CHAPTER 24.1: SUMPA NG ULAN

37 18 18
                                    

***

Noong iniharang ni Amitage ang kanyang sarili sa harapan ni Jacques ay tumalsik ang kaonting dugo niya patungo sa pisngi nito. Dalawang sigundo pa silang nagkatitigan noon ni Jacques bago siya pumikit at matumba.

"Amitage..." iyon na lamang ang nagawa ni Jacques, ang tawagin sa pangalan ang Lost guardian gamit ng mahinang boses.

Pagkatapos niyang masalo ito ay hindi na siya nakagalaw. Ang buong katawan niya'y nanlalamig ngunit hindi ito bunsod ng patuloy na pagbuhos ng ulan bagkus ito'y dahil, sa kanyang mismong harapan ay nasaksihan niya kung paano tumagos ang matalas na patalim sa kaliwang dibdib ng kanyang kaibigan.

Habang nakahiga sa kanyang mga bisig ang Lost guardian ay nakatitig lamang siya sa nakapikit na mukha nito habang tulala ngunit kung tititigan ang mga mata ni Jacques ay makikita roon ang matinding pagkagimbal.

Sa gitna ng dalang lamig ng ulan ay ang tanging nararamdaman niya sa kanyang buong sistema ay ang pamilyar na bigat at nakakapang-manhid na kirot sa kanyang puso.

"Malupit ba? Karimarimarim ba? Napaka-inosente mo pa nga talaga."

Dahan-dahan inangat ni Jacques ang kanyang mukha upang titigan ang babaeng nagsalita. Si Sabrina. Nakatayo siya sa harapan nila Jacques habang nakatarak pa rin sa kanyang kanang dibdib ang malaking tipak ng yelo.

Ngunit tila may kakaiba na sa kanya. Parang sa isang iglap ay nagbago ang buong katauhan niya. Ang kanyang datingan ay tila naging sopistikada at matapang.

Pati ang anyo niya'y nagbago rin.

Makikita muli na itim na itim ang buong kulay ng kanyang mga mata at ang kanyang balat ay mula sa pagiging maputla ay ngayon ay halos kakulay na nang abo. Nakabuhayhay na rin ang kanyang mahabang buhok na kapansin-pansin na tila lumulutang.

Hindi gumanti ng sagot si Jacques noon at nanatili lang siyang nakatitig kay Sabrina habang binubunot nito ang tipak ng yelo na nakatarak sa kanya.

Pagkatapos matanggal ni Sabrina iyon ay itinapon niya lang ito sa tabi kaya sandaling napunta roon ang atensyon ni Jacques.

Kapansin-pansing walang kahit katiting na bahid ng dugo na makikita sa malaking butas na nilikha ng malaking tipak ng yelo sa kanyang kanang dibdib at sa isang kisap mata lamang ay mabilis naghilom ang sugat!

Sandaling nag-unat si Sabrina ng kanyang leeg noon bago magsalita "Ayos, nasa isang daang porsyento na ako ngayon. Mabuti na lang at matibay ang katawan na ito." sabay tingin sa kanyang mga kamao. "Kailangan kong pasalamatan ang Duwe Amitage kaso nga lang...mukhang hindi na niya ako maririnig."

Noong mabanggit ang pangalan ni Amitage ay tila may bulkan na sumabog sa kalooban ni Jacques. Dahil doon ay mabilis bumalik sa kasalukuyan ang kanyang diwa.

Tinitigan niyang muli ng ilang sigundo ang Lost guardian at ang patalim na nakatarak pa rin sa kaliwang dibdib nito. Sa ilang sigundong pagtitig niya roon ay napansin ni Jacques na humihinga pa rin pala si Amitage!

Pagkatapos mapagtanto iyon ay huminga siya nang malalim bago tumayo at naglakad patungo sa gilid ng kalsada. Lumikha siya roon ng isang maliit na silunganan na yari sa yelo para kay Amitage. Ito ay parang maliit na kweba at doon ay maingat niyang iniupo ang kaibigan.

Pagkatapos gawin ang lahat ng iyon ay tumayo nang maayos si Jacques at saka sumugod kay Sabrina.

"AAAAAAAAAH!!!" Isang galit na galit na sigaw ang kasama ni Jacques noong tumatakbo siya patungo kay Sabrina.

Kasabay ng kanyang pagtakbo ay ang paglitaw noon ng isang asul na magic circle, kung tawagin pa ni Jacques, palibot ng kanyang kaliwang kamao at saka mabilis naipon ang malaking porsyento ng kanyang enerhiya papunta roon!

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now