanganib na enerhiya ang nararamdaman ko ngayon.

Parehong-pareho sa palagi ko'ng nararamdaman na sumusunod sa'kin dati! At galing 'yon kay Janel.

Habang nakatitig ako sa kanya ngayon...parang hindi ko siya makilala. Parang hindi siya si Janel!

Sa mga puntong 'to, kahit nagugulohan ako ay isang salita lang ang isinisigaw ng sistema ko.

Takbo.

Dahan-dahan akong umatras kay Janel pero nagpasabog siya ulit ng napakalas na enerhiya!

Para 'tong isang malakas na pwersa na agad akong pinaluhod sa mga tuhod ko. Ang mga kamay ko na lang ngayon ang suporta ko para hindi ako tuloyang mapadapa!

Anong klaseng pwersa 'to!? Kahit pinipilit ko tumayo, mas itinutulak ako ng pwersang 'to pabagsak!

N-Nahihirapan na ako huminga...

"Ayy!! Pasensya na! Masyado akong naexcite kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nabigla ka ba?"

Nang tinigil na ni Janel ang pagpapasabog ng enerhiya niya ay saka lang din ako nakahinga ulit ng maayos. Halos nagamit ko rin ang buong lakas ko kanina!

Hindi ako nagbibiro...tagaktak talaga ang pawis ko! Para akong nakipagbuno sa pwersa ng enerhiya niya na pilit akong pinapadapa!

Tinitigan ko ulit si Janel at kakaiba ang ngisi niya. Na sinamahan pa ng napakatalas niyang tingin.

Parang ayoko pa rin maniwala!

"Janel...isa ka'ng Gatekeeper?"

"Hahaha Jacques! Obvious naman diba?"

Hindi. Hindi talaga 'to pwede! Ibig sabihin ba nito ay kaya lang siya lumalapit sa'kin ay dahil alam niyang ako ang tinakda??

Teka, sandali lang, pati din ba 'yong dati na naholdap siya ay alam na niyang ako ang tinakda?

Sinadya niya ba 'yon?

Plinano ba niya 'yon?!

Hindi! Ayoko na mag-isip. Kailangan ko siyang tanongin ng diretso.

"Janel, ikaw din ba ang Gatekeeper na matagal ng nagmamatyag sa'kin?"

Please. Please sabihin mo'ng hindi ikaw 'yon Janel. Dahil kung "oo" ang isasagot mo...

"Oo. Ako rin 'yon."

..!!..

Hindi pwede.

"Isa siyang napakabiolenteng tao na hobby ang durogin ang mga nakakalaban niya."

- Dante Laurrel

Dahil sagot ni Janel ay ang linyang 'yon ni Dante ang parang gasgas na CD ang paulit-ulit na nagrereplay sa isip ko.

Gusto ko'ng ipilit na "hindi pwede" pero hindi na ako pwede maging denial. Sinagot niya ako ng diretso at seryoso. Nagsasabi siya ng totoo.

Ang sabi ni Dante sa'kin dati na malaki ang posibilidad na ang nagpadala ng Anino para matyagan ako ay si Nightmare. Ibig sabihin...

Si Janel ay si "Nightmare." Na isang S-rank Gatekeeper!

Pero higit sa lahat...ay tulad namin ni Dante, ang susing hawak niya ay sa isang Lost guardian.

Amitage...I'm sorry.

G U A R D I A N STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon