CHAPTER 13: MGA DAMDAMIN

48 26 70
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View ]

Kinagabihan ako umuwi ng bahay no'ng araw na 'yon.

Prinoprocess ko ang lahat ng sinabi sa'kin ni Dante. Ang totoo, hindi na ako kinakabahan kung sakaling laban din ang hanap ng Nightmare na 'yon kasi kasama ko si Ami.

Buo ang tiwala ko kay Ami dahil siya ang partner ko at alam ko'ng kaya namin ang lahat pag magkasama kami. No'ng sinabi ko nga 'yong tungkol sa Battlers, sinuportahan ako ni Ami. Sinabi pa niyang magandang ideya 'yon!

Kaso no'ng binanggit ko na kay Ami na baka minamatyagan ako ng Gatekeeper ng Lost guardian ng Lost Gate of Shadows ay napansin ko'ng may nagbago sa kanya.

Madalas na siyang nasa malalim na pag-iisip, tahimik at seryoso. Napapatawa at napapangiti ko pa rin naman siya pero iba na talaga.

Nag-aalala ako sa kanya kaya, imbis na iwan siya sa bahay ay isinama ko siya ngayon dito sa trabaho, sa Coffee Break.

Ang totoo dahil na rin sa pakiusap ng manager namin.

May himala laging nangyayari sa tuwing nandito si Ami! Mas dumadami ang mga customers kapag nandito siya. Gaya na lang ngayon, halos puno na kami!

"Iba talaga ang epekto ng kacutetan ni Ami! Para na siyang tourist attraction natin dito hahaha!"

"Hay naku, magtrabaho na nga lang tayo Zain."

Tourist attraction daw, si Zain talaga. Habang tinititigan ko si Ami na nakikipag-usap sa ibang customers ay mukhang nalilibang naman siya.

Kaso may hindi pa rin tama. Kukunin ko na nga lang muna si Ami, makikipag-usap ako sa kanya.

Naglalakad pa lang ako palapit sa direksyon nila Ami ay napansin na niya ako agad.

"Nandito na ang aking tagapangalaga."

Tagapangala? Hahaha, 'yon ba ang sinasabi niya sa lahat?

"Awe~ Nakakatuwa talaga siya magsalita!"

"Para siyang manika. Ang puti-puti tapos blue eyes pa! So cute~"

"Maraming salamat po sa mga compliments niyo. ; Halika na Ami?"

Maayos na nagpaalam si Ami sa mga customers bago niya hinawakan ang kamay ko at sumama sa'kin paalis. Sinama ko siya sa pwesto ko sa counter.

"Ayos ka lang ba?"

"Mabuti subalit ang katawang-tao na ito ay mabilis antokin..."

Pagkasabi ni Ami no'n ay humikab siya. Ang cute! Kinusot-kusot pa niya gamit ng dalawang kamay ang mga mata niya.

Pero totoo naman ang punto niya kasi bilang bata kanina pa siya nag-eentertain sa mga customers kaya siguradong pagod na siya.

Lumuhod ako para maging magkasing-lebel ang tangkad namin. Maingat ko hinubad ang headband niya na may pangalan ng coffee shop namin pero nagulo pa rin ang buhok niya kaya inayos ko.

Sinuklay-suklay ko gamit ng mga daliri ko ang buhok niya at parang dahil sa ginawa ko, mas inantok lang siya. Humikab na naman kasi siya.

Ang cute!!!

"Sabihin mo lang sa'kin kung gusto mo muna matulog. May higaan sa locker room."

"Salamat sa iyong pag-aalala Jacques. Iyan ay aking gagawin kapag nadama ko'ng kailangan ko na nga magpahinga."

Ngumingiti siya ngayon pero may konting bahid pa rin ng pag-aalala sa mga mata niya habang nakatitig sa'kin.

Sinabi ko sa sarili ko na kakausapin ko siya pero ano ba ang sasabihin ko? Hindi ko alam kung anong itatanong ko para malaman kung anong gumugulo sa isipan niya.

G U A R D I A N STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon