SPECIAL CHAPTER: INTERACT WITH BB. ENERO

49 19 25
                                    

DATE WRITTEN: August 21, 2021
DATE UPDATED: JANUARY 04, 2022

Kamusta? Huhulaan ko na ang iniisip mo:

Ano na naman 'to Bb. Enero?

Nasaan na ang Chapter 41?

Yup...I know, I know..(╥﹏╥)...noong binigyan ko nang deadline ang sarili ko na September 05, 2021 ay akala ko matatapos ko ang lahat pero sa pagbabalik tanaw ko sa mga chapters ng GUARDIANS ay nadiskubrehan kong ang dami-dami ko pa lang kailangan ayusin.

Binigyan ko ang sarili ko ng deadline na hanggang NOVEMBER 2021 pero hindi ko nameet kaya ang resulta, inusog ko ng DECEMBER 2021 pero...

A-A..ha..ha..ha..ha..ヘ( ̄▽ ̄;)...

Sabihin na lang natin na hindi ko namalayang 2022 na pala. Goumenasai minna-san.

Noong matapos ko ang pagsusulat ng GUARDIANS sa Chapter 60 wayback 2020 ay inasahan kong (nang super skl) na magiging smooth sailing na lang ang paglilipat ko nito sa Wattpad pero no'ng nasa Chapter 41 na ako ay napagdesisyon kong magstop sa pag-uupdate at simulan ang pagrerevise kahit konting tambling na lang sana ay tapos na 'to.

At masaya ako...well ngayon, masaya na ako na ginawa ko 'yon.

Ang pagsusulat sa panganay kong ito rito sa Wattpad ay binuksan ulit ang spark ko sa pagtanggap at pag-absorb ng mga new knowledge at pati na rin experiences bilang amature writer. Marami akong nakilalang mga co-authors na nagbigay sa akin ng iba't-ibang critisism na nakatulong sa akin para mapaunlad ang GUARDIANS at ang writing style ko in general.

No'ng una ay I felt the need to revise dahil I literally felt...a failure. Lalo ng madiskubrehan ko ang mga pagkukulang ko kahit akala ko naibigay ko na ang best ko. Medyo naging desperate ako sandali, na minadali kong i-revise ang ibang chapters to only find out na may kulang pa rin, may palya pa rin, may mali pa rin.

Sa totoo lang medyo perfectionist ako kaya nang sinimulan ko ang pagrerevise ay parang ayaw ko ng tumigil kasi palagi akong may nakikitang mali at kulang. Lalo na sa technicalities sa tagalog (na hindi ko mother tongue) ay talagang nakakatrigger ng pagiging grammar nazi ko sa sarili ko.

Naranasan ko ulit na mapagod hindi dahil sa naubusan na ako ng ideas pero dahil sa...I felt so mediocre and I feared that what I saw as a thumbs-up is actually such a thumbs-down for others because of the technicalities or because the chapters are too long and I don't know if ang minamahal kong GUARDIANS ay minamahal na rin ng iba.

Pero kalaunan, pagkatapos ng pagmumuni-muni ay ikanga ng isa sa mga paborito kong painters na si Vincent Van Gogh: what is done in love is done well pero I put my heart and soul to my work and have lost myself on the process.

Kaya ayun medyo bumagal ang pag-uupdate ko ng revised versions and took my time. Also reminded myself, to be not to be..to hard on myself. I don't have to pressure myself to finish up because the reason why I write is because I love writing and writing is art. Hindi 'yon minamadali.

Sa ngayon ay kasalukuyang republished na ang Prologue, Chapter 1 to Chapter 28.

Yup. May prologue na ang GUARDIANS hahaha. No'ng renivise ko kasi ang Chapter 1 ay nalaman kong ilang kuwit na lang ay 5001 words na siya kaya ginawa kong prologue 'yong ibang eksena as I was deleting few unnecessary scenes along the way.

Ngayon ay kasalukuyan kong renirevise ang Chapter 31 down at hoping na sana magkaroon ng maraming readers.

So help me God.

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now