CHAPTER 8: GAME ACTORS

64 32 115
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View  ]

Hay, ano ba 'tong ginagawa ko? Para ko'ng inihahain ang sarili ko...

Teka, sandali lang! Wag! Wag ka maging manok ngayon! Ginagawa ko 'to para mas makilala si Dante.

Hapon na at free time namin pareho ni Dante kaya magkasama na naman kami.

Ito na ang ikalimang araw.

Nandito kami ni Dante sa study area. Karamihan ng mga estudyante ng ganitong oras, may klase kaya halos kami lang dalawa ni Dante ang nandito.

Kung meron ma'ng iba pa'ng tao dito ay nando'n sa bandang medyo malayo pa sa'min.

Tulad ng dati, tahimik si Dante na nagbabasa ng libro para masagotan ang ginagawa niyang mga activities para sa susunod na subject namin.

Parati niyang ginagawa ang mga activities in advance. Siguro dahil sa napaka-sikip ng schedule niya kaya ginagawa na niya in advance ang mga activities. Dahil dito nalamam ko na responsable siya.

Sa nagdaang mga araw, ano na ba ang mga nalaman ko tungkol sa kanya?

Una siguro ay 'yong halatang gusto siya ng lahat. Hindi ko rin maipaliwanag pero ang gaan ng loob ng lahat ng tao sa kanya. Kahit sino pa 'yon!

Warm at friendly din siya makisalimuha sa mga taong 'yon. Palaging nakangiti. Pakiramdam ko nga, na sa buong university ay ako lang ang hindi komportable sa kanya.

Ang pinaka nagpapatunay na ebidensya no'n ay 'yong nakaraang show niya. No'ng kakabalik ko pa lang galing sa sakit. Nalaman ko na, para lang sa maikling show na 'yon ay pinasuspend ang halos lahat ng klase sa umaga para maging audience sa show niya.

Kaya pala punong-puno ang hall no'n. Ang hirap paniwalaan, pero nangyari.

Ikalawa na nalaman ko, napakahilig niya sa mga halaman. Hindi ako sigurado kung given na 'yon kasi Nature type-gatekeeper  siya pero napansin ko na kapag may nakikita siyang halaman, sandali siyang napapasulyap o napapalingon o napapatitig.

Kapag magkausap naman kayo ay paminsan-minsan may nababanggit siya in random tungkol sa isang halaman. Kung hindi mo siya oobserbahan ng mabuti, hindi mo mapapansin.

Ikatlo...?

Siguro ay 'yong...medyo may pagkakapareho kaming dalawa.

Dito, hindi ako gaanong sigurado sa nakikita at napapansin ko pero naobserbahan ko na tulad ko na may pagka-introvert siya.

Celebrity siya pero napansin ko na napakahusay niya na hindi mapansin kung gugustohin niya!

May isang pagkakataon no'n na nakita ko siya dumaan sa maestudyanteng lugar ng Agostino. 'Yong tipong, ako lang sa lahat ang parang nakakita sa kanya? Tapos ang iba, hindi man lang siya napansin!?

Sobrang namangha ako no'n na literal akong nadikit sa kinatatayoan ko habang pinapanood siya. Napaisip ako no'ng mga sandaling 'yon kung "kaya ko rin kaya magawa 'yong ginawa niya?"

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero sobrang namangha lang talaga ako no'n.

"Jacques? Bakit? May itatanong ka ba sa akin?"

G U A R D I A N STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon