CHAPTER 11: FRIENEMIES

61 29 91
                                    

Kamusta?

Kamusta ang pagbabasa?

#ShareLangNiBbEnero
Ito na po ang huling chapter na nagmamarka ng pagtatapos ng "Popstar Arc" o sa madaling salita mga chapters na nagpapakilala kay Dante at So-ji ヾ(≧▽≦*)o

Maraming salamat sa pagbabasa, suporta at pagpasok sa mundo ni Jacques. Isa po 'tong malaking bagay para sa akin. God bless us all.

Next update!

Ang pagsisimula ng "ANINO ARC."
Follow yours truly and stay hydrated.





[ Jacques Gruel - Point of View ]

Dalawang linggo na ang nakakalipas matapos no'ng laban namin ni Dante. Sobrang nanghihina si Ami no'n kasi hinigop ni Dante ang lakas niya.

Pero higit sa lahat, ang balita talaga na gumulat sa'kin ay nanalo kami.

Ang sabi ni Ami, "ako" raw din mismo ang tumapos sa laban. Ni hindi ko maalala kung papaano nangyari 'yon kaya hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala.

Dahil din sa laban namin, hindi na rin ako pumasok kinabukasan. Tinanong ako ni Zain nung tumawag siya sa cellphone ko kung bakit absent na naman ako, ang sabi ko lang naaksidente ako. Na nabangga ako ng bike.

Naniwala naman siya kasi pag-pasok ko nung Lunes puno lang naman ako ng mga pasa't-sugat! Tapos idagdag pa ang cast sa kanang braso ko. Natuloyan siyang mainjured dahil sa pag-gamit ko ng kapanyarihan.

Hay, grabe ang bakbakan namin. Hindi ako masyadong nasaktan din 'no?...( ̄▽ ̄;)...pero ngayon wala na ang lahat ng natamo ko'ng injury.

Maraming salamat sa abilidad ni Ami na meron din ako. Isa 'tong klase ng "regeneration ability" na ang sistema, kailangan ko lang dampian ng malamig tulad ng yelo ang parteng may injury para mapabilis ang pag-galing nito.

Ang totoo, dalawang araw akong palihim kumukuha ng yelo sa malaking refregirator sa cafeteria para magdampi sa sarili ko kapag lunch break.

Nakakakonsensya ng konti magnakaw ng yelo pero nagbunga naman ang lahat ng ice na 'yon at mabilis gumaling lahat ng mga pasa't-sugat ko.

Hindi ko rin kailangan mag-sinungaling na kay Sir Edward nung punong-puno pa ako ng mga sugat!

No'ng nakaraang linggo, may pinuntahan siyang one week-long na conference sa ibang bansa. Hindi ko alam ang ibang detalye no'n pero nakatulong kasi pagbalik ni Sir Edward, magaling na magaling na ang itsora ko!

"Jacques, tayo ba'y malayo pa?"

"Ami, malayo pa. Sa kabilang building pa tayo pupunta."

At oo, kasama ko ngayon si Ami.

Magmula no'ng nangyari, ayaw na niyang nagpapaiwan sa bahay muna para palagi niya akong kasama. Ultimo kahit sa loob ng classroom ay kasama ko si Ami!

No'ng una, nag-alangan talaga ako kasi baka pagalitan ako ng mga proff ko pero hindi man kapani-paniwala, napaamo silang lahat ni Ami gamit ng kacutetan niya! Hindi ako OA, talagang napaamo niya silang lahat! Kahit ang pinaka strikto ko'ng proff!

Lahat sila pumayag na mag-sit in si Ami. Iba talaga ang nagagawang himala ng itsora niya. Kahit ako, nabibigla.

Kasalukuyan na nakaupo si Ami sa mga balikat ko. Pinagbigyan ko na kasi ayoko naman na magka-stiffneck siya, kakatingala sa mga buildings. Pinagtitinginan na nga kami eh! Sinong hindi mapapalingon sa kanya?
Pilipinas 'to pero siya? Mukhang siyang parang napaka-sopistikadong manika!

G U A R D I A N STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon