CHAPTER 5: PAGTATAGPO

96 42 152
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View ]

Gabi na at nasa sala kami ni Ami ngayon. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa nangyari kanina sa Coffee Break.

Hindi talaga ako makapaniwala.

Si Dante Laurell, isang popstar na sobrang sikat at sobrang laking celebrity ay isa palang Gatekeeper! At hindi lang ordinaryong Gatekeeper!..

"Ami, pwede mo bang ipaliwanag sa'kin ulit?..."

"Jacques, ikatlong beses ko na itong ipinapaliwanag sa iyo. At sa bilang ko, ito na ang magiging ika-apat. "

Hahah, nagsisimula na siyang maasar sa'kin pero ang cute niya pa rin..

"Promise, last na 'to."

Nagkatitigan kami ng tatlong sigundo. 'Yong expression sa mukha niya ay 'yong tipong mababasa mo nang malinaw ang "ano pa nga ba?" Hahaha, ang cute-cute talaga.

"O sige, pumapayag na ako ngunit  ito na ang magiging panghuli..."

Tumango ako agad at saka inayos ang pagkakaupo ko sa sahig, sa brown na carpet. Magkaharap kami ni Ami habang napapagitnaan kami ng parihabang sala table. Nakaupo siya sa sofa at hindi abot ng mga paa niya ang sahig.

Ang cute—teka, sandali lang..nakapaa na naman siya. May galit ba siya sa tsinelas?

"Ang lalaki na ating nakita sa tinatawag na TV ay isang Gatekeeper  at hindi ako maaaring magkamali roon. Higit sa lahat, isang Lost guardian  ang kanyang pinangangalagaan. Ang Lost guardian na hawak niya ay lubusan ko ring kilala. Siya ang kasalukuyang ika-apat sa amin. Ang pangalan niya ay So-ji Aristole at sa inyong salita, ang katawagan sa kanyang tarangkahan ay Lost Gate of the Divine Garden. "

Iyan 'yong parte na hindi ako makapaniwala. Isang "Lost guardian" din daw ang hawak ni Dante...

Isa pa kailan pa naging Gatekepeer si Dante? Gusto ko siya makilala pero isa siyang celebrity kaya medyo imposible 'yon.

Hay, kung kailan sana meron na akong kaparehas. Ang lupit ng tadhana. Siguro kung makakausap ko lang siya ay pwede ako manghingi ng tips para mas maging mabilis ang pag-akyat ng level ko. Makakatulong 'yon ng sobra sa'min ni Ami.

Tinitigan ko si Ami. Parang ang lalim nang iniisip niya at nakatitig lang siya sa hangin. "Ami..." lumingon siya agad sa'kin "pwedeng isa pa?"

Hahah, kumunot agad ang noo niya at nawala na ang seryosong mukha niya. "Jacques!?"

"Ahahaha, biro lang." Ang sarap niya talaga pikonin.

Tinitigan lang ako ni Ami no'n bago mapabuntong hininga at bumalik ulit sa malalim na pag-iisip.

"Bakit?" hindi ko na napigilan na pagtatanong.

"Ako'y nangangamba. Si So-ji ay tulad kong Lost guardian na malakas ang pananalig at paniniwala sa propesiya ng itinakda subalit kayong mga Gatekeeper pa rin ang parating nasusunod at nangingibabaw sa amin. Ang kahit anong minimithi ninyo ay kahit pa'y labag sa aming mga paniniwala ay magiging mithiin din namin..."

"Anong ibig mong sabihin?"

Mas naging seryoso si Ami no'n at naging tahimik ng dalawang sigundo bago nagsalita ulit.

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now