CHAPTER 28: NEW ADJUSTMENTS

29 16 15
                                    

Kamusta?

Kamusta ang pagbabasa?

Maraming salamat sa pagbabasa sa GUARDIANS. Dito na magsisimula ang panibagong ARC ヾ(≧▽≦*)o

Welcome sa LEVEL-UP arc. Konting spoil? Nasa pangalan nang arc.

Happy reading~





[ Jacques Gruel - Point of View ]

Akala ko hindi na matatapos ang meeting kagabi dahil sa taas ng tensyon.

Sa totoo lang, hindi ko talaga magagawang tumayo sa harapan ng lahat kung wala si Ami ro'n kaya natutuwa akong pagkatapos kong sabihin ang lahat ng gusto ko ay kahit papaano nagkasundo na rin sa wakas ang lahat.

Pagkatapos no'n ay nagawa na rin ni Erika na mas makapagpaliwanag. Ibinahagi niya ang tungkol sa mga koneksyon na meron ang First.

Nalaman naming sa loob ng tatlong taon ay pinagsumikapan ni Erika makipag-negosasyon at makipag-alyansa sa iba pang mga malalaking organisasyon ng mga Gatekeepers sa iba't-ibang panig ng mundo para sa paghahanda sa pagdating ng itinakda. O sa mas prangkang usapan: pagdating ko.

Hindi ko lubos masukat isipin ang tatlong taon na 'yon para sa kanya. Kung anong mga pinagdaanan niya habang sa murang edad ay siya na ang pinuno ng isang malaki ring grupo. Napakahirap siguro no'n..

Sa kakaisip ko tungkol sa lahat ng mga nangyari at mga nalaman ko ay hindi ako nakatulog. Makakaiglip lang yata ako ng ilang minuto pero nagigising ako agad dahil sa isa pang nabanggit ni Erika at Santi kagabi...

Sa iba't-ibang sulok ng mundo, talamak ang tinatawag na Blackduels na inilarawan pa ni Dinere na: isang ilegal na sabong ng mga Soul guardians at tao.

Walang mga patakaran ang isang Blackduel maliban sa para manalo ay kailangan mong mapasuko ang kalaban o tapusin 'to. Saka ko mas naintindihan ang panunumbat at tindi nang galit ni Dinere pagkatapos ko 'yon malaman.

Dahil sa kasunduan na nagtatali sa mga Soul guardians sa mga Gatekeepers nila ay palaging walang ibang pagpipilian ang isang Soul guardian kun'di isugal ang buhay niya sa isang Blackduel kung iuutos 'to ng Gatekeeper niya. Mas pinapalala pa ng maiinit na pustahan sa mga laban ang sitwasyon.

Mas narealize ko ring hindi lang ang mga Soul guardians ang magiging problema ko kung ang pag-uusapan lang ay ang pagkumbinsi sa kanila na ako ang tinakda at gusto ko silang tulungan. Pati rin ang mga Gatekeepers nila ay kailangan ko rin harapin at kumbinsihin...

Ibig sabihin no'n ay hindi na lang 'to magiging pisikal na labanan. Masasali na rin ang pakikipagharap sa iba't-ibang prinsipyo, paniniwala at paninindigan ng iba't-ibang indibidwal o grupo.

Napapabuntong-hininga na lang ako at napapahilamos ng mukha ko gamit ng mga palad ko. Pakiramdam ko para akong tatakbo ng pagkapresidente.

Pabigat nang pabigat ang mga bagay-bagay at mas nagiging seryoso.

Tama talaga si Ami sa sinabi niya dati: Isa itong digmaan. Kailangan ko maging kakampi ang lahat bago harapin ang totoong kalaban na si Liberto...

Hm? May kumakatok?

Napatingin naman ako sa orasan na nasa pader..—TEKA! 7:10AM na pala?!

Sobrang kakapal kasi ng mga kurtina sa kwartong 'to kaya hindi nakakatagos ang liwanag. Ang buong akala ko alas'cinco pa lang.

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga. Inuna ko munang buksan ang mga kurtina. Ack!..nakakasilaw! Dapat pumikit muna pala ako bago ko binuksan, hay.

Pagkatapos ko buksan ang mga kurtina ay dumiretso na ako sa pinto para pagbuksan ang kumakatok. Si Ami ba 'to?

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now