CHAPTER 12: ANINO

74 29 106
                                    

***

"Sapat na ito sa ngayon, bumalik ka na ro'n."

Pagkatapos ko paalisin ang alagad ko ay bumalik agad ang liwanag dito sa sala. Sa ngayon, nasa sa akin na ang lahat ng kailangan kong impormasyon sa tinakda at sa mga kasalukuyang...kaalyado niya.

Apat na buwan.

Ganoon na katagal magmula mangyari ang tinatawag ng lahat na Awakening. O sa madaling salita ang paglitaw ng tinakda. At noong nakaraang buwan lang ay nangyari ulit iyon. Hindi alam ng lahat kung bakit nangyari ulit pero hindi gaya nila ay alam ko kung bakit.

Ang hangal na gatekeeper ni So-ji ay hinamon sa isang gateduel ang tinakda.

"Napakalaking kalokohan." Iyon ang sumagi agad sa isipan ko noong malaman ko ang plano ni So-ji na ipalabas na "si Dante Laurrell ang tinakda" kapag nagawa na nitong maging S-rank. Binalaan ko na siya pero ano nga ba ang aasahan ko sa mas malaking hangal? Itinuloy pa rin niya.

"Salamat sa paghihintay! Ano sa tingin mo kuya? Maganda ba?" sabik niyang pagtatanong sa akin.

Bumaba na siya ulit mula sa second floor at tumayo siya sa hagdan kung asan makikita ko siya nang maayos.

Ito na ang pang-labing limang beses na nagpalit siya ng suot. Inayos ko ang pagkakaupo ko at nag-dequatro'. Pinapasakit niya ang ulo ko sa mga kaartehan niya.

"Hindi isang fashion show ang gagawin mo kaya nahihirapan ako maintindihan kung para saan ang ginagawa mo ngayon."

Kanya akong inirapan noon at pinagtaasan ng kilay, "'Wag mo nga ako paandaran ng kamaldituhan at n'yang emotionless mong mukha! Diba first impression matters? Dapat hindi ako pangit kapag nagkita na kami ng Tinakda."

Pagkatapos sabihin iyon ay nagdadabog siyang bumaba sa hagdan at naglakad papunta sa whole body mirror na nasa gilid ng pader na nasa kaliwa ko.

Roon ay inayos niya ang pagkakalugay ng tuwid at itim niyang buhok papunta sa likod na naging dahilan para masulyapan ko sandali ang itim niyang hikaw sa kanyang kaliwang tenga.

Tuluyan ko siyang pinagmamasdan. Habang nakakatig sa kanya ay dahan-dahan bumalik sa isip ko ang nakaraan. Napakalayo na ng narating niya at ngayon ay hindi lang siya simbolo ng kagandahan. Pati rin ng kapanyarihan.

Napagpasyahan ko tumayo sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. Pumusisyon ako sa likuran niya at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"Wala akong natatandaan na naging pangit ka kahit kailan kaya hindi mo kailangan mag-alala." ani ko sa seryosong tono.

Napangisi siya at liningon ako, "Ang bolero mo kuya! Pero sige," ibinaling niya ulit ang titig sa sarili sa salamin ",ito na lang ang susuotin ko kasi ikaw na ang nagsabi. Palagi akong maganda."

Binitawan ko na ang mga balikat niya noon at saka hinalukipkip ang aking mga braso habang hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa kanya mula sa salamin. "Tama. At sa gandang taglay mo, mawawalan ng kakayahan na makapagsalita ang tinakda."

Pagkatapos ko iyong sabihin ay tinitigan niya na rin ako ngunit mula sa repleksyon namin sa salamin. Humarap siya noon sa akin at hinayaan ko ang aking Gatekeeper isabit sa aking kaliwang tenga ang iilang takas na hibla ng aking buhok na naging dahilan para sumuwil din ang aking hikaw na kapares ng kanya.

***


[ Jacques Gruel - Point of View ]

Pagkatapos ng nangyari kagabi, sigurado na ako at panatag na kakampi ko na sila Dante at So-ji. Sana palaging ganun! Na imbis kalaban, kakampi ang nagkakaroon ako.

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now