CHAPTER 3: KAPALPAKAN

119 42 225
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View ]

Pagkatapos ng hindi kapani-paniwalang laban na nangyari kanina ay tumakas na kami agad do'n.

Tama, kami nitong nagligtas sa'kin.

"A-Amitage...pwede mo na ako ibaba."

Binaba naman niya ako. Malayong-malayo na kami sa park at ngayon nasa rooftop kami ng isang six stories-building.

Hay...hindi ko naihanda ang sarili ko kanina. Bigla na lang ba naman niya akong BINITBIT NA PARANG BAG tapos LILIPAD!

Ipinulupot niya ang dalawang braso niya sa magkabilang kili-kili ko at umalis na kami ng napakabilis! Ni hindi ko na nakuha ang mga naiwan kong mga gamit do'n.

"Gusto ko sanang bumalik do'n para kunin ang bag ko..." pagharap ko agad kay Amitage no'ng makalapag na rin siya.

"Maaari natin iyong gawin subalit hindi muna sa ngayon. Hindi tayo dapat maging kampante sapagkat maaari pa rin silang makabangon mula roon at habulin tayo. Mas mainam kung hahayaan muna natin lumipas ang ilang oras bago bumalik."

Ha?

Sa tingin niya makakabangon pa sila ro'n?! Literal niya silang ibinaon ng buhay sa ilalim ng napakaraming snow at baka nga napatay na niya sila!

Hay...kailangan ko kumalma. Kumalma tayo Jacques.

Teka, sandali lang...narealize ko lang bigla na hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa kanya. Nakakahiya. "Amh...maraming salamat nga pala para sa pagliligtas sa'kin."

Nong sabihin ko 'yon ay humarap siya para titigan ako..amh...siguro? Ramdam ko lang sa kabila ng suot-suot niyang maskara.

Pero pambihira talaga ang itsora niya. 'Yong tipong akala mo sa anime mo lang makikita pero heto...nasa harapan ko ngayon. Itong armor niya rin ay hindi 'yong full body armor talaga kasi may ibang parte pa ring kita ang balat niya. Ang totoo hulmang-hulma ang katawan niya sa suot niya.

Lantad na lantad rin ang mga hita't-binti niya na sinuotan ng parang mga puting boots na hita ang taas at halos papunta ng sing—...

Teka, sandali lang ba't ako nakatitig sa parteng 'yon!?

"Hindi. Ako ang nararapat na maghandog ng aking pasasalamat. Labing-limang siglo, ako ay naroroon lamang at naghihintay. Ibinigay mo ang kalayaan na napakahabang panahon ng ipinagkakait sa akin. Lubos akong nagpapasalamat mula sa pinaka ibuturan ng aking puso, Tinakda."

"Fiftheen centuries"  ba kamo ang sinabi niya?!

Ang isang siglo ay "100 years" kaya kung i-mumultiply mo 'yon sa 15...

Ang ibig sabihin "1,500 years" na siyang nando'n lang! Hinigitan pa niya ang spaniard colonization sa Pilipinas sa tagal niyang nakakulong sa monumentong 'yon. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganyan siya kung magsalita ng tagalog. Ang totoo, ang ganda din ng boses niya.

Teka, sandali lang may naririnig na naman akong buong gabi nang itinatawag sa'kin.

"Anong tinawag mo sa'kin?"

"Ako'y mapalad. Hindi naging mapait ang aking pagtitiis sapagkat ang pinaka katangi-tanging tao sa buong mundong ito pa ang aking naging Gatekeeper. At ikaw iyon...tinakda."

HOY! HOY! HOY! ∑( ̄□ ̄;)

Ano 'yan!? B-Bakit!? Bakit siya lumuluhod sa harapan ko!?

Agad ako lumapit sa kanya at pinatayo siya. Ang gulo-gulo ng nangyayari. Gatekeeper? Soul Guardian?  At lalo nang ako ang tinakda?  Sigurado ba siya!?

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now