CHAPTER 18: BUDDIES

54 20 48
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View ]

Pagkatapos ng mga nangyari, umuwi na kaming lahat.

Kaya pala mabilis kami nahanap nila Ami kasi nagtext agad si Dante kay So-ji pagkadating niya sa Remaldio Park no'n. No'ng matanggap naman ni So-ji ang text ay pinuntahan muna niya si Ami bago dumiretso sa'min.

Sumakay sila sa kotse ni So-ji na siyang naghatid din sa'min ni Ami pauwi sa bahay ni Sir Edward.

Pagkahatid sa'min, nagpaalam na agad sila kasi kailangan pa'ng asikasohin ni So-ji si Dante. No'ng kinain ni Dante 'yong prutas na nagpagaling sa lahat ng sugat niya ay kalaunan nakatulog.

Siguro sa mga oras na 'to ay maayos ng nakakapagpahinga si Dante.

Nakokonsensya talaga ako. Ako ang dahilan kung bakit ginawa ni Janel 'yon sa kanya. Kakamustahin ko siya agad bukas.

Sa ngayon...si Ami muna ang kailangan ko'ng harapin.

Sa buong biyahe, tahimik lang si Ami at hindi kumikibo sa'kin kaya kukunin ko na ang pagkakataon na 'to para sabihin ang kanina ko pa gustong sabihin sa kanya.

Pagkatapos ko uminom ng tubig ay pumanik ako agad papuntang second floor para dumiretso sa kwarto namin.
Pagpasok ko ay nakita ko si Ami na nakahiga sa kama niya. Nakatalikod ang posisyon niya mula sa'kin.

Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa kanya. Plano ko sanang umupo sa tabi ng kama niya pero napagdesisyonan ko'ng umupo na lang sa sahig, sa gilid niya.

Hay...

Kahit ano ma'ng maging reaksyon ni Ami ngayon ay tatanggapin ko.

"Ami...gusto ko'ng mag-sorry. Para sa lahat. Dapat mas nagtiwala ako sayo at nakinig ako. Inaamin ko na naging tanga talaga ako. Sana matanggap mo ang paghingi ko ng sorry..."

Medyo huminga muna ako bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Amitage, patawarin mo ako."

Tatlong sigundo ang lumipas. Tatlong sigundo rin ng katahimikan.

Parang hindi na sasagot pabalik si Ami sa'kin. Masama talaga yata ang loob niya. Sa buong panahon na 'to, nasa tama siya at hindi siya naprapranning lang kaya hindi ko siya masisisi para sa silent treatment na binibigay niya sa'kin.

Tumayo na lang ako. Bababa na lang muna ako. Pupunta na muna ako sa laundry room para ibabad ang jacket ko na may dugo ni Dante.

Nasa tapat na ako ng pinto no'n ng liningon ko pabalik si Ami, umaasa na may sasabihin siya. Pero wala. Nanatili lang siya sa posisyon niya. Dahil do'n ay tuloyan na rin akong lumabas.








Dalawang beses na akong napapabuntong hininga habang nakatitig sa loob ng palangganang pinagbababaran ng jacket ko'ng puno ng dugo ni Dante.

Itinapat ko sa gripo ang palanggana dito sa itaas ng malaking lababo. Hinihintay ko lang na mapuno ng tubig.

Hay...

Ito na yata ang pinaka matinding gabi na naranasan ko maliban sa gabing nalaman ko'ng ako ang tinakda.

'Yong mga nakita ko kay Janel, 'yong pagbabago ng ugali niya at 'yong mga ginawa niya...tapos si Dinere.

Ang lamig at talas ng mga titig nila, talagang iba! Pati 'yong lakas nila, ang kompyansa at awtoridad...lahat nasa ibang lebel! Ni hindi ako makatayo kanina dahil sa presensya lang nilang dalawa!

Ang kamay ko, ayaw tumigil sa panginginig. Kinakabahan at natatakot ako sa lakas nila tapos nanghamon pa ako ng laban sa kanila! Kahit pa naiwan akong walang pagpipilian sa sitwasyon kanina, kabaliwan 'yong ginawa ko.

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now