CHAPTER 22: REGISTRATIONS

26 17 21
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View ]

Makulimlim pa rin ngayong Miyerkules. Sana hindi umulan mamaya...

Para sa araw na 'to ay half-day lang ang klase ko. Physical Education lang sa umaga na 7:30AM hanggang 9:30AM na kakatapos lang. Ang totoo magkaklase kami ni Dante kaya saktong-sakto talaga ang araw na 'to para makapagparegister kami sa Battlers.

Magkatabi kaming naglalakad palabas ng Agostino at dito na kami dumaan sa South exit kung asan walang gaanong dumadaan na mga estudyante kapag ganitong oras ng umaga.

"Aren't you even going to change? Magpaparegister kang ganyan?"

Magmula ng sinabi niyang "lets go" ay 'yan pa lang ang ikalawang beses na nakipag-usap siya sa'kin. Napansin kong kanina pa siya aburidong-aburido. Tinignan ko naman ang sarili ko dahil sa bigla niyang sinabi...

"Nagpalit naman ako ng t-shirt ha..." tapos para sa pang-ibaba ay suot ko pa rin ang P.E. jogging pants namin.

"Tss! Hindi ako makapaniwala tapos ang green jacket na 'yan. The-undying-green-jacket of yours, wala ka bang ibang jacket? Nilalabhan mo man lang ba 'to?" tinanong niya 'yon habang hinahawakan ang hood ng jacket ko gamit lang ng mga daliri niya na parang nandidiri.

"Siyempre naman 'no!.." sinabi ko 'yon kasabay ng pagtanggal ko ng pagkakahawak niya sa hood ko "puna ka nang puna sa suot ko pero ikaw 'tong mukhang whistleblower sa ating dalawa!"

Nakasuot siya ng malaking jacket na may malaking hoody saka itim na kalo. Nakasuot din siya ng itim at malalaking shades at idagdag pa ang facemask. Para siyang nangangailangan ng witness protection sa itsora niya!

"Tangina mo, hindi mo ako naiintindihan. Hindi mo alam kung ano'ng pinagdadaanan ko!"

"Edi ipaliwanag mo sa'kin para maintindihan ko..." kaysa sa para kang babaeng tinotoyo.

Nakakaasar eh! Ako ang napagbubuntungan niya ng kung ano mang nagpasama ng umaga niya. Hay naku...

Pagkalabas namin sa gate ng south exit ay napansin ko agad ang nakapark na kotse ni So-ji sa tapat.

Dire-diretso kaming naglakad papunta ro'n at mukhang nakita rin kami ni So-ji. Bumaba ang bintana sa may banda ng driver's seat at binigyan niya kami nang matamis na ngiti sabay kaway.

Kumaway ako pabalik pero si Dante? Dire-diretso lang siya hanggang sa makapasok sa backseat. Ano ba talagang problema niya? Lahat na lang sinusungitan niya.

"Kamusta, Tinakda?" tanong agad ni So-ji sa'kin paglapit ko.

"Ayos lang. Nand'yan na ba si Ami?"

"Narito ako Jacques..." eksaktong sagot ni Ami pagkatapos kong sumilip sa bukas na bintana ni So-ji, magkatabi sila sa harapan. Kaya pala parang ang sigla ni So-ji ngayon, hahah.

No'ng makumpirma kong nasa sasakyan na rin si Ami ay pumasok na ako sa backseat kasama si Dante kaso lang natigilan ako...

"HAHAHAHAHAHAHA!!" t-teka, sandali lang! HAHAHAH! Tinanggal na niya ang shades at facemask niya at bakit ganyan?

"Fuck you! Ang lakas ng loob mo para pagtawanan ak—"

"Dante! Mukha kang ewan! HAHAHAHAHAHAHA, anak ng pandan flavor, HAHAHAHAHAHAHA!!"







Inabot din ako ng siyam-siyam bago ko mapakalma ang sarili ko.

Pakiramdam ko gusto akong upakan ni Dante ngayon. Hindi ko talaga napigilan na pagtawanan siya kanina dahil sa itsora niya. Parang naiintindihan ko na kung ba't napaka-init ng ulo niya.

G U A R D I A N STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon