CHAPTER 7: POPSTAR ON THE HOUSE!!

73 33 116
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View ]

Hindi ako makapaniwala. Pambihira.

"Dante!!" masiglang pagtawag ni Zain kay Dante Laurrell.

Tapos na ang performance niya at ngayon, nandito ako kasama si Zain at ang dalawa niya pang kaibigan sa backstage para malapitan siya.

Ang dami kong namiss sa tatlong araw na absent ako at isa na ro'n ang ito palang si Zain ay kaibigan na ngayon si Dante!

"Hey Zain!" masiglang ganti rin ni Dante nang makita kami. Nagmadali siyang maglakad agad palapit sa'min no'n.

Talagang hindi muna siya nagpalit ng simpleng damit para lang puntahan kami at suot niya pa rin ang pinauso niyang damitan na dark green suit na may kaek-ekan na mga straps. May maliit na kapa pa na nakasabit lang sa kanang balikat niya at may konting arte pa ng mga gintong sinulid.

Hay, nakakaasar man aminin pero mistiso nga siya at napakakinis sa personal. Malayong-malayo sa moreno kong kutis. Kulay brown naman ang buhok niya at...err...oo na! Mas matipuno rin siya kaysa sa'kin.

"Thank you nandito kayo Zain. I'm happy." bungad agad ni Dante na may ngiti nang nasa harapan na namin siya.

"Hindi, 'thank you' kasi ininvite mo kami." excited na excited tayo Zain? ( TДT)

"So kamusta ang performance ko? Honestly, medyo namamalat ako ngayon."

Contest ba 'to? Paunahan pa sila Zain na kontrahin ang sinabi ni Dante sa sarili niya. Pagkatapos talaga nito, marami akong itatanong sa mokong na 'to.

"Hi, ikaw siguro ang isa pang kaibigan ni Zain."

"H-Ha?" Ako ba ang tinutukoy niya?

"Oo, siya nga Dante. Ang the man: si Jacques!~" makwelang pagpapakilala sa'kin ni Zain.

Zain!? Spokesperson ba kita?!

"Aah..," humarap na ulit si Dante sa'kin ",..mabuti naman magaling ka na."

Ha? Ba't parang ang lahat na lang ay alam na galing ako sa sakit? At bakit din sasabihin ni Zain ang tungkol sa pagkakasakit ko kay Dante?

"Salamat." sagot ko habang ginagawa ang buong makakaya ko na hindi magtunog awkward.

"Jacques maghahang-out kami kasama si Dante ngayon! Sama ka! Mamayang 1:00PM pa naman din ang susunod mong klase diba?" biglang singit ni Zain sa'min ni Dante. Kailan ba kayo naging close Zain!?

Ang lupit ng tadhana sa'kin, ayoko sumama sa kanila. Parang gusto ko na lang bumalik ang sakit ko para makaalis sa sitwasyong 'to.

Malas!

[ End of Point of View - ]




[ Amitage Frost - Point of View ]

Hindi mapalagay ang aking puso kaya pansamantala akong nagpaalam kay Ginoong Edward na maglilibot muna sa unibersidad.

Tulad ng aking inaasahan ay hindi naging madali ang pagkumbinsi kay Ginoong Edward subalit kalaunan ay napapayag ko rin siya. Ang katawang-tao kong ito ay tunay na nagbibigay perwisyo sa akin.

Hay...hindi ako karapatdapat na minamaliit ng ganito. Ako'y may sapat na kakayahan upang pangalagaan ang aking sarili ngunit sa aking sitwasyon ngayon ay ang nakikita lamang ng lahat ay isang mahinang batang babae na kinakailangan ng paggabay at pagpapatnubay.

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now