CHAPTER 17: LALABAN O?

45 21 48
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View ]

Tinigil na ni Janel ang pagpapakawala ng enerhiya niya kaya gumaan na ulit ang pakiramdam ko..

Pero anong nangyayari?

Pagkatapos no'ng parang itinira ni Janel kay Dante ay bigla na lang natumba at nawalan ng malay si Dante!

Bumagsak na lang siya kaya ngayon nakahandusay siya sa lupa.

Magmula rin ng mawalan siya ng malay ay nawala na rin ang Gatekeeper form niya. Kasabay no'n, nagsimula ding maglitawan 'tong  mga "pasa't-sugat" niya sa iba't-ibang parte ng katawan niya kahit wala namang nangyayari.

"Dante! Dante!!"

Hindi ko rin siya magising!?

"Ang inutil niya, diba?"

"Janel!"

Naging alerto ako no'ng nagsimula si Janel na maglakad palapit sa'min. Pumunta ako agad sa harapan ni Dante at hinanda ang sarili ko...

No'ng ginawa ko 'yon ay napataas ang kilay ni Janel at pinamewang ang kanang kamay niya.

"Kamuntikan ka na niyang mapatay  para agawin sayo ang pagiging 'tinakda' dati tapos...propotektahan mo pa rin siya?"

Alam niya rin ang tungkol do'n?! Gaano ba karami ang alam nila?

"Kaibigan na ang turing ko kay Dante kaya oo Janel, propotektahan ko siya. Gusto ko rin malaman...kung anong ginawa mo sa kanya?!"

Napangisi ng maloko si Janel pagkatanong ko no'n.

Sa tuwing ngumingiti siya ng ganyan, tulad ngayon, para akong nakakakita ng baliw. Ang totoo, hindi ko pa rin masyadong matanggap na ang babaeng matagal ko ng nagugustohan ay si Nightmare, na sinasabi ni Dante na isang malupit na tao.

Hindi ko pa rin kaya maproseso ng maayos sa utak ko ang lahat pero ang naiintindihan ko ng klaro ngayon: nasa panganib si Dante.

Kaya do'n na lang muna ako magfofocus...

"Ang  'Dark Horizon'  ay hindi lang isang simpleng atake. Isa 'tong psychological attack  na sabihin na lang natin na...masyadong literal ang pisikal na epekto."

Ano!?

"Nakakatulog ang kalaban at napupunta sa isang malalim na panaginip. Sa panaginip na 'to, haharapin niya ang mga matitinding takot niya ng paulit, ulit, ulit...at ulit. Kung ano ding nangyayari sa kanya sa panaginip niya ay lumalabas sa pisikal niyang katawan 'yon. Nakakathrill diba? "

Habang pinapakinggan ko siya magpaliwanag ay rinig na rinig ko ang pagka-aliw niya...paano niya 'yan nasasabi ng ganyan?! Na parang ang ganda-ganda at ang saya-saya ng ginagawa niya?!

Talaga ba'ng nag-eenjoy siya dito!?

"Dante!?"

Nabaling agad ang atensyon ko kay Dante no'n. Bigla na lang siya umubo ng dugo!

Lumuhod ako papunta sa kanya at hinawakan ko ang ulo niya. Mukhang totoo nga, nadadagdagan lang ang mga sugat ni Dante.

Hindi lang panaginip ang nararanasan niya kung hindi isang literal na bangungot. Teka, sandali lang, paano kung kunwari masaksak si Dante sa puso sa bangungot niya?

Ibig ba'ng sabihin no'n, literal din siyang mamamatay dito!?

Hindi!

"Janel nakikiusap ako, tama na! Tanggalin mo na ang bisa ng kapanyarihan mo kay Dante! Alam mo kung anong pwedeng mangyari kapag nagpatuloy pa 'to sa kanya diba?!"

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now