CHAPTER 2 : "PAGKAGISING."

186 48 273
                                    

Kamusta?

Kamusta ang pagbabasa?

For "better reading experience" ay iminumungkahi ko lamang muli na ang "reading mode" niyo ay gawing "scrolling" (para sa mga "paging" ang reading mode).

Stay hydrated~


[ Jacques Gruel - Point of View ]

Nandito na ako ngayon sa park at hinahanap 'yong inupuan namin ni Sir Edward kaso nga lang...kanina pa ako tumatakbo rito't naghahanap pero hindi ko pa rin mahanap 'yong bench!

Kailangan ko magmadali. Baka mamaya nakuha na 'yon ng kung sinong palaboy! Ang lupit ng tadhana, 'wag naman sana. Teka, sandali lang...'yon na yata 'yon! Mabilis akong tumakbo papunta sa bench at nakita ko agad ang bag at jacket ko. Habang naghahabol ng hininga ay isinabay ko na rin ang pag-check kung may nawala ba.

Ha? Asan ang wallet ko? Hindi! HINDI! May mas nauna na yata sa'kin at ninakaw ang wallet ko!

"Malas, malas, malas..," sabay hilamos sa mukha ko. Kahit wala na 'yong lamang pera, nando'n ang school I.D ko't iba pang mga importanteng I.D. na kailangan ko. Ang lupit! Malas talaga!

Teka, sandali nga muna...ang lamig. Masuot nga muna 'tong jacket ko.

"Ikaw ba si Jacques Gruel?"

Napalingon ako sa lalaking biglang nagtanong. Nakatayo siya sa kanan ko at nasa dalawang metro ang layo mula sa'kin. Nakasuot siya ng itim na coat at kung pagbabasehan ko ang pisikal niyang itsora ay nasa mid 20's na siya tulad ni Sir Edward.

"Hindi ba tayo nagkakamali?! Wala akong naramdaman na kahit anong bahid ng pagiging Gatekeeper sa kanya. Masyado siyang ordinaryo."

Teka sino naman 'yon? Sunod akong lumingon sa likuran ko at nakita ang isa pang lalaki na nakaitim ding coat na mukhang kaedad ko lang.

Pero hindi tulad no'ng una ay nakabukas ang coat niya at hindi nakabutones. Dahil do'n...kitang-kita ko ang napakalaking kutsilyo na nakasukbit sa bewang niya. Bakit siya may dalang ganyan?!

"Dahil hindi pa siya isang Gatekeeper...na pabor naman para sa atin," ha? Anong ibig sabihin no'ng unang lalaki?

"Hindi pa rin ako kumbinsido na siya ang hinahanap natin," parang naiinis pang sagot no'ng kasama niya.

"Ang sinabi ng Soul guardian ay ngayong gabi sa eksaktong lugar na ito ay may isang lalaking maghahanap ng isang bagay na berde. Isang lalaking nagtataglay ng buhok na kakulay ng kahoy..-"

"Hindi pa rin ako maniniwala na siya ang tinakda hanggang hindi ko nakikita ang marka," pagsingit naman bigla no'ng ikalawang lalaki sa sasabihin sana no'ng una.

Wala akong kahit katiting na ideya kung anong pinag-uusapan nila.

Ang "tinakda?" At "ako" ba ang tinutukoy niya ro'n? Ano 'to isang fantaserye? Matagal pa bago ang remake ng Encatadia, 2015 pa ngayon. Ang lakas ng tama ng fudgebar sa mga lalaking 'to. Imagination ang limit.

"Okay...segment ba 'to sa isang comedy show? Sige na, kuhang-kuha na ako. Kinakabahan na ako kaya 'mission accomplished' na!"

Ba't napapangisi na parang baliw 'tong isa? May nasabi ba akong mali?

"Nakikita mo ba 'to Joe? Wala siyang kaalam-alam..," baling niya sa kasama niya habang nakangisi pa rin.

"Manahimik ka na Janvier. Gawin na lang natin ang inutos sa atin," seryosong wika naman ng kasama niyang tinawag niyang Joe.

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now